DLTIS 20: Back Hug

811 44 25
                                    

"Mahal na mahal kita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mahal na mahal kita..."

Hindi ko alam kung bakit pero parang nagpapaulit-ulit sa isip ko ang mga sinabing iyon ni Jeonghan kanina sa dare niya. Alam kong hindi niya iyon direktang sinabi sa akin or direkta man niyang sinabi sa akin ngunit bumaling siya kay DK at ito ang sinabihan niya. Ngunit bakit pakiramdam ko ay sa para sa akin mismo ang mga salitang iyon?

Teka, ano bang sinsabi mo, Kalih? Bakit naman sasabihin ni Jeonghan ang bagay na iyon at sa harap pa ng lahat.

Sinundan ko iyon ng ilang ulit na pag-iling upang alisin sa utak ko ang huling naisip ko.

"Anong ginagawa mo rito, Linggit?" Bahagya akong nagulat ng may magsalita mula sa likuran ko.

Pansamantala akong lumabas at nagtungo sa pool area habang ang iba ay nasa living room pa rin at nagsasaya, kailangan ko ng sariwang hangin at kailangan kong alisin sa isip ko ang mga narinig ko kanina. Kinailangan ko ring tawagan si Mama para sabihing huwag na siyang mag-alala. Nitong nakalipas na dalawang araw kasi ay tinatawagan niya ako at ngayon lang ako nagkaroon ng oras at lakas ng loob na tawagan siya pabalik para sabihing ayos lang ako.

Sa kabila ng lahat ng nagyayari, isang matatag na Kalih pa rin ang pilit kong ipinapakita sa harap ng mama ko. Ayokong mag-alala at mag-isip siya sa akin dahil lamang sa pinagdadaanan ko. Tama ng ako na lang ang nahihirapan at ayokong makita niya na umiiyak ako dahil alam kong malulungkot rin siya para sa akin.

"Soonie!" Nakangiting bulalas ko nang makilala ko kung sino iyon. Walang iba kung hindi si Hoshi o si Soonie kapag kami lang dalawa ang magkausap. Mas gusto kong tinatawag siyang ganon o di kaya ay sa tunany niyang pangalan na Soonyoung.

Isa sa mga main dancer ng grupo nila Jeonghan at ang choreographer nila. Sa kanya halos nanggagaling ang ideya pagdating sa mga choreo ng grupo, although a part of it also came from the other members who helps him come up with dance steps whenever they have new songs. Bukod pa roon ay choreographer din siya sa iba pang mga grupo, pero despite having so much talents, ang pinaka nagustuhan ko talaga sa kanya ay ang personalidad niya at ang magaganda niyang mga mata na animo'y nakangiti rin tuwing nakangiti siya.

He's a lot taller than me, kaya linggit ang tawag niya sa akin. Madalas niya akong tawagin sa ganoong palayaw lalo na kapag tinuturuan niya ako o di kaya ay nagpapractice kami.

Otomatikong sumimangot ako pagkarinig ko sa itinawag niyang pangalan sa akin, alam niya at ilang beses ko nang sinabing huwag niya akong tawaging ganon pero sadyang mapang-asar talaga siya.

Umupo siya sa tabi ko at saka ako tinapik sa ulo na parang bata. "Ayos ka lang?"

Tumango ako bilang tugon, tapos ay nakita ko siyang ngumiti sa akin. Hindi kami madalas na magkausap ngunit isa siya sa mga malalapit na tao sa akin. Marahil dahil na rin sa dami ng oras na ginugugol namin na magkasama tuwing may practice o kailangan niya akong turuan ng sayaw kapag may album akong bago at katulad rin ni Woozi ay mahaba na ang naging pasensiya niya sa akin lalo na kapag hindi ko kaagad nakukuha ang itinuturo niya.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon