Chapter 9: Different Light

1K 28 10
                                    

Chapter 9: Different Light

KAORU

"ALISTAIR!" hindi makapaniwalang bulalas ko. Kumurap kurap ako para siguraduhin kung hindi ako namamalikmata. Baka kasi sa sobrang depress ko kanina, naghahallucinate na ako.

"Hindi ka pa aayos ng upo? I can't hold you that long," hindi tumitingin sa akin na sabi niya. Nakafocus lang siya sa daan habang hawak hawak pa rin ako sa bewang.

With that, I gasped really loud. Tapos, nanginginig akong napaturo sa kanya. "WAAAAAAH!" tili ko.

Napa straight face siya. "Geez." And then he loosened his hold to my waist. 

Dahil doon, nagpapanic akong napakapit sa bewang niya. "Wag mo akong bitiwan!" sigaw ko sabay subsob ng mukha ko sa dibdib niya.

Naramdaman kong nanigas ang katawan ni Alistair at gumewang gewang kami. "Stop doing that, lady!" galit na sabi niya sa akin.

Lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya. "Ayaw! Baka malaglag ako!" pikit matang sabi ko.

"We're going to crash if you don't stop that!"

"Iie (no)! I will fall!" ganting sigaw ko. This is the reason why am I not a fan of extreme rides. Takot ako sa extreme motion. Ngayon pa nga lang nanlalamig na ang kamay at talampakan ko eh. Buti sana kung ako ang nagmamaneho. At least doon, kontrolado ko ang galaw at tantiya ko kung kailangan nang magslow down. 

"I won't let you fall, okay!?"



Napamulat ako doon. Alam kong iba ang ibig sabihin 'non sa kanya pero nagdulot sa akin iyon ng kakaibang pakiramdam. My heart beats rapidly. Parang biglang nawala ang takot ko. Right now, all I want to do is to trust him. "R-really?" Lumuwag na ang pagkakakapit ko sa kanya. 

"Tch! Your head. I cant see the way," kunot noong sabi niya.

Yumuko ako nang kaunti para makita niya ang dinadaanan namin. Ngayon ako naging aware kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Naka-upo ako paside sa harapan niya. His two arms are around me dahil nakakapit siya sa manibela. Medyo nakayuko ako dahil nga nahaharangan ng ulo ko ang view niya sa daan. Dahil doon, his chin is almost touching my forehead. Amoy na amoy ko ang pabango niya. And I'm getting dizzy because of that. At the same time, napakabilis ng kabog ng dibdib ko. Suminghot singhot ako nang kaunti para punuin ng amoy niya ang buo kong sistema. Grabe, nakakaadik siya!

I feel really safe inside his arms. And I admit, I really like this feeling. Arema~! I can stay like this forever. Hinding hindi ako magrereklamo! Kahit mamatay na ako sa bisig niya, okay na okay lang! Kyaaah~!

"Enjoying yourself eh?" Alistair said—almost mocking.

FoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon