DLTIS 22: Twenty Two

703 33 14
                                    

-----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----

Pagdadalawang isip, iyan ang naramdaman ko at ilang ulit ko pang naramdaman bago ko mapagdesisyonan na mag-asikaso na at magbihis. Alas-siete ang simula ng musical show ni Sanduel kung saan personal niya akong inimbitahan na manuod. Sinabihan ako ni Jessie na inaasahan ni Sandeul na pupunta ako dahil kung hindi ay magtatampo raw ito sa akin.

Mag-aalas singko na sa orasan ko at hanggang ngayon ay nakaupo pa rin ako sa harap ng salamin, nakatitig sa mga ticket ng musical ni Sandeul na binigay ni Jessie. Sigurado akong naroon silang lahat, silang lahat pati na si Baro.

Bigla kong naalala ang itsura niya habang sinasagot ko ang tanong ng mga reporter sa press conference at press release ng drama nila ni Alexene. When someone asked me kung nasasaktan ba ako dahil sa tema ng kantang nilabas ko.

"Because it is,"

"What do you mean by saying it is? Is it painful? Is your heart broken by someone? Who is the person?"

Kahit na nakakaramdam ako ng pagkailang sa mga tanong nila sa akin ay pinilit ko pa rin ang ngumiti. I smiled as if everything is okay, that I am okay with answering them na para bang napakadali lamang sagutin noon, pero ang totoo ay hindi.

"I write my songs based on what I feel, hindi naman palaging masaya ang buhay and most of the time, things are not happening according to our plans. We all have our highs and lows but the most important thing is that you have someone behind your back ready to be there for you." Sinikap kong patatagin ang sarili ko kahit pa gusto na namang umiyak ng mga mata ko.

I hate this feeling, na kailangan mong maging okay sa harap ng ibang tao kasi natatakot kang hindi ka nila maintindihan. Na hindi nila maintindihan ang nararamdaman mo.

Natatakot ako dahil sa bandang huli kahit sabihin ko naman ang lahat, masakit pa rin at patuloy pa rin akong masasaktan. Lihim kong pinalalakas ang loob ko at pilit kong sinasabi ng paulit ulit sa utak ko na okay ako. Kailangan kong maging okay, dahil wala namang ibang pagpipilian kung hindi ang maging okay lang.

"All I can say is that I'm hur-"

"She's fine,"

Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalitang katabi ko.

Jeonghan interrupted me and took over answering the questions that are too personal for me to answer at alam ko kung bakit, dahil alam niyang nahihirapan ako. Marahila ay nararamdaman niyang nanginginig ang kamay ko na hawak pa rin niya at ang paminsan-minsang pagiging unastable ng boses ko.

"She's okay, and she knows what she wanted in her life. And that is to create heartfelt music that everybody can relate themselves to. Hindi naman porket you're doing a sad song, malungkot ka na. At hindi naman ibig sabihin noon ay nasasaktan ka. Sometimes, we tend to be inspired with just about anything and having known Kalih all these years." Nakita kong tumingin muna siya sa direksyon ni Baro bago itinuloy ang sasabihin niya. "She's the type of person who dwells on her emotions pretty much like it's just nothing. At sinisiguro ko sa inyo na hindi na siya masasaktan ng basta-basta dahil may tao ng handang manatili sa tabi niya, bagay na hindi kayang gawin ng iba."  Pagkatapos noon ay nakita kong bumalingbsiya ng tingin kay Baro na sinalubong naman ng isa.

Don't Listen To It Secretly (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon