Chapter 13: Just Think of Me

986 38 9
                                    

Chapter 13: Just Think of Me



KAORU




Sigh. "Kyaaaah! Alistair! Suki, suki, suki (I love you)!


Shemaaaaay! Kinikilig talaga ako tuwing naalala ko ang date namin kanina! Kyah! Dinala niya ako sa planetarium. Gusto pa sana naming mag-stay ng matagal pero biglang naging maulap nang mag-gagabi na. Buti na lang hindi kami naabutan ng malaks na ulan. Pero kahit na ganon, na-enjoy ko pa rin. Kahit yata bumagyo nang malakas, basta kasama ko ang lalaking 'yon, magiging masaya talaga ako nang bongga. At heto nga, hindi pa rin ako makaget-over doon. Nangingisay na ako sa kilig! Hindi na ako makapaghintay ikwento 'to bukas kay Penoy! Akala ko kalokohan lang yung nabasa niya sa internet, effective pala! Ahihi!


*pika pika no~*


Oh! Speaking of the devil! On second thought, ikukwento ko na pala ngayon! Excited na ako eh! Agad agad ko iyong sinagot.


"Penooooy! Hindi ka maniniwala dito, pero effective 'yung-"


(...Kaoru.) mahinang sabi niya.


Nawala ang ngiti ko sa labi at napalitan ng pagka-kunot noo. "Penny? Mondai ga aru ka (what's wrong)?"


Suminghot siya at maya maya pa narinig ko na ang mga hikbi niya. Lahat ng saya at tuwa na nararamdaman ko kanina, unti unting naglaho. Habang nag uusap kami, parang pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko sa dibdib ko.





-------------




Grrr. "Nasaan kang lalaki ka?! Humarap ka sa akin!" sigaw ko sa harapan ng Engineering building. "Huwag kang duwag! Lumabas ka at harapin mo ako!"


Lahat ng taong nasa paligid, napahinto sa mga ginagawa nila at napatingin sa akin. "My goshness, anong eskandalo yang ginagawa niya?" sabi ng isang maarteng babae.


"Oo nga. Nakakahiya siya," bulong naman nung isa.


Sige! Magbulungan kayo! Akala niyo hindi ko kayo naririnig?! Lalo lang kayong nakakadagdag sa init ng ulo ko! Lalo ko lang gustong durugin ang mga buto ng lalaking 'yon. "Peste! Alam kong nandiyan ka! Lumabas ka diyan! Taksil ka!" sigaw ko pa. Kumukulo ang dugo ko at nag iinit ang mukha ko sa sobrang galit. Kapag hindi ko nailabas 'to, baka bigla na lang akong sumabog.


Lalong naginit ang ulo ko nang makita ko ang hinahanap ko. Grrrr.. How dare he?! How dare he?!


Padabog akong nagmartsa papunta sa kanya. Makikita mo! Makikita mo ang bagsik ni Kaoru Hayashi!


"What are you doing here? And why are you screaming like a mad woman?" kunot noong tanong ni Alistair.

FoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon