Chapter 6: Meet my New lil sistah!
Kinabukasan...
Pumasok na rin si Vince, ngunit wala ni isa man siang pinapansin sa mga tropa nya.. dinaan daanan lang nya at tiningnang masama si Jaizer. Sinubukang tawagin ni Jaizer, pero hindi sya nilingon nito..Pinabayaan na lamang namin at nagsipasok na kami sa mga klase namin..
Pagkatapos ng klase namin.. pababa na ako non nang biglang..
“Kris!” sigaw ni Jaizer pero hindi ako lumingon dahil di ko yon narinig
“Gummy girl!” ang sigaw uli ni Jaizer at doon pa lang ako napalingon..
“Bakit?” ang sabi ko..
“Aba! Ayaw nang Kris, gusto talaga gummygirl! Hahaha! Gusto mo lagi nilalambing ka eh! Nawiwili ka na ah!” ang pang aasar ni Jaizer..
“Tigilan mo nga ako, di ko narinig tinwag mo ko sa pangalan ko..” ang sabi ko..
“Sus! Ang sabihin mo, ayaw mo na marinig ang name mo, gusto mo na ang gummy girl.. hehehe!” ang pang aasar ni Jaizer!
“uuwi na nga lang ako’t lahat lahat, nang aasar ka pa dyan!” ang sagot ko..
“Saan ka ba nauwi ah? Hatid na nga lang kita.. “ ang sabi ni Jaizer.
Wow ihahatid ako.. shet this is it!!! Ang tanging sabi ko sa isip ko.. hihihi ang landi..
“uhmm ! wag na, malapit lng naman ang house namin eh, isang sakay lang ng jeep then 15minutes lang ang byahe mula dito hanggang sa bahay..” ang tanging sambit ko (pakipot!) haha
“ah malapit lang pala eh, edi wag na, dyan ka na nga! “ sabi ni Jaizer at biglang tumalikod.
“yabang tlga neto!” ang pabulong na sabi ko..
“hahaha! Binibiro lang kita eh.. akin na nga ang bag mo.. aww teka! Style pala yan nung isa! .. ..Kung sya, bag ang binibitbit sayo.. pwes ako! Ikaw mismo ang bubuhatin ko..” ang sweet sweetang sabi ni Jaizer..
“wahh! Wag mo ko bubuhatin baka masapak kita!”
“brusko ka pala! Sabi ko na nga ba eh, nagdududa na ko eh! Dati ka tlgang lalaki ano?”
Napaisip ako, bakit biglang gusto niya na ako ihatid? Bakit biglang naging interesado na sya sa akin, manliligaw na ba sya? Nag uumpisa na ba sya?
Palabas na kami sa gate ng school, ihahatid nya na ako nang biglang nakita namin si Vince.. Biglang sabi ni Jaizer..
"Kris... pasensya na, hanggang sakayan na lang kita maihahatid.. next time tlga promise!” ang sabi ni Jaizer habang nakatingin kay Vince sa malayo..
“ayos lang! Ikaw lang ang makulit na gusto kong ihatid eh. Sabi ko nga wag na..”
“Sorry ah..”
Pagkasakay ko ng Jeep, sa di kalayuan nakita kong lumapit na si Jaizer kay Vince.. nakita ko silang nag uusap habang si Vince naman ay masama ang tingin at mukhang mabigat ang sinasabi kay Jaizer.. samantalang si Jaizer cool pa din ang dating nya.. Kung ano man ang pinag usapan.. di ko alam..
Bakit? Bakit nagbago isip niya bigla? Takot ba sya kay Vince? Kung sabagay naiintindihan ko sya, iisipin ni Vince na si Jaizer ang hadlang kung bakit hindi ko sya pinili.. Hay Kontrabida ka talaga sa buhay ko Vince.. yun na lamang ang nasabi ko sa isip ko sa sobrang pagkayamot..
Naiinis ako sa nangyayari pero ang importante, medyo nakakalapit na sa akin si Jaizer..
Lumipas ang maraming araw, dumaan na rin ang maraming linggo, patuloy si Jaizer sa mga ginagawa niyang paghahatid sundo, at panlilibre sa akin tuwing lunch time namin, madalas ko na syang nakakasama..
Pagpasok ko sa klase kung saang kaklase ko ang dalawa sa isang subject na pang umaga. ..
“Class, sino ang tropa ni Vince dito? May alam ba kayo kung bakit hindi na sya pumapasok?” ang sabi ng professor naming..
Napayuko na lamang kami ni Jaizer at wala ni isa man lang umimik..
“Class, kung Makita nyo sya pakisabi kay Mr. Vince na maaari syang bumagsak sa subject ko kapag pinagpatuloy nya pa ang pag aabsent. Di na sya nakakapag quiz , anong grade ang ko-compute-in ko?” ang pangangambang sbi ng prof.
Napansin ko rin na di na nga nagpapakita si Vince sa school ..
Isang araw, nag C.R. ako.. May nakasabay akong babae, ang kapal ng make-up at halos pwede ka ng magtanim ng kamote sa mukha niya sa sobrang kapal..at halos one liner lang ang kilay at kulay pula pa.. mukha talaga syang mataray at pala-away sa unang tingin mo at kung tumingin parang gusto ka niyang balatan..
"ikaw ba si Kris??" ang tanong niya na may konting pagtataray at pagtaas ng kilay..
"OO ako nga.." sagot ko naman at hindi nagpapahalatang takot, pano naman kasi, di naman ako pala away noh.. pero kung walang choice, edi walang atrasan to..
"Ikaw ba ang nababalitang nililigawan ni Jaizer?" Ang tanong ulit ng babaeng mataas ang kilay na one liner pa..
anong isasagot ko sa tanong niya? Nililigawan nga ba ko ni Jaizer? Yung mga ipinapakita ba niya sa akin eh panliligaw ba yon? Paano kung ganun lang sya sa mga kaibigang babae niya? Baka pag sinabi kong oo nililigawan ako, baka mapahiya ako at sabihin ni Jaizer na.. ang kapal ng face ko..Anong issagot ko?
“OO, sya nga ang nililigawan ni Jaizer? May angal ka ba?” ang sagot ng babaeng sumingit sa eksena..
“Rhemy, hindi kita tinatanong! Pwede lumabas ka?” ang sabi ng mataray na babae, kulay pula naman ang kilay na drawing lang naman.. hahah
“Bakit ako lalabas, eh nagsisimula ka na naman mangaway sa mga baguhan.. bigo ka ba sa pinaplano mo? Kahit anong gawin mo hindi ka talaga magugustuhan ni Jaizer..” ang sabi ni Rhemy
“ha! Yun ang akala mo..!” sabay tumalikod na ang one liner na kilay
“Pasensya ka na Kris ah, ganun lang talaga yun si Arianne, sobrang crush nya kasi si Jaizer since 1st year college pa lang kami, pagkatpos nagulat pa sya dhail kung kelan graduating na sa college doon pa lang may niligawan si Jaizer at ikaw nga yon. ..” ang sabi ni Rhemy..
“huh.. ganun ba? Teka bakit ang dami mong alam kay Jaizer? Ano mo ba sya?” ang tanong ko na may pagtataka..
BINABASA MO ANG
BUBBLE GUM (NOVEL-true story) completed
Non-FictionMy first novel.. regalo ko sa fiance ko sana nung 2nd year anniv namin pero nang minsan naishare ko sa isang forum site, nagustuhan nila kaya naman itinuloy ko hanggang 7years ng relasyon namin..at dahil sa novel nito, nadiskubre kong may talent pal...