Chapter 4: Too Much Embarrassment
KAORU
"Penoy ang sakit ng ulo," sabi ko kay Penny habang sapo sapo ang tyan ko. Pinagpapawisan ako nang malamig at nanlalamig rin ang mga paa ko. Ngayon, nagsisisi na ako na kinain ko pa ang spaghetti na 'yon. Ang sakit ng tiyan at ulo ko! Masusuka yata ako. T.T
Sinipat niya ako sa noo. "Ang lamig ng pawis mo girl. Samahan kita sa clinic?"
"Ako na lang. Dito ka na lang," sabi ko bago tumayo at magpaalam sa nagsasalita sa harap. Tutal, ini instruct lang naman kami about sa gaganapin na General assembly, okay lang siguro na umalis muna ako.
Habang naglalakad ako sa hallway, halos nanlalabo na ang paningin ko. Nang bigla akong may makabangga.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo," sabi ng isang pamilyar na boses.
Nag angat ako ng tingin at nakita ko sa harapan ko si Alistair. Nakakunot ang noo niya as usual.
Nagpilit ako ng ngiti. "Alistair~!" masaya kong sabi. Tapos napahawak ako sa pader dahil muntik na akong mabuwal.
Hinawakan niya ako sa braso at inalalayan akong tumayo nang maayos.
Ngumiti ulit ako. "Sala—*bleeek!*"
"Sh*t!" he cussed.
Napatutop ako ng bibig habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. Na-nasukahan ko siya! H-hindi 'to maari! T.T
Hindi maipinta ang mukha niya habang nakatingin sa damit niya.
Dali dali kong pinunasan ng panyo ko ang polo niya. "Go-gomen! Gomenazai!" natatarantang sabi ko. Ano ba yan!? Ano na namang ginawa ko sa buhay ko! I'm ruining my own life!
Bigla akong napahawak sa coat niya nang maramdaman ko na naman ang hilo.
Sinapo niya ako sa magkabilang siko. "Seesh! Nevermind this. Dadalhin muna kita sa clinic," sabi niya sabay buhat sa akin.
Nagulat ako at medyo kinilig. Pero nangibabaw sa akin ang hiya. Ano ba 'tong ginawa ko? I ruined his dress. I ruined his day. Ano ba Kaoru!? Wala ka na bang ibang gagawin kung hindi sirain ang araw niya!? Sumubsob ako sa may dibdib niya. "I'm s-sorry," I sniffed.
Wala na akong ibang magawa kundi iyakan na lang itong ginawa ko.
"Tch! Don't cry on me now." Halatang naiinis na siya.
Pinunasan ko ang luha ko at hindi na lang nagsalita. I bit my lip as I mentally scold myself. Baka lalo ko lang masira ang araw niya at ang araw ko.
BINABASA MO ANG
Fool
Teen FictionMaituturing bang katangahan at ka weirduhan ang maghanap ng isang lalaking fictional? Ng isang lalaking nage-exist lang sa anime at manga? Natsume Hyuuga-the man of my dreams. Ang lalaking hinihiling ko na sana nag eexist sa tunay na buhay. Sadly...