∞ Thirty One ∞

4.9K 79 0
                                    

Nico POV :

Sa mga oras na'to ayoko'ng magpaka hipokreto. Sobra'ng nasasaktan ako na 'yong babaeng mahal na mahal ko eh may mahal palang iba. Hindi ko mapigilan umiyak. Hindi ko naman ikinakahiya eh. Hindi porke umiyak ang lalaki bakla na.

Actually, nong una wala naman ako'ng duda sa dahilan ng revenge in Chandra until dumating 'yong time na nakita ko sila.

Nasa malayo lang ako nakatanaw sa kanila. Pauwi nako dapat, when suddenly I left my phone sa bahay n'ya. Kaya binalikan ko.

Nakita ko 'yong pagluhod ng lalaki at halata'ng nagmamakaawa s'ya kay Chandra. Natano'ng ko sa sarili ko kung sino 'yon. After ng eksinang 'yon. I saw Chandra na sumakay sa kotse n'ya at umalis. Sinundan ko s'ya. Pansin kong drive lang s'ya ng drive na alam ko wala naman pupuntahan, kasi paikot ikot lang din naman s'ya until tumigil s'ya sa isang hotel. Sinundan ko pa din s'ya. Nakita kong nasa reception desk s'ya at inabutan s'ya ng keycard nong receptionist.

Nagtataka ako kong bakit kailangan pa n'ya mag check in. Hindi ko talaga maintindihan. Yun na din ang time na nag duda nako. Pero binalewala ko nalang, kasi mahal ko s'ya. Kinabukasan para di nya mahalata na sinundan ko siya, tinawagan ko s'ya. And into my dismay, she lied to me. Sabi nya nasa kaibigan lang daw sya.

Pero mga ilang araw din, nawala na 'yon sa isip ko 'coz I trust her that much. Mas nangingibabaw 'yong pagmamahal ko kesa sa pagdududa.

But suddenly nakita ko sa malapitan 'yong lalaki. It was just a coincidence. Susunduin ko siya nun, nakita ko 'yong lalaki na kausap s'ya sa harap ng CMA Empire. At ipinakilala n'ya bilang kaibigan. Pero sa reaksyon niya, I know hindi nya lang kaibigan 'yon.

Ayoko man magpaka negative pero wala eh. Nilamon nako ng selos at pagdududa ko. Umakto ako ng normal sa harap nya kahit alam kong sa loob ko sobra'ng apektado nako. Kaya nong pagbalik ko ng US nag hire ako ng private investigator para alamin ang katotohanan.

Aminado natakot ako sa malalaman ko, pero nagpakatatag ako. Nung mag report sakin ang private investigator nalaman kong matagal na pala silang hiwalay. And ang totoong dahilan ng paghihigante nya ay dahil kay Kendrick. Dahil may nagplano na paghiwalayin sila. At yun ang dahilan kong ba't naaksidente sya non. At bukod dun alam ko na ang istorya.

Pero ang mas masakit lang ang malaman mong mahal parin pala niya to. Yeah, pinasundan ko din s'ya kahit alam kong mali. Alam ko din na iniiwasan nya yong lalaki. Pero ng makita ko ang mga photo nila. I see it in her eyes ang katotohan. Masakit Oo. Pero pagnagmahal ka willing kang gawin lahat sumaya lang ang taong mahal mo. Kaya nag decide ako na e let go na sya. Mahirap Oo. Pero mas mahirap ang ikulong sya sa bagay na alam mong pinipilit nya lang gustuhin.

Ayoko syang mahirapan pa. Tama na ang mga pinagdaanan nya dati'ng paghihirap.

Chandra POV :

I felt so guilty parin, but then in some point, malaki din ang naitulong sakin ng pag-uusap namin ni Nico.

"Hey! Malalim na naman 'yang iniisip mo." Pukaw sakin ni Patricia.

"May iniisip lang ako. Im sorry. Anyways, kumusta ang paghahanda?" Im asking about sa fashion show tonight. Sana lang walang gulong mangyari mamaya. Knowing Agatha, wala 'yong pakialam kahit pa mag-iskandalo s'ya.

"Ayos na lahat. Thanks Cha." Niyakap ako ng mahigpit ni Patricia.

"No worries." Sagot ko.

"Alis muna ako Pat. May kailangan lang ako'ng ayusin sa office."

"Ok take your time. Wag kang male-late mamaya ha. Take care." Ngumiti lang ako at humalik sa kanya sa pisngi.

"Sure." Tipid kong sagot.

Pagpasok palang ng CMA Empire binati nako ng mga empleyado. Nginitian ko lang sila. Well, syempre nagulat sila. Hindi kasi sila sanay sa totoong ngiti ko. Ang sarap sa feeling ng ganito. Aminado ako'ng mahirap magpanggap ng tunay na nararamdaman, pero ngayon feeling ko malayang malaya nako.

Tumuloy ako sa office ko. Well, sa gulat ko sinalubong ako agad ng secretary ko.

"Ma'am may nagpapabigay po sa inyu." Well, isang box. Hindi ko alam kong anong laman.

"Kanino galing?" Tanong ko.

"Hindi ko po alam."

"Ok thanks nalang."

Sobrang na curious talaga ako. Kaya nagmamadali nakong pumasok sa office ko, para tingnan ang laman non.

Nanlaki ang mga mata ko sa laman ng box. Muntik nakong mapasigaw. May note pang kasama.

WELCOME TO HELL

CHANDRA ARAGON!

Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon