∞ Fourteen ∞

8.9K 136 0
                                    

Chandra POV :

Higit isang buwan na rin simula nong nakabalik ako dito sa Pilipinas. Kasama ko dito ngayon ang boyfriend kong si Nico. Mabait siya, Gwapo, Sweet, Gentleman at higit sa lahat malambing. Nakilala ko siya three years ago sa California. Isa siyang doctor. Let's just say na isa siyang makulit na doctor. Naging kapitbahay ko siya dun. Sa katunayan siya ang tumulong sakin na makapaglakad uli. Mabilis ko din naging close yung family niya kasi pinoy din sila. Nag migrate nga lang sila dun kasi dun silang lahat naka base.

Habang unti unti kong inaayos ang sarili ko naisipan kong tapusin ang pag-aaral ko. Habang nag aaral, since may malaki akong ipon naisipan ko ding mag business. Hindi ko nga inasahan na magiging successful siya agad. Unti unti siyang lumaki at nakapagpatayo ako ng sariling kong kompanya na hindi ko inaasahan na magiging kilala at sinong mag-aakala na at the age of 24 sobrang successful nako.

Iilan lang ang nakakakilala sakin. Pinanatili kong lihim ang pangalan ko sa publiko. Sa kadahilanang ayoko matagpuan ako ng mga taong malapit sakin dito sa pilipinas. Gusto ko pag nakita nila ako yung maayos nako. Yung kaya ko nang tumayo sa sarili kong paa na di naka depende sa kanila. Kaya naisipan kong umuwi kasi akala ko ok nako. Handa ng singilin lahat ng taong may atraso sakin. Pero mali ako. May isang bagay na hindi ko napaghandaan ang pagkikita namin ni Kendrick.

Hindi ko na napigilan ang umiyak habang nagmamaneho. Itinabi ko muna ang sasakyan ko. Wala naman talaga akong pupuntahan talaga hindi ko lang mataglan ang presensya ni Kendrick at ang eksena kani.

Mali to eh. Hindi nako dapat makaramdam ng ganito. Kasi matagal na kaming tapos. At isa pa may boyfried nako. Bakit ganito apektado parin ako kahit tatlong taon ko na siyang hindi nakita. Marami ng nagbago oo, pero ng makita ko siyang lumuhod kanina habang nagmamakaawa at umiiyak bumalik lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Pero mali to dapat pigilan ko na talaga ayokong saktan si Nico marami na siyang nagawa para sakin. Marami na din siyang sinakripisyo hindi ko pweding baliwalain lahat ng yun.

Patawarin mo ko Kendrick. Umiyak lang ako ng umiyak. Akala ko ganon lang kadaling kalimutan lahat ng satin pero hindi eh. Piniplit ko lang pala ang sarili kong pagtakpan ang katotohanan na mahal parin kita sa kabila ng sakit na naranasan natin noon.

Nagmaneho lang ako ng nagmaneho kahit walang pupuntahan haggang sa mapagod. Nag check in nalang ako sa isang hotel. Ayoko munang umuwi baka andun pa siya. Ayoko munang isipin ang nangyari kanina.

--

Nagising ako sa isang tawag. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa.

"Hello?" Sinagot ko ang tawag ng hindi tumitingin sa screen ng cellphone ko.

["Where are you Sweetie? I was worried about you. Manang Cita called me this morning hindi ka daw umuwi."]


"Calm down sweetie. Im fine. Im with Patricia. Yung nakwento ko sayong bestfriend ko. Andito ako ngayon sa place niya. Hindi ko na nasabi sayo kagabi kasi alam mo na matagal daw kaming hindi nagkita at nag usap gusto niya mag bonding daw muna kami. " Im sorry Nico kung nagsinungaling ako. Ayoko lang malaman mo ang nangyari kagabi its for you din naman.

["Where is that? I'll just picked you up."]

"No its ok sweetie. Ill be fine. Kita nalang tayo later. Let's go out for a date." Kailangan ko nalang sabihin para di siya mag-alala.

["Ok promise yan ha. Ingat ka nalang pag uwi. I love you so much sweetie."]

"I love you more sweetie. Seeyah later." I sighed and hang up my phone. Im really sorry sweetie.

Naligo lang ako at nagbihis buti nalang lage akong may extrang damit sa kotse ko. Nakasanayan ko na. Lage kasing may biglaang business trip. Na wala nakong time para mamili o umuwi.

Matapos kung ayusin ang sarili ko nag checked out nako. Kailangan kong bumawi sa pagsisinungaling ko kanina.

--

"Flower's for the beautiful woman of my life." He give me a smack on my cheek. I just smiled. Inalalayan niya akong makasakay sa kotse niya. He's such a

gentleman and sweet.

"Thanks sweetie."Dinala niya ako sa isang restaurant na kailanman hindi ko makakalimutan. Ito yung restaurant na paborito namin ni Kendrick dati. Nananadya ba talaga ang tadhana? Hindi ko nalang pinahalata sa kanya ang naging reaksyon ko. Baka magduda pa siya.

"Musta ang pagkikita niyo ng bestfriend mo?" Hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako.

"It was fun. Nag chikahan lang kami. Ganon pa din siya maldita." Ngumiti lang ako sa kanya para hindi niya mahalata na natetense nako.

"Sana makilala ko siya at yung family mo." Napatingin ako sa kanya.

"Don't worry sweetie. I will introduce you to them one of this days." Ngumiti naman siya. Alam kung yun ang inaantay niyang marinig mula sakin. Wala naman akong balak na hindi siya ipakilala sa kanila.

Matapos kaming kumain nanuod din muna kami ng sine. I missed this. Dati nong kami pa ni Kendrick. We used to do this stuff. Hindi pa kami makukuntento nun. After namin mag date mag momovie marathon pa kami sa bahay nila o kaya sa bahay namin. Napabuntong hininga nalang ako. Bakit ko ba siya iniisip? Dapat kay Nico ang focus ko.

"Are you ok sweetie?" Napatunghay ako sa kanya. And smiled to him.

"Im sorry sweetie. Pagod lang ako. Matagal kasi kaming natulog ni Patricia eh." Pagsisinungaling ko. Napapadalas na ata ang pagsisinungaling ko.

"Kung gusto mo umuwi nalang tayo para makapagpahinga ka." Sobrang understanding niya. Baguiguilty tuloy ako.

"No, its ok. Pasok na tayo. Date natin to eh."

"Pwede pa naman natin ituloy to next time."

"Ok lang talaga sweetie. Alam mo naman magiging busy nadin ako next time. Baka di na natin to masyadong magawa." Kinawit ko nalang ang braso ko sa braso niya. Totoo naman magiging busy nako sa susunod. Kailangan ko ng simulan ang plano ko.

"Sigurado ka sweetie?"

"Yup. Don't worry about me."

"Ok let's go." Tumango lang ako at ngumiti tanda ng pag sang ayon ko.

--

Late na din kaming nakauwi. Hinatid niya lang ako at umuwi nadin siya sa bahay ng Tita niya. Kahit naman magkasama kaming umuwi. Hindi naman kami nag sama sa iisang bahay. Nirerespeto niya ako. Sabi niya mag sasama din naman kami pag kasal na kami. Kung dati natutuwa akong isipin yun. Ngayon hindi ko na sigurado sa sarili ko. Napapatanong ko nalang kung siya ba talaga ang lalaking gusto kong makasama habang buhay? Masyado nakong nagdududa.

A/N : Yan nabasa nyu na ulit ang POV ni Chandra. :)





Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon