Chapter 16: Reality
KAORU
Napasabunot ako sa sarili ko. "Mou! Ayoko na!" Grabe, ang sakit na nga ng puso ko, pati ba naman ulo ko pasasakitin din ng lalaking 'yon! Namumugto pa ang mga mata ko hanggang ngayon dahil sa kanya.
Kanina ko pa iniisip kung ganon ba talaga ang nararamdaman ni Alistair para sa akin. Para kasing nagco-contradict 'yung mga kilos 'nya noong mga nakaraang araw sa bigla niyang inakto ngayong araw. Akala ko nga, nagkakaroon na ako kahit papaano ng puwang sa puso niya. Hindi man katulad ng nararamdaman ko, at least bilang kaibigan man lang. Everything he has done for me, when he took me to the beach, when he took care of me, when he comforted me, when he asked me out, all of it proved that he cares for me. At ngayon nga, hindi ko maintindihan ang nangyayari sa kanya!
Humugot ako ng malalim na hininga. Wala akong mapapala kung magmumukmok ako dito. I need to confirm it myself.
Tumayo ako at pinagpag ang pantalon ko. "Yosh! I'll ask him myself!" Ay, pero kailangan ko muna pala puntahan si Penny at kumustahin siya. Baka depress na 'yon ngayon dahil pinatawag siya sa Guidance Office.
Patakbo akong pumunta sa canteen. Determindo akong alamain lahat ngayon. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang totoong nararamdaman ni Alistair.
Habang papasok ako ng canteen, nakita ko si Alistair. Pero biglang umasim ang mukha ko nang makita kong kasama niya pa rin 'yung kusobabba (old fart). At katulad kanina, akala mo Anaconda pa rin makapalupot sa braso ni Alistair. Pagdikitin ko kaya sila ng super glue? Nakakainit ng ulo!
Tumingin pa sa akin ng nakakaloko 'yung mangkukulam. Nginisian niya ako at lalong hinigpitan ang pagkakahawak niya kay Alistair.
Dahil sa inis, mabilis akong naglakad at sinadyang dumaan sa gitna nilang dalawa. Nilakasan ko ang pagkakabangga sa kanila.
"Watch it, psycho!" maarteng sabi niya.
Bagay mo! Grr, pesteng matandang utot na 'to, nakakabuwiset! Baka biglang umiral ang pagka-Yandere ko dito at mabalatan ng buhay ang babaeng 'yan!
(Yandere - a person, usually female, romantically obsessed with someone to the point of using violent means to get them in their arms. Often seen with a sharp weapon and a psychotic grin. cr:urban dictionary.)
Padabog akong umupo sa mesa kung nasaan si Penny at Skye.
"Problema mo? Nasaan si Alistair?" tanong ni Penny.
Parang umusok naman ang tainga ko sa pangalan na 'yon. Ayun! Kasama ang matandang utot na 'yon! Ang sarap nilang pag untugin! Grr. "Wala! Ewan ko! Wag niyo siyang babanggitin!" bulalas ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa mesa.
Nakakainis! Ang sakit talaga sa puso. Paano ko naman kakausapin si Alistair kung palagi niyang kasama ang mangkukulam na 'yon?! Ah! Bahala na! Wala akong pakialam kung kasama niya pa 'yon! Basta kakausapin ko siya sa ayaw at gusto niya.
BINABASA MO ANG
Fool
Novela JuvenilMaituturing bang katangahan at ka weirduhan ang maghanap ng isang lalaking fictional? Ng isang lalaking nage-exist lang sa anime at manga? Natsume Hyuuga-the man of my dreams. Ang lalaking hinihiling ko na sana nag eexist sa tunay na buhay. Sadly...