∞ Nine ∞

8.8K 176 1
                                    

Chandra POV :

"Chan, hindi ka na ba talaga mapipigilan?" Tanong sakin ni Patricia. Alam nag-aalala din siya sakin. Mamayang gabi na ang flight ko. Marami akong ma mi miss pero kailangan ko magtiis.

"Pat, masyado ng marami ang masakit na nangyari. Gusto ko naman bigyan muna ng break ang sarili ko. Yes, hindi ko alam kung san magsisimula kong andito lang ako. Nakadepende at pabigat sa inyu."

"Kahit kailan wag mong iisipin na pabigat ka. Kasi kung tutuusin ikaw yung sandalan ko noon. Masama ang tingin ng iba sakin. Pero ikaw, ikaw ang taong tangin nagtatangol sakin. Ang umiintindi at nagbigay sakin ng pagkakataon para ipakita ko ang totoong ako na hindi ko na kailangan ipaliwag ang sarili ko. Sa ating dalawa ako ang pabigat dati." Hindi na niya napigilan na umiyak. Ito yung mahinang side nya na takot siyang makita ng lahat.

"Shhh Pat, ma mi miss kita." Napayakap ako sa kanya. Sinabayan ang bawat pag hikbi nya.

--

"Sis mag-iingat ka dun ha. Ihalik mo ko kay grandma sabihin mong miss ko na siya. Siguradong masusurprisa sya pag nakita ka nya pagdating mo dun."

"Don't worry kuya sasabihin ko kay grandma."

"Anak tawagan mo kami ng dad mo pag may kailangan ka ha. Mag ingat ka lage."

"Thanks mom. I will."

"Chan, dadalawin kita dun ha. Mag-iingat ka."

"Mag-iingat ako, pangako yan. Mamimiss ko kayo. Mag-iingat din kayo. I love you all." Isa isa nila akong niyakap. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapaiyak.

"Mahal na mahal ka din namin bunso. Mag-iingat ka." Si dad alam kung nagpipigil lang umiyak.

Kumaway lang ako sa kanila. Sa pag-alis kong ito. Magsisimula akong buoin ang bagong Chandra Aragon.

A/N : Happy reading guys. Thanks :)

#MEEG

Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon