∞ Seven ∞

10K 197 0
                                    

Kendrick POV :

Hanggang ngayon galit ako kay dad. Umalis ako sa mansyon. Hindi ko siya maintindihan kong ba't nagawa niya sakin yun. Hindi niya man lang nirespeto ang mararamdaman ko. Pati kami ni Chandra sinira niya. Hindi ko lubos maisip ang tumatakbo sa utak niya. Tanggap niya naman ang girlfriend ko nun. Wala naman problema sa kanila ni Mom ang relasyon namin ni Chandra. Sa katunayan boto naman sila sa kanya.

Sa tuwing iisipin ko ang engagement na yun mas lalo akong nagagalit sa ama ko. Kung hindi dahil dun hindi sana nagdurusa si Chandra ngayon. Nasasaktan akong makitang nahihirapan ang babaeng mahal ko. Kung pwede ko lang sana saluhin lahat ng hirap at sakit na dinaranas nya ngayon, ginawa ko na sana.

Nong isang araw kinausap ko ang mga magulang niya tungkol dun sa engagement na nangyari. Sinabi ko na wala akong alam tungkol dun. Kung alam ko lang sana hindi umabot sa punto na yun. Medyo gumaan ang bigat na nararamdaman ko ng sabihin nilang naiintidihan nila ang lahat. Wala naman daw gusto ng nangyari. Pinayagan din nila akong dalawin si Chandra.

Bawat segundo, minuto at oras hindi siya nawala sa puso't isip ko. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko buksan ang pinto ng kwarto niya. Alam kong hindi niya ako gustong makita. Pero sabik na sabik na ako sa kanya. Miss na miss ko na siya. Gagawin ko ang lahat para tanggapin niya ako uli. Tatanggapin ko kahit pahirapan niya pa ako. Kulang pa nga kong tutuusin sa laki ng kasalan ko sa kanya.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko siyang nakaupo sa wheelchair. Tulala na nakatingin sa kawalan. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na aabot kami sa puntong ito.

"Babe?" Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Pansin ko ang pangangayayat niya at sobra akong nasasaktan dahil alam kong ako ang dahilan ng lahat ng paghihirap niya. "Babe. Im really sorry." Napansin kong may pumatak tubig sa braso ko. Alam kong umiiyak siya kaya di ko na din napigilan ang umiyak. "Babe patawad kung hindi man lang kita na protektahan. Kasalanan ko ang lahat." Alam kong nakikinig lang siya sa mga sinasabi ko. Pero hindi parin siya nagsasalita.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya. At umikot paharap sa kanya. Ganon parin siya nakatingin sa kawalan habang umiiyak. Niyakap ko siya uli. "Sorry talaga babe. Please kausapin mo naman ako oh." Tumingin siya sakin. Makikita mo sa mga mata niya ang sobrang paghihirap.

"Sa tingin mo kapag nag sorry ka magiging ok na ang lahat? Pagagalingin ba ako ng sorry mo? Sa tingin mo mabubura ng sorry mo ang mga nangyari? Hindi Ken. Nagkakamali ka. Kasi kahit ilang libong sorry pa ang sabihin mo ang sakit dito sa dibdib ko hinding hindi mawala eh. Wala naman akong kasalanan sa inyu para karmahin ako ng ganito." Hinayaan ko lang siyang ilabas ang lahat ng galit at hinanakit niya sakin. Naiintindihan ko siya.

"Hindi ko naman alam ang tungkol sa engagement babe. Sana maniwala ka sakin."

"Nong oras na umakyat ka sa stage na yun. Yun na yung time na pumayag ka sa engagement na yun. Yun din ang time na tinalikuran mo ako at bumitiw sa relasyon natin. Kung tutuusin pwede kanang tumakbo palayo. Pero hindi mo ginawa Ken. Iniwan mo ko sa iri. Hinayaan mo akong bumagsak sa lupa. Sobrang sakit nun, alam mo ba yun ha?" Hindi ako makapagsalita kasi tama siya, nasa akin na ang lahat ng pagkakataon pero mas pinili kong umakyat sa stage na yun.

"Babe. Im sorry talaga. Pangako babawi ako sayo. Magsisimula tayo ulit. Just please give me a chance."

"Im sorry din Ken. Pero alam mo kahit mahal na mahal natin ang isa't isa hindi parin yun sapat. Minsan mas kailangan natin e let go ang mga bagay na nakakasakit satin."

"Please babe. Wag naman ganito. Mahal na mahal kita eh."

"Hindi na mag babago ang isip ko. Kung nakokonsensya ka. Wag na kasi isipin mo nalang na pabor nato na sayo. Malaya na kayo ng babaeng yun. Kalimutan mo ang lahat ng satin. Dahil hindi na tayo babalik sa dati." Akmang itutulak niya ako. Buti nalang nahawakan ko ang balikat niya at sinunggaban siya ng mahigpit na yakap.

"Please ayusin natin to babe."

"Wala ng aayosin satin dahil matagal na tayong tapos. Di mababago ang lahat ng nangyari. Nasaktan na tayo ng sobra. Kaya tama na. I'll set you free. Malaya ka na. Kaya please umalis ka na. Hindi kita kailangan. Hindi ko.kailangan ang mga awa nyo. Sana namatay nalang ako para hindi ko naranasan ang ganito."

"Please babe, wag ka magsalita ng ganyan. Maayos natin ang lahat. May kakilala akong therapist na pwedeng tumuling sayo." Malakas nya akong naitulak napaupo ako sa sahig pero wala akong pakialam. Ayoko siyang mawala sakin. Lalong hindi siya pwede mawala sa buhay ko. Tiningnan niya ako ng matalim makikita mo sa mata niyang galit na galit na siya kahit pa umiiyak siya.

"Umalis ka na. Ayoko ng makita ka pa. Wag mo antayin na mas kamuhian pa kita. Kung mahal mo talaga ako susundin mo ang gusto ko." Sobrang bigat dito sa puso ko ang bawat salitang sinasabi niya. Alam kong masyadong malaki ang sugat.ang nalikha ko sa puso niya. Gusto ko mang manatili sa tabi hindi pwede. Yun ang gusto niya at naiintindihan ko siya. Pero ipinapangako ko babalikan kita Chandra.

Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon