ALISTAIR
Madilim ang buong unit pagdating ko. I sighed with relief. Umalis na siya. I don't have deal with her anymore.
Binuksan ko ang ilaw, and to my dismay, she's still there—sleeping soundly at the sofa. She's cuddling with Ami.
Ami sensed my presence, kaya bumaba siya at sinalubong ako. Dahil doon, nagising din si Mika.
Her face lit up. "Okairi! (Welcome home)"
I looked at her coldly. "Ano pang ginagawa mo dito? Hindi ba ang sabi ko umalis ka na?"
She pouted. "Mou, you should say, 'tadaima ('I'm home)."
Napahilot ako ng sentido. Hindi ko alam kung ano na namang pumasok sa kukote ng babaeng 'to. Sa dinami dami ng pagkakataon, ngayon niya pa paiiralin ang ugali niyang yan. Bakit ba hindi siya makaramdam?! "I don't want to play games with you. I'm tired. Kaya umalis ka na," matigas kong sabi.
"Ie. Dito lang ako hanggang sa magsawa kang itaboy ako. Kahit anong taboy ang gawin mo sa akin, magpupumilit pa rin ako. I'm that stubborn. You should have known that by now."
Nag init ang tainga ko dahil doon. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa braso. "Ano pa bang kailangan mo?! Hindi pa ba malinaw sa'yo ang lahat?! I CAN'T LOVE YOU!"
Nakipagtitigan siya sa akin. "Wala akong pakialam! Kung hindi mo ako kayang mahalin, pabayaan mo akong mahalin kita!"
"Nababaliw ka na ba?! Sinong matinong tao ang papayag doon?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Leave me alone!"
"Then give me a valid reason why I should!" naghahamong sabi niya.
"Because I hate you! I don't want to be with you! Sinabi ko na sa'yo lahat! Aren't those reason enough?!"
"Usotsuki (liar)! Hindi 'yon ang nakita ko simula pa lang! You said you hate me! Pero bakit hindi iyon ang ipinakita mo?! Palagi kang nandiyan para alagaan ako! Pinapasaya mo ako kapag nalulungkot ako! Hindi mo man sabihin Alistair, naramdaman ko 'yon lahat! You might not feel the same way I do, but you definitely don't hate me. You do care for me! I maybe like this, pero hindi ako tanga! Tell me the truth!" naluluhang sumbat niya.
I stared at her dumbfoundedly. I can't believe it. Hindi na siya naniwala. Nanghihina akong napaupo sa sofa. It's no use. Kahit anong sabihin ko, hindi siya nakikinig sa akin. "Fine." Nag angat ako ng tingin. "I will tell you. You'll leave after this anyway. Hindi mo na gugustuhing lumapit sa akin pagkatapos nito."
"Try me," paghahamon niya.
"Listen carefully. I'll only say this once." Humugot ako ng malalim na hininga. Pagkatapos, tiningnan ko siya ng diretso. "I'm a murderer. I killed people, not only once but many times."
Napatutop siya ng bibig. "N-nande?" she whispered.
"I was an assassin. Pumapatay ako ng tao para mabuhay. I did that for almost three years. Imagine how many people I killed. Katulad ng sinabi ko, I'm dangerous." Tumingin ako sa kanya nang diretso. I smirked. "Are you scared of me now? Go on. Run for your life. I won't stop you." Like what she did.
Ang sabi ni Vaughn maiintindihan niya. Pero mas gusustuhin kong matakot siya at lumayo sa akin. Mas mapapanatag ako doon.
Lumapit siya sa akin at umiling. "Hindi ako natatakot sa'yo. I won't ever."
Napakuyom ako ng palad. Bakit ganito? Bakit parang hindi man lang siya natinag? Napahilamos ako ng mukha. "Will you just give up? Don't make this harder for me," I said frustratingly.
BINABASA MO ANG
Fool
Dla nastolatkówMaituturing bang katangahan at ka weirduhan ang maghanap ng isang lalaking fictional? Ng isang lalaking nage-exist lang sa anime at manga? Natsume Hyuuga-the man of my dreams. Ang lalaking hinihiling ko na sana nag eexist sa tunay na buhay. Sadly...