DLTIS 15: Surprise

971 42 20
                                    

-----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----

Matapos umalis nila Jeonghan at ng buong grupo nito ay tahimik akong naiwan sa villa. Nagulat akong natunton nila ako rito at kailangan naming mag-usap ni Jana dahil doon. Dahil sa ilang ulit na pagpiga rito ay nabanggit ni Jeonghan sa akin na si Jana ang nagsabi sa kanya kung nasaan ako, taliwas iyon sa pinag-usapan namin na wala siyang pagsasabihan na kahit sino kung saan ako pupunta.

Tinawagan ko si Jan at saglit na kinausap, matapos itong usigin ay humingi naman ito ng tawad at sinabing naipit lang siya dahil ginamit ni Jeonghan si DK sa kanya. Hindi ko na napigilang matawa nang sabihin ni Jan iyon dahil alam kong lumalabas ang karupukan niya pagdating kay Dokyeom at iyon ang bagay na wala na akong magagawa pa.

Pagaktapos naming mag-usap ni Jana ay ibinaba ko na kaagad ang telepono. Hindi ko naman naiwasan ang muling malungkot sa pagkakaalala sa mga nangyari. Wala pa ring malinaw na dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito pero napapagod na rin akong maghintay at magtanong. Ayoko nang maghintay na sabihin niya pa ang dahilan at ayoko nang masaktan pa dahil lang sa pagkapit ko sa taong bumitaw na pala.

Tama si Mingyu nang sabihin nitong iniiwas ko ang sarili ko sa ibang tao. Hangga't maari ay ayokong pag-usapan ang nangyari. After that day, I'm still in denial at alam kong parte iyon ng prosesong pinagdadaanan ko.

Healing in general is a process, hindi mo iyon makukuha ng isang upuan lang. Hindi pwedeng kapag sinabi mo sa sarili mo na magiging okay ka na, otomatikong magiging okay ka. Pagdadaanan mo ang lahat ng sakot hanggang sa mapagod ka na lang at matutong tanggapin ang lahat.

Napukaw ang lahat ng isipin ko nang marinig kong tumunog ang intercom ng villa. Sinilip ko kung sino ang nasa labas mula sa monitor nito na nakakabit sa gilid ng pintuan at nakita ko ang isang pamikyar na mukha at ang sasakyan na nakaparada sa harapan ng gate.

She's here.

Matapos naming mag-usap noong nakaraan ay niyaya ko siyang sumama na magbakasyon sa akin na sinang-ayunan naman niya. Marami rin daw siyang iniisip at eksaktong break nila sa university kaya mabilis siyang pumayag sa na sumama sa akin.

Lumabas ako sa Villa at saka nagtungo sa gate upang puntahan at pagbuksan si Chinee. Sinenyasan ko siya na ipasok ang sasakyan niya matapos kong maluwag na buksan ang gate. She was with someone at ngayon ko lang ito nakita.

Bumungad kaagad sa akin ang nakangiting si Chinee matapos niyang bumaba mula sa sasakyan, ganoon rin ang ginawa ng babaeng kasama niya na nakangiti rin akong tinignan habang halata ang excitement sa mga mata.

Chinee is wearing a pair of jeans and a black shirt, naka-cap din siya at nakasalamin pa rin tulad ng dati. Sa tagal naming magkakilala, kahit noon pa lang ay hindi ko pa siya nakitang pumorma katulad ng ibang kasing edaran namin.

She was always this casual and from the looks of it, mahilig siya talaga sa itim.

"Mukhang hindi ko na kailangang itanong kung ayos ka lang." bungad sa akin ni Chinee nang makita ako.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon