Chapter 8: Stalker
KAORU
"PENNY! Prepare your eulogy for me! Ayaw ko nang mabuhay!" halos maglupasay na sabi ko. Kainis kasi eh. Ilang weeks na, wala pa ring improvement sa amin ni Alistair. Ang sunget to death niya pa rin. Pagkatapos, ipinagdadamot niya pa sa akin si Ami! Badtrip! Bakit niya ipinagdadamot sa akin ang anak namin!? Wala nang mas sasakit pa sa inang pinagkakaitan ng anak! Tapos isa pang nakakadepress yung Gakuen Alice. Bakit hanggang ngayon, wala pang update!? Kating kati na akong basahin kung mabubuhay ba si Natsume o hindi eh! Buwiset! Torture na torture na ang puso ko! Kono yo wa mugoiiii! (This world is so cruel!) T.T
Bumaling sa akin si Penny na noon ay nangongopya ng lecture sa blackboard. Tinapunan niya ako ng matalim na titig. "Problema mo? Bakit ngumangawa ka diyan?"
Napaupo ako bigla. "Penny, best friend ba talaga kita?" seryosong tanong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Oo?"
Lalo kong gustong maglupasay sa sahig. "Bakit parang hindi ka sigurado!? Anata wa warui desu! (You're so bad!)" T.T
Napakamot siya ng ulo. "Oo na! Best friend tayo! May iba pa ba!? Ano ba naman Kaoru. Para kang engot diyan! Pajapa japanese ka pa! Di kita maintindihan!"
Kumapit ako sa braso niya and gave her a puppy-look. "Kung ganon, punta tayo ng beach, onegai shimasu (please)? Bago man lang ako mamatay?" Ewan ko ba kung bakit bigla na lang pumasok sa akin ng idea ng beach. Nagising ako isang araw na gusto ko nang pumunta doon. I want to go there with someone special to me. Yun bang, bago ako bawian ng buhay, dalawa kaming nanunuod ng sunset. Oo na, oa. Pero nakaka depress kasi talaga! Parang gusto kong makita ng magandang bagay para gumaan ang pakiramdam ko.
"Timang! Gusto mo ngayon pa lang, bigtiin na kita?" yamot na sabi niya. "Saan naman tayo hahanap ng beach sa lugar na 'to?"
"Ih! Penny naman! Sige na! Onegai shimasu!" sabi ko habang niyuyugyog ko siya.
Sinalubong ng mukha ko ang buo niyang palad at itinulak ako palayo sa kanya. "Ayaw! Baka magbigti ka kapag ginawa ko 'yon. Next time na lang kapag gusto na kitang mamatay," straight face na sabi niya.
Sumimangot ako. "Palusot ka paaaa! Ayaw mo lang talaga akong samahan!" isnab ko sa kanya. "Tsk. Inamin mo ring gusto mo na akong mamatay! Anata no koto daikirai! (I hate you!)"
"Ano ba naman kasi yang ipinag aalburuto mo diyan!? Nakasumpong ka na naman eh," naiiling na sabi niya.
Bumuntong hininga ako. "Ewan ko ba. Naiinis na rin ako sa sarili ko. Pakiramdam ko, walang nangyayaring maganda sa buhay ko."
"Si Alistair ba?" mas mahinahon na ngayong tanong ni Penny.
BINABASA MO ANG
Fool
Fiksi RemajaMaituturing bang katangahan at ka weirduhan ang maghanap ng isang lalaking fictional? Ng isang lalaking nage-exist lang sa anime at manga? Natsume Hyuuga-the man of my dreams. Ang lalaking hinihiling ko na sana nag eexist sa tunay na buhay. Sadly...