∞ Tweenty ∞

6.3K 109 3
                                    

Kendrick POV :

"P-Please Cha. C-Come back to me. I-I will do everything bumalik kalang sakin." Fvck ! Hindi ko kayang mawala siya ng tuluyan sakin. I don't care kung umiiyak nako sa harap ng empleyado ko. Importante pa ba kung ano ang sasabihin nila kung ang dahilan ng pagmamakaawa ko ay ang babaeng mahal na mahal ko ?

"Let me go Ken. Please. Tapos na tayo. At wala ka na din magagawa. Im happy with him." Ang sakit lang marinig mula sa kanya na masaya siya sa piling ng iba samantalang ako. Ito nahihirapan at nasasaktan. Kailangan ko na ba talaga siyang bitawan? Sapat na ba ang mga narinig ko para sumuko? Pero may bahagi ng utak ko na ayaw sumuko.

Tumakbo siya palayo sakin. Chandra mahal na mahal talaga kita eh kahit pa masaya ka na sa piling ng iba. Kaya kahit anong taboy mo sakin di kita susukuan katulad ng pangako ko dati. Pagsubok lang to.

"Ano pang iniiyak mo jan Montenegro? Sundan mo na !" Narinig kong sabi ni Charles. Kaya mabilis kong inayos ang sarili ko at hinabol sya. Hindi ko na siya naabutan, sumarado na ang pintuan ng elevator. So, I have no choice. Patakbo kong tinungo ang hagdan.

Hingal na hingal akong dumating sa parking lot. At sakto namang kakaalis lang ng kotse nya. Mabilis na rin akong sumakay sa kotse ko at sinundan siya.

Fvck ! Kung kailan kailangan ko siyang habulin saka naman ako naipit sa putik na traffic nato. Dalawang kotse ang nakapagitan samin.

I started dialling her number, but suddenly she cancelled it. Napahampas ako ng malakas sa manibela. Nag over take ako sa kotse ng medyo umusad na.

Ngayon nasa likuran na niya uli ako. Nakabuntot lang, nakita kung lumiko ang kotse niya. Alam ko kung san patungo ang daan na yun. Hinding hindi ko makakalimutan ang lugar na yun. Napangiti nalang ako. Tanda nya parin pala.

Nakita kung huminto ang kotse nya. Ipinarada ko ang kotse ko malayo ng konte sa kotse nya. Ayokong makahalata siya'ng sinusundan ko siya. Gusto ko lang siyang bantayan. Ewan ko, siguro bibigyan ko siya ng time para makapag-isip.

Special ang lugar nato samin. Masaya at puno ng pag-mamahal sa isa't isa.

Nakita ko siyang umupo dun sa may bench sa loob ng gazebo . Meron ding kubo dun. Pinasadya ko talaga ang pagpapagawa dun. Balak ko nga sanang sorpresahin siya. Pero nauna na niyang nakita. Ok lang naman kasi kasama parin ako yun nga lang hindi ko siya malapitan. And isa pa nga pala binili ko na ang loteng to. Para lang sa kanya.

Narinig ko ang mga hikbi nya. Gustong gusto ko s'yang lapitan kaso, baka tumakbo na naman siya palayo. Pinigilan ko lang ang sarili ko na aluin s'ya. Ako ang nahihirapan pag nakikita s'yang umiiyak.

"Mahal na mahal kita baby." Bulong ko sa sarili ko.

"Ang sama mo tadhana. Bakit pinahihirapan mo ko ng ganito? Bakit kailangan mangyari yung dati? Naging mabuti naman ako ah. Tama na please !" Narinig kong sabi niya. Nahihirapan ba siya dahil sakin? Galit parin ba siya dahil dun sa mga nangyari dati ? Hindi naman ako bakla pero pagdating kay Chandra. Mahina ako.

Iyak lang siya ng iyak hanggang sa parang naubos na ang luha nya. Nakatulala lang siya sa kawalan. Miss ko na ang yakap nya at mga halik.

Halatang nagulat pa siya ng tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya naman yung kinuha sa loob ng bag niya.

"Hello sweetie." Parang hiniwa ang puso ko ng marinig ko ang endearment nila. Nakita ko ang mga ngiti nya sa labi . Sa isang iglap nawala yung lungkot sa mukha niya.

Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon