Chapter 2: Love Triangle

1.1K 11 0
                                    

Chapter 2: LOVE TRIANGLE

Makalipas ng dalawang araw...

“Hi, miss.. uhmm.. pwede ba malaman ang name mo?” sabi ng isang lalake sa school namin na doon ko pa lang na-meet habang papaakyat ako’t nasalubong ko itong guy na to..

Since bago pa kasi ko, mahirap manabla ng tao.. kaya sinabi ko.. “ Ako nga pala si Kris..uhmm sige pasok na ko sa room ah, may klase pa kasi ako“ sabi ko yon, para lang makaiwas ako sa lalakeng yon..

at pagkapasok ko sa room, nagulat ako, dahil ang lalakeng nagpakilala sa akin, na di ko masyado binigyan ng atensyon ay kasama niya ang tsinito guy na di ko pa alam ang name..kaklase ko ba sila? Wow kaklase ko si tsinito guy..kung kaklase ko sya? That means hindi sya professor, eh bakit tinatawag syang sir?

“Ok class, gawin nyo tong program na to kelangan mai-run nyo.. simple lang naman yan.. titingnan ko lang kung nakikinig kayo sa akin” sabi ng professor namin sa C++.. syempre ang lola mo, nag maganda, kelangan magawa ko to, para ganda points kay chinito..hehehe!

“at kung sino ang makakauna, may plus sa quiz..” pahabol ng matabang lalakeng guro namin…

“Sir, tapos na po.. “ sabi ng chinito guy, kaya napalingon ako bigla.. naunahan niya ako, gosh ang galing naman niya.. pero nakakainis, bakit panay pa-cute ng lalakeng katabi niya, panay ang ngiti sa akin, yung lalakeng nagpakilala sa akin kanina na nilayasan ko..

“Yan tama nga yan.. pero Jaizer estudyante ba kita? Bakit naririto ka sa klase ko?” ang sabi ng guro namin, sa wakas nalaman ko rin ang pangalan niya, pero bakit ganun, di ko pala sya kaklase at higit sa lahat di pala sya prof.. sayang.. akala ko, makakasama ko sya ng matagal..

“Sir, kasi nagpasama sa akin si Vince eh, samahan ko daw sya.. sige sir alis na po ako..”ang paliwanag ni chinito guy na Jaizer pala ang name..

Pagkatapos ng klase namin, lumapit ulit si Vince at parang nahihiyang nagsasabi sa akin ng “Kris, pwede ba kita ihatid“.. biglang tumahimik saglit, nag iisip ako ng isasagot o nag iisip ako ng idadahilan.. dahil ayoko magpahatid, gusto kong magmadaling bumaba, baka sakaling andun uli si chinito guy.. “uhhmm, pwede next time na lang, wag muna ngayon kasi mejo war kami ni mama.. ok lang?“ yun bigla ang namutawi sa labi ko.. “Ok basta next time ah..“ang sabi niya at nagpaalam na sa akin at umalis.. Pagkagaling kong CR, bumaba na rin ako para umuwi..
Habang naglalakad ako, may narinig akong pagputok na malapit sa aking taenga.. at sa pagkagulat ko, napasigaw ako ng.. “Ay! Pwet ng kalabaw!”

“Ha!ha! ha!” kababae mong tao ang sagwa ng expression mo.. hahahaha! Ganyan ka ba magulat!
Si Jaizer pala, ngumunguya ng bubble gum at ginulat nya ako sa pagputok ng bubble gum nya na malapit sa aking taenga, di ko alam na sumulpot pala sya mula sa aking likuran..
“ah ikaw pala! Pagkatpos mo ko asar asarin mula nung nakaupo ako ng bubble gum, eto ka na naman ngayon!” sinabi ko habang ako’y nakapamewang!
“Eto naman di na mabiro! Ibaba mo na nga kilay mo, nasa ere na eh! Hehe” ang pang aasar ni Jaizer
“Eh patawa ka kasi! “ sabay talikod at nagpatuloy sa paglalakad para umuwi..
“Teka Kris, eto naman! Galit ka na nyan ah! Buti nga patawa eh kesa sa paiyak!” ang pilosopong sagot ni Jaizer.
Lumingon ako sa kanya at nagsalita, teka! Paano mo nalaman ang name ko? Wala naman akong maalalang nagpakilala ako sayo ah!” ang sagot ko na may pagtataka!

“Syempre, alam mo naman si Vince tropa ko, type ka niya eh, kaya inalam niya lahat tungkol sayo, pati number mo nga nalaman niya sa dati mong classmate nung hayskul na kaklase nya..kinukwento ka niya sa akin eh, mukhang type ka niya,..Ano? may pag asa ba? Hehehe! “ Ang pabirong sabi ni Jaizer

“Pag asa ka dyan! Excuse me .. ngayon pa lang kami nagkakilala tapos type na ko! Mga lalake nga naman, tsk. Tsk..”

“Teka maiba nga ako gummy girl, saan ka ba nauwi”
“Ano tawag mo sa akin? Paki ulit nga?”
“gummy girl”
“At inulit nga.. hayz”
“Sabi mo ulitin ko. Kaya inulit ko, masunuring bata lang ako”

Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin, kahit na may medyo nakakairita sya eh nag enjoy naman ako nakipag usap sa kanya.. kaya lang tropa niya pala ang nanliligaw sa akin, tiyak hindi sya gagawa ng move para ligawan ako kung saka sakaling may gusto sya sa akin, pero tingin ko wala.. wala syang gusto sa akin..

Tumunog ang cel ko, habang nagpapahinga na ko, para sa pagpasok uli sa school kinabukasan..

”Hi Kris tulog ka na ba?wala lang kinakamusta ko lang si gummy girl..para sabihing good night..”
”Good night din, intsek beho..”

“ha!ha!ha! nang aasar ka na rin ngayon ah, may pasok ka bukas..?”

“oo, pero panghapon ako..”

“Ah ganun ba, salungat pala tayo, pang umaga naman kasi ako, sayang!”

“Bakit sayang? Dahil wala ka na bang maaasar?”

“Hehehe! Hindi naman sa ganun..sana di naging bad ang impression mo sa akin nung una tayong nagkakilala..”

“Ayos lang, medyo medyo lang naman!”

Sa tagal naming magkatext kagabi, paanong hindi gaganda ang umaga ko.. hayz.. paggising ko sa umaga, parang ang aliwalas ng mukha ko at ang pakiramdam ko.. kaya nasa mood akong maglambing sa mama ko, magpauto sa mga kapatid ko na bigyan ng pera nung humihingi.. pati sila naninibago sa akin.. Panay bati sa mga tao ng “Good Morning” sa mga taong makakasalubong ko.. bakit kaya? Anong meron at nagkakaganito ako.. anyway ang aga ko sa school, kahit sa tanghali pa pasok ko, kasi alam ko, pang umaga si chinito guy, wala lang, gusto ko lang sya makita, kahit na di niya ko kausapin, yung makita ko lang sya, ok na ako.. ngunit pagpasok ko, di ko sya nakita.. nakakainis, umuwi na lang ako na hindi ko man lang sya nakita..Umiba ang awra ko, masaya nung umaga, ngunit malungkot pag-uwi, dahil walang interesting na nangyari…

Kinabukasan.. Naisipan kong magpa-salon kasama ang kapatid ko…bago pumasok sa school, alam ko na pagpasok ko sa school, wala na si Jaizer dahil pang-umaga sya..pero maaga ko pumasok, nagbabakasakaling maaabutan ko sya..

Habang nasa salon ako para magpagupit nang sa ganun new look ako.. naisipan kong itext sya.. di ko na matiis eh.. wala lang..

”Hi, gud am, nasa school ka ba?” teka! Tama ba ang itatanong ko parang hindi maganda.. uhmm.. (erase-erase-erase)

“Hi musta” teka! Parang pangit naman, papansin ata… ulit! Ulit!

“forwarded quotes na lang kaya? Sige yun na lang”.. at nagsend nga ako ng forwaded quotes..

nagreply sya.. sabi niya “Kamusta ka na? ako eto katatapos lang ng subject ko at pauwi na ko, susunduin ko pa kapatid ko, wala kasi si mama..”

”Ganun ba? Ako kasi on the way na ko sa school” ang reply ko kaagad, para malaman niyang papunta na ko sa school, umaasang hihintayin nya ko, pero hindi, hindi niya ko hinintay.. dahil ang reply niya sa akin ay “Sige ingat ka na lang sa pagpasok ah.. bye! see you next time”

asar, nagmamadali ako sa paglalakad, nagbabakasakaling maabutan ko man lang sya, hindi dahil new look ako at para ipakita sa kanya yon, kundi dahil gusto ko lang talagang makita sya, kahit sa malayo, kahit di niya ko nakikita.. basta makita lang sya ng mga mata ko.. Masaya na ko.. parang barakong lalake na ang lakad ko, dahil nagnanais maabutan pero hindi nangyari.. natapos ang klase ko.. umuwi na lang akong malungkot...

Nagbago ang aura ko.. nagbago ang mood ko.. ang kaninang masaya, napalitan ng lungkot..natulog akong umaasang mag-gugood night sya sa akin, pero hanggang umaga, walang text ni isa... kainis, bakit tropa niya pa may gusto sa akin, bakit hindi na lang sya, sya naman una kong nakilala ah, hindi naman yung isa.. bakit ganun..

Biglang may tumatwag sa aking mobile..
Naku si Jaizer, tumatwag! Nagmamadali akong sagutin..
“Hello” - Kris
“Hi gummy girl!! Musta ang new look??”” – ang bungad ni Jaizer
“huh? Paano mo nalaman?”
“hahahah!! Nakita kasi kitang naglalakad kahapon, parang nagmamadali ka, siguro late ka na nun kaya parang halos tumatakbo ka na.. hahah! Sayang ganda mo pa naman sa suot mo at sa bagong hair mo tapos ang lakad mo parang siga! Hahaha!” ang pang aasar nyang sinabi..
“Tumawag ka ba para asarin ako?” ang tanging tugon ko na may pagtatampo..
“Ah.. hehehe! Hindi naman.. gusto ko lang sabhin sayo na, mag ingat ka parati ah.. “
“huh? Bakit concern-concernan ka ata ngayon? Ano nakain mo? Hahaha! Hindi bagay sayo!”
“Wala lang.. “ ang tanging tugon nya na bigla na lang kami parehong nanahimik.
“Oh! Pano, bye bye na! may date pa kasi ako eh.. hehe! I-goodluck mo nmn ako, palakisin mo naman loob ko gummy girl! Ang torpe torpe ko kasi”
“Date? Wow! May ididate ka pala ngayon ah.. sige goodluck!”ang tanging nasambit ko na hindi ko matandaan kung paano ko nakayanang magsalita pa pagkatpos kong marinig ang lahat ng yon..

Tama ba ang narinig ko.. sinabi niya yon? May ka-date sya? Sana di ko na lang sinagot ang tawag nya...bakit ako nasasaktan? Mahal ko na ba sya?
Itigil ko na nga ang pagpapantasya! Haha! Mula ngayon, kakalimutan ko na sya...

BUBBLE GUM (NOVEL-true story) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon