DLTIS 1: Kalih

32.8K 396 171
                                    

-----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----

     Nagsimulang pumasok ang intro ng musikang pinatutugtog ni Woozi, hindi ko alam pero parang hindi ko ito marinig ng maiigi, hindi ko mawari kung mahina ba iyon o sadyang hindi ko lang talaga iyon marinig. Blangko akong nakatingin sa mga piraso ng papel sa harapan ko kung saan naroon ang mga letrang dapat sana ay kakantahin ko kasabay ng musikang tumutugtog nang mga oras na ito.

Walang pumapasok sa utak ko na kahit ano, naririnig ko ng maiigi ang tono at tempo ng musikang dapat ay kakantahin ko ngunit para bang nasa kawalan ang isip ko at biglang hindi ko na lang alam kung saan ako papasok upang simulang awitin ang kantang dapat na aawitin ko.

Mayamaya pa ay bigla na lang nawala ang musikang umaalingawngaw sa paligid ng recording booth kung saan ako naroon, kasabay ng pag-angat ng tingin ko upang tignan si Woozi na nasa labas lang ng booth ay ang pagkakita ko rito habang nakatingin ring pabalik sa akin.

Nakita kong inilapit niya ang bibig sa mic na nasa tabi lang niya bago siya nagsalita.

"Kalih, this is the fifth time that we've been doing this. Sigurado ka bang ayos ka lang?"

Halata ang bahagyang iritasyon sa boses ni Woozi pero hindi mo iyon makikita sa mukha niya, bihira iyong nangyayari. Alam kong kanina pa siya nagpipigil dahil buong umaga na kaming nasa recording studio pero wala pa rin kaming mabuo-buong kahit isang kanta.

I've known him for quite some time at hindi siya iyong tipo na basta na lang nagpapalampas ng mga mali lalo na pagdating sa trabaho.

He's patient, calm and collected pero lahat ay may hangganan.

Woozi is a nice person, sa tagal naming magkakilala ay natapunayan ko na kung gaano kahaba ang pasensiya niya. He's always been nice to me at kahit wala sa personalidad niya ang pagiging malambing, alam ko kung gaano siya kapasensyoso lalo na pagdating sa musika.

He's always been serious about his craft, making sure that everything is at 100% or close to perfect. Pero ang sitwasyon ngayon ay iba, I am giving him a hard time at kahit hindi niya iyon sabihin sa akin ay ramdam ko naman sa mga kilos niya.

"A-ayos lang ako. Pwedeng isa pa?" nahihiyang sabi ko sa kanya. I wanted to make it up to him, gusto kong itama ang kanina ko pa pauli-ulit na pagkakamali pero sa tuwing gagawin ko iyon ay lalo lang nadadagdagan ang frustrations ko.

I even tried avoiding his eye contact dahil nahihiya ako, pakiramdam ko ay kanina pa ako walang magawang tama. Walang rumirehistrong tono o nota sa utak ko, maging ang mga letra na matagal kong kinabisado ay nakakalimutan ko na pero nananatili siyang matyaga pagdating sa akin.

"You need to rest. How about a fifteen minute break para naman makapagpahinga ka."

Wala na akong nagawa kung hindi sundin ang gusto niya. Tanging pagtango na lang ang naisagot ko bilang pagsang-ayon sa sinabi niya sa akin.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon