DLTIS 24: Yoon Jeonghan

623 29 6
                                    

-----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----

Ilang araw ko nang hindi nakikita ni Jeonghan sa bahay, matapos niya akong ihatid noong gabing nag-away sila ni Baro. Bago umuwi ay nagtungo pa muna kami sa ospital upang magpagamot ngunit pagkatapos noon ay hindi na kami muling nagkita pa. Ang sabi ni mama ay umalis din ito noong gabing ihatid ako at hindi nagtsay sa bahay at marahil ay naroon ito sa condo nito kung saan siya nauwi matapos nitong umalis dito noon. 

Tahimik akong nag-aagahan kasabay si mama nang mayamaya ay tanungin niya muli ako kung ano ba talaga ang nangyari nang gabing huli kaming magkasama, she also told me about his bruises sayaing she saw it nang magpaalam ito sa kanya bago ito unalis.

Knowing Jeonghan, alam kong hindi niya sasabihin ang totoo kay mama at lalong hindi niya kayang magsinungaling dito kaya marahil ay mas pinili na lamang nitong tahimik na umalis, iyon din marahil ang dahilan kung bakit ako ang tinatanong ni mama ngayon sa halip na siya. Iyon lang ang nakikita kong dahilan kung bakit mag-iisang linggo na ay hindi pa rin siya umuuwi rito sa bahay.

Nginitian ko lamang si mama, hindi pinahalata ang nakatakda kong pagsisinungaling at pagtatakip sa ginawa at nangyari kay Jeonghan ng gabing ihatid niya ako rito.

"Parang hindi niyo naman po kilala ang lalakeng iyon, laging nakikipagharutan sa ibang kamiyembro niya. Malamang nakuha niya iyon mula sa isa sa mga iyon. 'Wag ka na pong mag-alala. Kakausapin ko po siya mamaya para sabihin na umuwi na siya rito sa bahay."

"Kalih, hindi sa simpleng pakikipagharutan lang nakukuha ang ganoong klase ng mga pasa sa mukha. Tell me, may nangyari ba?" Nagdududa pa ring tanong niya sa akin, para bang hindi niya pinaniniwalaan ang mga sinabi ko at mukhang nakakatunog na siya sa totoong nangyari ng gabing iyon.

"Ma, trust me. Wala lang iyon, i-isa pa, saan naman po iyon makukuha ni Jeonghan?"

"I don't know, kaya nga nagtatanong ako sa iyo and you better tell me the truth, Kalilah."

Nakahanda na sana akong sumagot dahil na rin sa huling sinabi ni mama sa akin nang matigilan ako dahil sa biglaang pagtunog ng cellphone ni mama. Nakapatong lamang iyon sa mesa sa tabi mismo ng baso niya ng juice kaya mabilis niya iyong nadampot at nasagot na mabilis na nakapagpabago sa mood nito, napansin ko rin ang pagtingin niya sa akin habang kausap ang tumawag sa kabilang linya na para bang may nalaman siya na alam niyang alam ko rin.

Hanggang sa maibaba nito ang cellphone at ibalik sa pwesto nito kanina ay nanatili lang ito nakatingin sa akin.

"B-bakit po?" bahagya akong kinabahan sa klase ng tingin na ibinabato niya sa akin.

Mama is always the sweetest, hindi niya ugaling basta na lamang magalit sa akin lalo na kung wala namang dahilan.

Simula nang makauwi ako galing ng Japan, she made sure na makakabawi siya sa akin at lahat ng mga pagkakataong nawala siya sa tabi ko, sa tagal naming nagkahiwalay simula pa noong sampung taong gulang pa lamang ako ay siniguro niya na makakabawi siya sa mga oras na hindi kami magkasama.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon