∞ Tweenty Five ∞

5.3K 87 0
                                    

Agatha's POV :

That bitch really pissed me off. Mas lalo pa tuloy akong napasama kay Mr. Sandoval. Shit ! Kung kailan hindi rin ako pwede humingi ng tulong kay dad dahil sa nangyaring sagutan namin last time.

Flashback...

"Hindi ka dapat gumawa ng eksena kanina sa restaurant." Tiningnan ko si dad, tama ba ang narinig ko? Mas kinampihan nya ang babaeng yun.

"Ako ang anak mo dad. Kaya dapat ako ang kampihan mo. Alam mo na ang babaeng yun ang sumira sa buhay ko. Sa amin ni Kendrick. Masyado s'yang papapel." Napabuntong hininga sya kasabay ng pagkuyom ng kamao nya. Napansin ko yun, kasi nasa kanya ang buong atensyon ko.

"To much for that Agatha! Ayoko'ng marinig pa ang pangalan ng lalaking yan." Naningkit yong mga mata nya.

"Your imposible dad ! Hindi ko alam kung anong pinakain sayo ng bitch na yun para mas kampihan mo sya kesa sa anak mo !" Hindi ko na napigilan na pagtaasan sya ng boses na ni minsan di ko pa nagagawa.

"Shut up Agatha! Tingnan mo yang nagagawa ng lalaking yang sayo. Natuto ka ng sagot sagotin ako."

"Hindi naman ako nagkakaganito dahil kay Kendrick. Dahil yun sa bitch na yun na pinagtatanggol mo!" Nagulat ako ng tumayo sya mula sa swivel chair nya at hinampas nya ng malakas ang table nya.

"Stop calling her bitch. Dahil ang bitch na tinatawag mo. Ay syang daan para maiahon ang kompanya natin sa pagkalugi. Kaya wag kang gagawa ng dahilan para sa ikasasama ng kompanya natin. Kung ayaw mong sa kangkongan tayo pulutin!."

"W-what? ang kompanya natin palugi na? At si Chandra ang makakatulong satin. N-no ! Tell me dad, that your just kiddin---" Hinang hina ako sa narinig ko mula sa kanya. NO! Hindi totoo to.

"Im not kidding Agatha. Its serious. Kaya kung kailangan makipagkaibigan ka sa kanya. Gawin mo." Tumingin ako sa mata ni dad.

"Paaanong si Chandra ang makakatulong satin?" Naguguluhang tanong ko.

"Kaibigan sya ng may-ari ng CMA Empire. Kaya sya umuwi dito dahil sa kanya ipinagkatiwala ang pakikig-usap satin. Sa kanya nakasalalay kung tatanggapin nya ang proposal natin." Nagulat ako sa nalaman ko. Hindi pwede, hindi ako papayag. Gagawa ako ng paraan. Kong ang mawala sya ang tanging paraan. So be it! Kong bakit kasi, di mamatay matay ang babaeng yun.

"No dad. Hindi ako papayag na hawak tayo sa leeg ng babaeng yun. Kung kailangan mawala sya, gagawa tayo ng paraan. Dad gumawa ka ng paraan."

"Stop that nonsense Agatha! Tama na ang kabaliwan mo jan sa Kendrick na yan! Dati kinonsente kita kasi anak kita! Pero sa pagkakataong to, ang kompanya lang ang mahalaga sakin, sa atin!"

"No dad. Si Kendrick lang ang mahalaga sakin at kung hindi ka gagawa ng paraan para mawala ang babaeng yun. Pwes ako ang gagawa!" Sabay tinalikuran ko na sya at pabagsak na sinarado ang pintuan ng office nya.

"Agatha come back here! " Huling narinig ko kay dad.

End of Flashback...

Hindi ako papayag na kontrolin kami ng babaeng yun. Dapat mawala na sya bago pa mahuli ang lahat. Lalo pa ngayon na kumikilos na sya ng palihim. Dapat maunahan ko siya. Mali ang desisyon ni dad na pinagkatiwalaan nya ang babaeng yun. Papatunayan ko yan sa kanya.

Nagsalin ako ng alak sa kopita ko. Lahat ng galit ko sa alak ko ibubuhos lahat.

"Ano ang iniisip mo?" Saka ko lang naalala na may kasama pala ako dahil sa sobrang pag-iisip.

"Wala. Just don't mind me." Sabi ko.

"I know you Agatha. Kung may masamang binabalak ka kay Chandra itigil mo na. Hindi na nga ako nagsalita nung nag eskandalo ka sa restaurant. At dalawang beses nako'ng nanahimik. I just hope that this time, makikinig ka na sakin."

"Shut up BenedicT ! Don't tell me what to do ! Kong wala ka din namang maitutulong umalis ka na ! I don't need you here !" Pasigaw na sabi ko sa kanya.

"No Agatha. Hindi ko kayang panuorin kang bumagsak, kasi mahal kita. Mahal na mahal kita. Kaya please habang maaga pa tumigil ka na." Akma pa nyang hahawakan ang mga kamay ko pero umiwas lang ako at tiningnan sya ng masama.

"Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo Benedict ! Walang nag-utos sayo na mahalin mo ko yan ang isaksak mo dyan sa kukuti mo!" Tumungga ako ng alak.

"Your impossible Agatha. Tanggap ko naman na hindi mo ko kayang mahalin pero yung baliwalain ang mga paalala kn sayo. That's to much." Tumayo siya at mabilis na umalis palabas ng unit ko. Psh !

"Sige magsama sama kayo'ng lahat ! Iwan nyo ko ! Kampihan nyo ang bwesit na babaeng yun ! Pagsisihan nyu din yan lahat sa huli." At dahil sa sobrang inis ko. Naibato ko ang kopita na hawak ko sa pinto kong saan lumabas si Benedict. Akala ko kakampi ko siya. Psh ! Pero si Chandra din pala ang pipiliin nya at hindi ako.

A/N : Well, mahaba ang naging POV ni Agatha. Ngayon nagsisimula ng maging malinaw ng konte kung ano ang ugali ang meron sya. Kyaaah sana naman magustuhan nyo. Nahirapan ako mag-isip this past few days ng UD ko. ^_______^

Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon