∞ One ∞

27.4K 349 6
                                    

Chandra POV

"Kanino kayang sasakyan 'to? Baka may bisita sila Tita Margott."

May nakita kasi akong kotse na naka park dito sa labas ng gate nila. Dumiretso na'ko sa loob kasi bukas din ang pintuan. Ang tahimik naman. Nakasalubong ko si Yaya Belen.

Halata ang pagkagulat sa mukha niya. Hindi pa ba siya sanay sa'kin. Lage naman akong pumupunta dito.

"Hello po, Yaya Belen. Si Kendrick po?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"A-ah ano senyorita. Nasa kwarto po ata niya si senyorito." Para siyang namutla.

"Ok lang po ba kayo? Para po kasing namumutla kayo." Tanong ko agad sa kanya.

"O-ok lang po ako. Sige po maiwan ko na po kayo. May gagawin lang po ako sa kusina."

"Sigurado po kayo ok lang talaga kayo?" Tumango lang siya. "Ah ok po. Ahm anyway thanks po pala. Akyatin ko lang si Kendrick sa kwarto niya." Habang paakyat ako ng hagdan parang may kaba akong naramdaman. Hindi ko alam kung bakit. Pagka akyat ko tinungo ko agad ang kwarto ni Ken. Nanlaki na ang mata ko sa nakita ko. "This can't be happening." Nabitiwan ko ang hawak kong paper bag, na regalo ko dapat sa kanya. Its our 24th monthsary. Pero eto lang ang maabutan ko. Wow! Gandang regalo lang talaga.

"Kendrick?" Mahinang tawag ko sa boyfriend ko habang tutop ko ang bibig ko. Nagulat pa siya ng makita ako. Bigla nalang nalaglag ang mga luha ko sa eksinang nasaksihan ko. Ang sakit sakit. Parang hinihiwa ang puso ko. Tanging pagtawag lang sa pangalan niya ang nagawa ko. Sabay takbo palayo. Rinig ko pa ang pagtawag niya sakin.

"Fvck ! babe wait. Let me explain." Nakakapanghina. Ano bang kasalanan ko at nagawa n'yang lokohin ako. Patuloy lang ako sa pag takbo. Wala akong pakialam kung marami ng nakakapansin sakin. Mabilis akong nakalayo sa mansyon nila. Iyak takbo lang ang nagawa ko. Isa lang ang laman ng utak ko ngayon. Ang panloloko sakin ng boyfriend ko.

Sa parke ako dinala ng mga paa ko. Buti nalang at pagabi na. Wala ng halos tao. Wala ng masyadong makakapansin sa pagiging miserable ko ngayon.

Kahit anong pilit kong pigil sa mga luha ko. Bumabagsak at bumabagsak parin.

Ang sakit sakit lang talaga makita ang taong pinagkakatiwalaan mo at mahal mo na may kasamang ibang babae at naghahalikan. "Damn ! " At sa kwarto pa niya talaga. "Shit !" Hindi ako 'yong tipo ng tao na mahilig magmura pero sa nadatnan ko kanina, kulang pa ang pagmumura ko para mawala ang sakit dito sa puso ko. Gusto ko silang sugurin pero, ano pa ba ang magagawa ko? Nahuli ko na sila. Kaya ang pagtakbo nalang palayo ang tanging naisip ko.

"I so damn hate you Kendrick Montenegro for cheating and hurting me. One day babalik din sayo ang sakit na pinaramdam mo sakin. Doble doble pa. I swear, you'll reget this day." Bulong ko sa sarili ko. Pero wala parin akong tigil sa pag iyak.

Pinahid ko ang mga luha ko. Patayo na sana ako ng mag ring ang phone ko. Tiningnan ko kong sino ang tumawag. Pero, bigla akong nakaramdam ng galit. Ang kapal ng mukha niya para tawagan pa ako. Magpapaliwag ng kasinungalingan. "Fvck ! hindi ko kailangan ang kasinungalingan mo." Kinan-cel ko agad ang tawag niya. Pero agad din may nag text pag check ko siya pa din.

From : KendrickBabe

Babe where are you? Please, lets talk. Im sorry. I love you so much.

"Psh ! anong akala mo ganon lang 'yon kadali." Bulong ko sa sarili ko. Ibinalik ko sa loob ng bag ko ang phone ko.

Kendrick's POV :

Sobrang nagulat ako ng makita kung bumukas ang pinto ng kwarto ko. Si Chandra nakatayo sa may pintuan halata ang pagkagulat. Nabitawan pa niya ang paper bag na dala niya.

"Kendrick." Mahinang tawag niya sa pangalan ko. Pagkatapos non. Mabilis siyang tumakbo pababa ng hagdan.

"Fvck ! babe wait. Let me explain." Akmang hahabulin ko pa sana siya pero hinawakan ni Agatha ang braso ko. Pinipigilan niya akong sundan ang girlfriend ko. Kaya tiningnan ko siya ng masama.

"So ganon nalang 'yon. After we have kissed iiwan mo nalang ako. How dare you Kendrick?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"For pete's sake Agatha. It was just a kissed. Nothing else. Kaya wag mo akong sinusumbatan. Wala kang karapatan. At pwede ba wag kanang lalapit sakin. Now get out of my room !" Pagkasabi ko no'n mabilis niyang kinuha ang bag niyang nakapatong sa side table. At mabilis na lumabas ng kwarto ko.

Palabas na sana ako ng mapansin ko ang paper bag na nabitiwan niya kanina. Madali ko namang pinulot agad. At tiningnan ang loob. Meron isang maliit na box at isang card. Binasa ko ang nakasulat dun.

Dear Baby,

Wow! Sino ang mag aakala na aabot na tayo ng 2 taon. Im so blessed talaga to have someone like you in my life. Thank you for being my bestfriend and being a good boyfriend. Thanks for being my strength. Through out this year lage ka lang andyan nakasuporta. So please wag ka magsasawa sakin babe ha. Kasi ako hinding hindi magsasawa sayo. Happy 24th monthsary baby. I love you always and forever. Xoxo

Love,

Chandra.

Fvck ! Pinaiyak ko ang babaeng mahal ko at sa araw pa ng monthsary namin. Stupid me. Ni minsan hindi ko pa siya nakitang umiyak, kasi 'yon ang iniiwasan kung mangyari. Pero ngayon. Shit ! What have I done !? Kasalanan ko talaga 'to. Kung bakit nagpadala ako sa pang aakit sakin ni Agatha.

Hindi ko nalang muna binuksan ang regalo niya sakin. Nagmamadali akong lumabas ng mansyon at hinahanap siya. Pero unfortunately di ko na sya makita. Agad kong dial ang number niya. Pero naka ilang attempt nako pero hindi parin nya sinasagot ang tawag ko. Nag-aalala nako. Pagabi na. Pag may nangyaring masama sa kanya hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Dinial ko ulit ang # niya. Pero sa kasamaang palad Kinancel niya lang. Nagmamadali akong nagtext sa kanya.

To : ChandraBabe

Babe where are you? Please, lets talk. Im sorry. I love you so much.

Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon