Chapter 12 : Reverse
KAORU
Doushite?
Bakit ako iniiwasan ni Alistair? Dalawang araw na mula nang mangyari ang insidenteng 'yon. He's acting really weird. First, he ignored me. He did not snap at me like he used to when I'm 'pestering him' (ayon sa kanya). Secondly, he yelped! The cold and stoic Alistair, yelped! Hind ako makapaniwala na may ganon siyang reaksyon. Pero ang cute talaga, hihi! Muntik na akong mapahagikgik 'non. And lastly, he ran away from me. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong nakakadiri para takbuhan niya ako nang ganon o ano. I mean, ganon na ako sa kanya dati pa, hindi ba? Hindi pa ba siya nasasanay sa pagiging blunt ko tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya? Usually, he'll snap at me or just uninterestedly shove me away from him. Pero kahit kailan, hindi niya pa ako tinatakbuhan. But that day, he looked somewhat...scared.
Pagkatapos 'non, hindi na niya ako kinausap. Umiwas na siya sa akin. Kapag nakakasalubong ko siya, agad siyang lumilihis ng daan. Hindi ko pa rin siya naabutan doon sa ilalim ng puno niya.
I admit, I miss him a lot. Even though he's always giving me a cold shoulder, I can't help but to miss those times. Especially those time undcer his tree, when neither of us is talking. We just sat there, he'll read a book and afterwards, sleep underneath it. While me, I'll read a manga or an astronomy book beside him and occasionally, stare at his handsome face. Alam kong na-aannoy siya sa presensiya ko. Pero hindi niya ako itinataboy. Those moments never failed to make my heart warm.
Pero ano 'to?! Bakit ganito ang nangyayari ngayon?! I thought everything's okay between us! Akala ko kahit papano, natatanggap na niya rin ako. But it seems like I was only daydreaming.
Waah! Mababaliw na ako sa kanya!
"Huy Kaoru! Wag mo ngang sabunutan ang sarili mo diyan! Para ka namang baliw," nakasimangot na sabi ni Penny.
"Penoy! Iniiwasan ako ni Alistair!" sumisinghot singhot na sumbong ko.
Napataas ng kilay si Penny. "Talaga?"
I nodded frantically.
Lumapit sa akin si Penny at inakbayan ako. "Hindi kaya nasosobrahan ka na couz? Baka nake-creep out na siya sa'yo," halos pabulong na sabi niya.
Para ako pinukpok ng malaking bato sa ulo sa sinabi niyang 'yon. "Y-you think so?" pigil hininga kong tanong.
Tumango si Penny.
I bit my lip para pigilan ang sarili ko na magwala. Negative thoughts flodded my mind. Paano kung ganon nga? Paano kung lumipat siya ng school dahil sa'kin? Tapos kapag may nagtanong kung bakit siya lumipat, ang isasagot niya 'To avaoid my creepy stalker'. Paano kung ipablatter niya ako? Paano kung tapunan niya ako ng nandidiring ekspresyon kapag nagkita kami? Hindi lang 'yon, pati lahat ng taong nakapaligid sa'min. Higit sa lahat, paano kung magpakasal siya para lang maiwasan ako? If that's the case, I'm doomed! I'll die in shame and heartbreak!
BINABASA MO ANG
Fool
Roman pour AdolescentsMaituturing bang katangahan at ka weirduhan ang maghanap ng isang lalaking fictional? Ng isang lalaking nage-exist lang sa anime at manga? Natsume Hyuuga-the man of my dreams. Ang lalaking hinihiling ko na sana nag eexist sa tunay na buhay. Sadly...