DLTIS 37: Gone Away

555 24 4
                                    

"Cut!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Cut!"

Tumigil ang lahat nang marinig namin ang sigaw ng direktor, dumako ang tingin ko rito at nakitang nakapameywang na ito habang matalim akong tinitignan na para bang napakalaki ng kasalanan ko. Nababasa ko mula sa mga mata niua ang magkahalong inis at galit dahil kanina pa kami hindi matapos-tapos sa eksenang ginagawa namin.

Dama ko ang namumuo nitong inis na anumang oras ay pwede nitong ilabas sa aming lahat ngunit naroon pa rin ang pagtitimpi na alam kong pilit pa rin nitong ginagawa. Mayamaya pa ay naramdaman kong may humawak sa isang kamay ko at marahang pinisil nito iyon. Agad na nagbaling ako ang tingin sa taong iyon at nakita ang umaalong tingin sa akin ni Jimin.   Marahan rin siyang tumango na para bang sinasabi ng maaamo niyang mga mata na ayos lang iyon at pwede naming subukan ulit.

"Ms. Kalilah, nakakailang take na tayo, ano pa ba sa mga linya mo ang hindi mo makuha?" Mahina ngunit may diin na sabi ng direktor nang lapitan kami nito.

Sasagot na sana ako nang biglang nagsalita si Jimin para saklolohan ako. "Direk, it was me. I distracted her kaya nalalimutan ni Kalih ang lines niya. I'm sorry."

Alam naming pareho ni Jimin na hindi iyon totoo.

Tama ang direkto nang sabihin nitong distracted ako dahil iyon naman talaga ang totoo pero ipinagtatanggol at pinagtatakpan ako ng lalakeng walang ginawa kung hindi pagpasensiyahan ang mga kapalpakan ko buong araw.

"Jimin huwag mo nang pagtak-"

"It's true, kasalanan ko kung bakit hindi makapag-concentrate si Kalih."

Nanahimik ang direkto at hindi na muling kumibo pa, naglakad ito pabalik sa pwesto nito kanina sabay sigaw sa mga crew na nasa likod lang nito.

"Let's have a fifteen minute break."

Matapos kong tignan ang nagmamaktol naming direktor ay saka ko lang muling binalingan si Jimin na nakangiti pa rin sa na nakatingin sa akin. Hindi na niya hawak ang kamay ko pero naroon pa rin ang mga ngiti niya at sumasalubong sa akin. Tinapik niya ako sa balikat at saka ako hinila papunta kung nasaan ang upuan niya tuwing nagpapahinga siya.

Umikot ang tingin ko sa paligid, pagkatapos magdeklara ng break ng direktor namin ay naging abala na ang lahat sa kung anu-anong gawain ng mga ito.

Abala na ang lahat sa pag-aasikaso sa set ng commercial na sinu-shoot namin, ipinagpasalamat kong si Jimin ang nakapareha ko dshil napakagaan niyang katrabaho, walang ere at napaka supportive. Tulad na lang ng ginawa niya kanina para saluhin ako.

He's a superstar, dahil na rin sa kinabibilangan niyang grupo pero hindi mo iyon mababakas sa kanya. He's humble at masaya siyang kasama, he jokes around lalo na kapag nahahalata niyang kinakabahan ako or distracted. Mahaba ang pasensiya niya kahit pa nakailang ulit na ako na magkamali habang siya ay one take lang niyang sinushoot ang lahat ng linya niya.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon