DLTIS 8: My Kitty

1.6K 49 53
                                    

-----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----

Tumawag sa akin si mama Mildred para tanungin ako kung kasama ko ba si Kalih, sinabi niyang naroon na ang buong grupo ng SEVENTEEN at kami na lang ni Kalih ang wala kaya raw naisipan niyang tanungin kung nasaan na kaming dalawa.


Agad namang humingi ako ng paumanhin at sinabing baka hindi kami makakaabot, sinabihan ko rin siyang sabihan na lang sina S.Coups at ang iba pa. She agreed to it though I know na gusto rin niyang itanong kung bakit hindi kami makakabot. Sa huli ay tinanong na lang nito kung kamusta si Kalilah.

Tinignan ko naman ito mula sa kinauupuan nitong swing habang nakatulala na nakatingin sa damuhan, "Nandito po siya. Huwag na po kayong mag-alala, ayos lang po si Kalih. M-may dinaanan lang po kami para sa fitting ng gagamitin niyang mga damit sa isang shoot."

Nagpatuloy ang pagsisinungaling ko habang kausap ko si mommy Mildred sa kabilang linya. Napilitan akong gawin iyon para hindi na siya magtanong pa at mag-alala. Alam kong malalaman din nitong hindi totoo ang lahat ng sinasabi ko pero hindi ko na muna inintindi iyon.

Hindi ko sinabing kasalukuyang umiiyak si Kalih kaya hindi kami makauwi, lalo lamang itong mag-aalala para sa anak at iyin ang ayaw naming mamngyati ni Kalih pareho. Sinabihan rin ako ni Kalih na huwag ng sabihin ang nangyari kaya iyon ang gagawin ko.

"Yes, we will be home as soon as the meeting is done. Sorry for making you worried, Ma. Tell the kids that I'll just see them tomorrow dahil baka hindi na namin sila abutan diyan."

Malumanay akong nagpaalam rito. Mabuti na lang at kahit papano ay hindi na ito muling nagtanong pa, ipinagpasalamat kong hindi na ito nag-usisa at magpumilit na kausapin pa si Kalilah.

I texted S.Coups already, mabilis naman itong nagreply upang sabihing siya na ang bahalang magsabi sa iba na hindi na kami makakaabot. Bukod naman daw sa ilang beses na pagtatanong kung nasaan na kami ni Kalih ay mas naging abala raw ang mga ito sa pagkain.

Matapos naming mag-usap ni mommy Mildred sa telepono ay muli akong bumaling kay Kalih. Sa tingin ko ay may limang dipa ang layo ko mula sa swing kung nasaan siya, pero hindi iyon naging dahilan para hindi ko makita ang lungkot na kanina pa namamalagi sa mga mata niya.

Pinagmasdan ko siya mula sa malayo, I just wanted her to stop but at the same time I also wanted her to let it all out.

Sa huli ay nanatili siyang walang kibo, maliban na lamang nang pinakiusapan niya ako na huwag muna kaming tumuloy sa bahay para hindi na mag-alala pa si mama, hindi na siya muling nagsalita pa pagkatapos noon hanggang sa huminto kami sa isang playground malapit lang sa bahay nila.

Umupo siya sa isang swing at saka muling nanahimik.

Nakuyom kong muli ang mga palad ko nang maalala ko ulit ang itsura ni Baro kanina. Maging ang huling tingin na binato nito sa akin bago ito tuluyang umalis. Alam kong may dahilan ang lahat, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangang masaktan ni Kalih ng ganito?

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon