DLTIS 34: His Plans

553 21 0
                                    

-----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----

I still love you, Kalih...

Mahal kita, alam mo bang mahal na mahal kita?

Parang sirang plakang nagpapaulit-ulit ang mga salitang iyon nina Baro at Jeonghan sa isip ko. Kanina pa ako nakahiga sa kama pero hindi ko pa rin magawang ipikit ang mga mata ko, dahil sa tuwing gagawin ko iyon ay mukha nilang dalawa ang nakikita ko.

"Ano bang nangyayari sa iyo, Kalilah!" saway ko sa sarili ko nang tila mapagod ako sa kakaisip.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at hinanap ko sa kaloob-looban ko ang nararamdaman ko sa dalawang magkaibang pagtatapat na narinig ko.

Lalo na at hindi ako nakasagot kaagad nang magtapat si Bato at aminin niyang mahal pa niya ako.

Jeonghan has always been there for me. Simula umpisa hanggang sa makarating ako kung nasaan man ako ngayon, he never left my side. He's been true to what he stands for in his group. He's nothing but an angel, a savior. Someone who puts others first before himself at habang buhay kong ipagpapasalamat na nanatili siya sa tabi ko kahit pa sa mga pinakamadidilim kong pinagdaanan noon. 

Baro, on the other hand taught me everything I know and that includes being an artist. He pushed and convinced me to never give up on my dreams, he was there during the time when I was about to give up. He always gives me hope, making me believe that I can make it, even when no one does. Siya, kasama ng buong grupo ng B1A4 ang naging daan para masimulan kong buuin ang mga pangarap ko. Siya ang nagsilbing tulay upang makapag-umpisa ako.

Pero siya rin ang dahilan kung bakit ako nasaktan ng husto.

Napatalukbong ako ng kumot upang alisin na sa isip ko sina Jeonghan at Baro, pati ba rin ang lahat ng narinig ko mula sa mga ito. Tinabunan ko rin ng unan ang mukha ko at saka mariing pumikit para lang mawala silang dalawa sa isip ko, ngunit sa huli ay nabigo lang rin ako.
-----

"Anong nangyari sa iyo? Bakit ganyan iyang itsura mo?" tanong sa akin ni Dokyeom nang magkita kami sa cafeteria ng Pledis.

Tinignan ko lamang siya habang umuupo siya sa harapan ko. Walang masyadong tao sa cafeteria dahil maaga pa kaya ipinagtatakha kong narito na siya at iniistprbo ako.

"Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi," walang ganang sabi ko sa kanya.

"Mukha nga," natatawang sabi niya sabay tingin ulit sa akin.

"Eh ikaw, bakit ang aga mo?"

"May pinapatapos na choreo si Hoshi-hyung na gagawin namin sa number naming tatlo nina Seungkwan, para iyon sa Japan concert namin next month. Napaaga rin ako nang gising, na-set ko yata nang mas maaga ang alarm ko than usual," humikab pa ito bago tapusin ang sasabihin niya. "Ikaw, bakit ang aga mo?"

"Wala naman, gusto ko nang tapusin iyong recording ng album ko. Kakausapin ko si Woozi kung kailan namin pwedeng i-schedule iyong dalawang huling kanta ko."

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon