DTLIS 6: Baro

1.7K 73 53
                                    

This chapter is dedicated to lynnerhea,

-----

-----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----

Mag-iisang oras na akong naghihintay ngunit wala pa ring Baro akong nakikita kahit saan ako lumingon. Pagkatapos kong sagutin ang tawag niya kanina ay agad akong nagpunta sa sinabi niyang lugar para magkita kami. I started to feel a sudden burst of emotion upon seeing his name on my cellphone screen, sa isang iglap ay para akong batang walang mapagsidlan ang nararamdaman.

Hindi ko alam kung bakit pero nang makita ko ang pangalan niya na rumehistro sa cellphone ko ay bigla ko na lang nalimutan ang lahat ng nangyari, pati na ang sakit na parang kailan lang ay hindi ko mainda.

Gusto ko siyang makausap, gusto kong isa-isahin ang lahat ng tanong ng isip ko para sa kanya at gusto kong sagutin niya iyon ng totoo at buong puso. Naghintay ako sa pagdating niya, pakiramdam ko ay makakapaghintay pa ako ng kahit kailan lalo na at ito na ang pagkakataong hinihintay ko, ang pagkakataong makakausap ko siya.

Ang tanging pagkakataong pwede niyang sagutin ang lahat.

Limang minuto ang mabilis na lumipas mula nang huling tumingin ako sa relong suot ko. Nakaka-dalawang tasa na rin ako ng kape at kasalukuyang inuubos ko na ang pangatlo nang matanawan ko siya na papasok sa pintuan ng restaurant at papalapit sa kinaroroonan ko.

"Kanina ka pa ba?" halos hinihingal pa ba bungad niya sa akin nang marating niya ang pwesto ko.

Hindi ako sumagot, sa halip ay tinignan ko lamang ang dalawang tasa ng kape sa harapan ko. Sapat ng sagot iyon sa tanong niya sa akin kung kanina pa ba ako.

Mabilis siyang umupo sa upuang nasa tapat ko at saka ako malamlam na tingnan. Hindi ko alam kung anong meron sa mga tingin niyang iyon pero bigla akong nalungkot nang titigan ko siya.

Walang anu-ano ay naramdaman kong muli ang sakit na ilang araw ko nang binabalewala at iniinda nang sabay. I started to look for an answer even at his gaze, hinahagilap ko sa mga mata niya ang kahit anong kasagutan sa mga tanong ko sa kanya ngunit sa huli ay nag-iwas lang siya ng tingin.

"Anong nangyari sa 'yo? Mukhang pagod na pagod ka?" Diretsong tanong ko sa kanya.

Tinignan lang niya ako pabalik sa halip na sagutin ang tanong ko at nang mga sandaling iyon, pakiramdam ko ay ibang pares na ng mga mata ang tinitignan ko. Hindi ko alam kung ako lang ba iyon o talagang may nagbago na sa kanya, pati na rin sa kung anong meron kaming dalawa.

"Busy lang, masyadong maraming ginagawa kaya wala na masyadong oras para magpahinga. Kadarating ko lang from Eur-"

"Napansin ko nga, mukha ngang pagod na pagod ka."

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon