DLTIS 9: Never Getting Better

1.3K 58 50
                                    

-----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----

Mag-aalas otso na ng umaga nang lumabas ako mula sa aking silid. Masakit pa rin ang mga mata ko pero hindi na namamaga ang mga ito tulad kagabi. Mas maayos na rin ang pakiramdam ko kesa noong bago ako matulog kagabi at medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko matapos ang nangyari. Marahil dahil sa nailabas ko na ang sakit na nasa dibdib ko.

Dahan-dahan akong bumababa ng hagdan habang iniisip pa rin ang mga nangyari kahapon.

Gusto kong magbakasyon. Sa tingin mo ba papayagan ako ni mama at ng management?

Iyon ang naaalala kong sinabi ko kay Jeonghan kagabi. Naaalala ko ring hindi siya sumagaot at nagpatuloy lang sa paglakad matapos marinig ang mga sinabi ko.

Matapos makauwi ay hindi na rin kami nag-usap pa, natatandaan ko lamang na hinatid lang niya ako sa kwarto ko bago ito nagtungo sa sarili nitong silid.

Naisip ko ring nakaalis na ito ngayon dahil alam kong may practice sila mamayang alas diyes.

"Ang tagal mo namang bumaba." natigilan ako sa pagbaba ng hagdan nang may lalakeng sumalubong sa akin.

Nagulat pa ako nang mabungaran si Jeonghan na nakatayo sa pinakababang bahagi noon na para bang hinihintay ako.

Anong ginagawa niya rito?

"Nandito ka pa pala?" kaswal lang na sabi ko sa kanya.

Nilagpasan ko siya at nagpatuloy ako sa paglakad patungong kusina, bago pa man ako tuluyang makarating doon ay mabilis niya akong nahila upang paupuin sa hapag-kainan kung saan nakahanda ang almusal na luto raw mismo niya.

"Gulat na gulat? Bawal ba ako dito, sa sariling bahay ko mismo?" nakangiting sabi niya sa akin sabay upo sa upuan na nasa harapan ng kinauupuan ko.

Ngumiti siya kasabay ng isang nakakalokong tingin, sa kabilang banda ay natutuwa ako dahil ang ibig sabihin lang nito ay mananatili siya rito sa bahay kahit pansamantala lamang, hindi na kailangang mag-alala ni mama dahil palagi na silang magkikita.

"Maigi naman at pipirmi ka na rito," kunwari ay seryosong sabi ko sabay ng laglalagay ng pagkain sa plato ko.

Nagkibit-balikat lamang siya at binalewala ang sinabi ko pagkatapos ay nagsimula na ring kumain.

"Ikaw talaga ang nagluto?" tukoy ko sa mga pagkaing nakahain sa hapag.

Mayabang niya akong tinignan bago tumango ng buong kompiyansa. He was used to cooking dahil noong manirahan ako sa Japan at dinadalaw niya ako ay siya mismo ang nagpiprisinta na magluto pata sa amin. He's the responsible type at kahit wala sa itsura niya ay marunong siya sa bahay lalo na sa kusina.

"Sino pa sa tingin mo, ikaw? Eh tanghali ka na nga bumangon."

Inambahan ko siya na babatuhin ng table cloth na hawak ko, tapos ay sumenyas na humanda siya mamaya.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon