DLTIS 36: I'm with me

537 20 0
                                    

-----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----

Mag-tatatlong linggo na simula nang tumulak ang buong grupo nila Jeonghan papuntang Japan para sa concert nila roon. Mag-iisang buwan na rin mula nang huling beses kaming makapa-usap ngunit para bang kahapon lang nang huli kaming magkita dahil malinaw ko pang naaalala ang mga salitang sinabi niya. Paulit-ulit na para bang sirang plakang tumutugtog sa utak ko ang lahat ng mga salita ni Jeonghan noong huli kaming magkita.

At ganoon lang kadali at kabilis na naglaho ang lahat na para bang hindi kami magkakilala.

He left for Japan with his groupmates without saying a word to me. Ni hindi siya nagpaalam at kahit noong kinausap niya si Mama at magkita kami sa opisina nito ay ni hindi man lamang niya ako tinignan o kinausap man lang.

"Ayos ka lang ba?"

Tinignan ko lang ang nagmamay-ari ng boses na nagsalita habang paupo sa tabi ko.

Si Baro iyon na eksaktong kararating lang sa location ng shooting namin para sa MV ng bagong kanta naming dalawa. Pledis and his agency, Hodu Entertainment push through with it's plan of having a joint project para ipakita sa mga tao na all are in good terms sa pagitan ng dalawang agency, at para patayin na rin ang issue na namamagitan sa mga ito dala ng away nina Jeonghan at Baro.

He was holding a cup of iced coffee and he then hand it over to me the moment he is seated. Ngumiti siya at para bang bigla akong nakaramdam ng comfort, as if someone hugged me in an instant... dahil iyon ang kailangan ko ngayon.

Ganoon pa rin ka-comforting ang mga ngiti niya para sa akin.

Tumango lang ako at saka kinuha ang baso ng iced coffee na iniabot niya sa akin. Sinubukan kong suklian ang ngiting ibinigay niya ngunit sa huli ay pinitik lang niya ako ng mahina sa noo.

"Liit, tulad pa rin nf dati ay hindi ka pa rin magaling magtago ng mga nararamdaman mo. You're like an open book, ang dali mong basahin kapag galit ka, kapag masaya o malungkot ka."

"Liit?" hindi ko pinansin ang ibang mga sinabi niya dahil totoo naman iyon, ang binigyan ko ng atnesyon ay ang palayaw na itinawag niya sa akin.

Hindi ko maalala kung kelan pa niya ako ulit sinimulang tawagin sa palayaw na siya mismo ang nagbansag sa akin noon. Hindi ko na maalala ang unang beses na tinawag niya ulit ako ng ganoon dahil na rin sa halos araw-araw kaming magkasama.

"Oo, bakit? Tumangkad ka na ba?" nakita ko siyang malapad na ngumitu at napangiti na rin ako dahil doon. It seems as if bumalik kami sa dati, bago pa man mangyari ang lahat ng nangyari. He is the same old Baro that I ised to adore before.

Tapos ay naalala ko noong kausapin ako ni Alexene nang dahil sa kanya.

"It is still you, Kalih."

Iginiya ako ni Alexene patungo sa bahagi ng backstage kung saan walang gaanong dumadaan. Seryoso niya akong tinignan bago niya hawakan ang kamay ko at saka marahang pinisil iyon.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon