Chapter 7: AMI
KAORU
Kahit wala na siya sa paningin ko, padabog pa rin akong naglalakad.
Buwiset kasi yong Alistair na 'yon! Ang sakit na nga ng ulo ko dahil sa pagkakauntog tapos ginanun pa ako! Napakawalang modo! Syempre drama ko lang yung 'bitiwan mo nga ako' effect na 'yon! Nag iinarte lang ako at medyo nagpapakipot! Tinotoo naman ng baka (stupid) na 'yon!
Arema~! Huwaaaaaa! Ang sama naman ng kapalaran! Kanina pa 'tong kamalasan na 'to!
Peste talaga! Nakakahiya yon! Bakit sa dinamirami ng oras na pwedeng pairalin ang katangahan, natapat pa sa nandoon siya!? Ano ba Kaoru!? Bakit ang tanga tanga mo!? Sino bang nagsabi sa'yo na saluhin niyang mukha mo yung sanga ng puno!?
Dahil sa mga naisip kong 'yon, lalo lang akong nainis. Nagpapadyak ako sa inis. Wala na akong pakialam kahit pagtinginan ako ng mga tao. Tutal naman, weird na ang tingin nila sa akin. Edi gatungan pa natin! -.-
Napahinto ako nang may biglang humawak sa braso ko.
Nang makita ko kung sino 'yon, muntik nang malaglag ang mga mata ko. It's Alistair~! Aba! Anong nakain nito at sinundan ako? Teka? Hindi ba ako namamalikamata lang?
Hinila niya ako sa kung saang part ng school. Sa ilalim ng isang puno. Hindi ako nakapagprotesta dahil pilit ko pang dinadigest ang mga nangyayari ngayon.
Tumayo lang siya sa harapan ko.
Ako naman, titig na titig lang sa kanya. I still can't believe it. Did he just dragged me here? Si Alistair? Siya mismo ang nagsama sa akin dito?
"Tititigan mo lang ba ako maghapon?" straight face na tanong niya.
Napakurap ako sabay lunok. "H-hoy! Bakit mo ako di-dinala rito?"
"Sit," utos niya.
Napamaang ako. Ay? Aso ba ako para sabihan niya nang ganon? Sunod na nyan, play dead na. =.=
Umupo naman ako na parang aso talagang sumusunod sa utos ng amo niya. Pagkatapos umupo siya sa tabi ko. Nag init ang buo kong mukha dahil doon. O...kay? Anong meron?
Nagkaroon ng sandaling nakakailang na katahimikan. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sobrang kinakabahan ako. Bakit kasi ganyan? Ano bang kasing gusto ng lalaking 'to!? >.<
Siya ang bumasag ng nakakailang na katahimikan. "I will ask you some questions. Answer me truthfully," seryosong sabi niya.
Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya nang diretso. Hindi man lang siya sumulyap sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan. Ano naman kaya ang nasa isip nito?
"What did you see in me?" tanong niya.
"Huh?" I asked—confused.
"Alam kong narinig mo. Sagutin mo nalang," straight face na sabi niya.
"A-ano bang ibig mong sabihin? Nakitang ano?" Pwede naman kasi niyang ayusin ang tanong niya, diba? Hindi naman ako manghuhula kung ano ba ang tinutukoy niya. -.-
Lumunok muna siya. Parang nagaalangan pa siya sa sasabihin niya. "Bakit ako ang nagustuhan mo?"
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya. "E-eh!?"
"Tss. Stupid. I know you know what I mean. Sagutin mo," utos niya ulit.
I bit my lip and I gulped. Bakit ba bigla bigla na lang siyang magtatanong nang ganyan out of nowhere? Bumuntong hininga muna ako. "Y-yung totoo?" I asked.
BINABASA MO ANG
Fool
Genç KurguMaituturing bang katangahan at ka weirduhan ang maghanap ng isang lalaking fictional? Ng isang lalaking nage-exist lang sa anime at manga? Natsume Hyuuga-the man of my dreams. Ang lalaking hinihiling ko na sana nag eexist sa tunay na buhay. Sadly...