Chapter 10: Punishment

1.4K 24 6
                                    

Chapter 10: Punishment

KAORU

"Bakit para kang nanalo sa lotto diyan?" kunot noong tanong sa akin ni Penny.

"Iiiih! Bakit mo naman nasabi?" I said as I twirled my hair.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Para kang aso kung makangisi diyan, eh. Tsaka may paikot ikot ka pa ng buhok diyan! Muntanga lang?"

Kung ibang pagkakataon siguro 'to, baka nakipagtarayan na ako sa kanya. Meron kasi siya ngayon kaya nuknukan ng taray. Pero ngumiti pa rin ako.  "You see, kahapon kasi-"

Iniharang niya ang kamay niya sa may mukha ko bago ko pa man matapos ang sasabihin ko."Alam ko, alam ko. Dinala ka kahapon ni Alistair sa may beach at nagdate kayo doon." Bumuntong hininga siya. "Mga sampung beses mo nang sinabi sa'kin yan."

My smile widen. "I was going to say that I also had my first kiss yesterday."

Nanlaki ang mga mata ni Penny sabay kurap. "WHAT?!" bulalas niya.

Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang ngisi ko.

Hinawakan ako sa magkabilang balikat ni Penny at pilit pinatingin sa kanya. "Hoy! Magsalita ka diyan! Anong ibig mong sabihin?! Hinalikan ka niya?! As in sa lips?!"

"Well, sort of. Ako ang unang humalik sa kanya pagkatapos kong magconfess. Pero nagulat ako nung sa pangalawang beses, siya ang humalik sa akin," nangingiting sabi ko.

Napahawak si Penny sa magkabilang pisngi niya. An 'O' formed on her mouth. "OH MY GOSH!" Tumili siya sabay yakap sa akin nang mahigpit. "Kayo na! OMG! OMG! OMG!" tuwang tuwa na sabi niya.

I chuckled. "Sira! Dampi lang yon. At hindi ibig sabihin ng kiss niya ay tinatanggap na niya ang cofession ko. It was like a challenge. Parang sinasabi niyang, subukan mo kung kaya mo. So, para lang din siyang indirect rejection sa ibang sense." I shrugged. "But still, it made me so happy."

"Ano ka ba?! Can't you see?! He's giving you a chance girl!" tili ulit niya. "Ibig sabihin, hindi siya humihindi! Meron chance na oo ang sagot niya!"

I twirled my hair again. "Enebe! Weg nemen genyen!" kinikilig na sabi ko. Humarap ako bigla sa kanya. "You think so?"

Tumango tango si Penny. "I know so!"

Naghawak kami ng kamay ni Penny, sabay tili sa kilig.

"Shhhh!" bawal ng mga kaklase namin. Napahinto naman kami ni Penny pero hindi pa rin nawala ang mga ngisi namin.

Napalingon kaming lahat sa may pintuan nang makarinig kami ng malalakas na katok.

My eyes widen nang makita ko kung sino 'yon. Nagsimulang magbulong bulungan ang mga kaklase ko. Humigpit naman ang pagkakahawak ni Penny sa kamay ko.

FoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon