∞ Fourty Six ∞

4.8K 93 0
                                    

Kendrick POV : [Part Ⅱ]

"May nakapag sabi naba sayo'ng di ka magaling magsinungaling?" Natatawa n'yang sabi.

"Huh? What do mean?"

"Obvious naman kasi that your lying. Base on your reaction and facial expression. Anyway, since we're already friends, you can share your problems naman sakin. Maybe I could help through my word of wisdom. Im not a love guro, but I can be one of them, just this time. Well, I just wanted to help you. Ayoko ko kasi ng taong makakita ng taong malungkot. Kahit di mo naman sabihin, I can see it in your eyes parin. I know the feeling kasi napagdaanan ko na yan dati. So spill it bago magbago ang isip ko." Mahabang sabi niya sakin. Parang nag-aalangan pako, bago ko palang kasi siyang nakilala. "I know what you've been thinking. Don't worry wala akong pagsasabihan. I can keep a secret you know." Nakangiti niyang sabi. And the next thing, narinig ko nalang ang sarili kong nagki-kwento about sa nangyari samin ni Chandra.

"Alam mo Kendrick. Hindi naman ganun ka komplikado ang problema mo. Para lang 'yang one plus one equals two." I sighed.

"Kung mahal mo talaga dapat pinaglaban mo. Hindi porke sinabi niyang layuan mo siya, eh lalayo kana. Para san pang nag-antay ka ng Three years di ba? Andun kana eh, kasama mo na s'ya. Pero ano? Sinayang mo lang. Naku sinasabi ko sayo mahal ka nun. Ang swerte mo nga eh kasi inspite sa mga nangyari sa inyo bumalik parin s'ya. Mahal ka nya, yan ang tandaan mo. Kasi kung ayaw nya talaga, hindi yan pumayag sa set up na ganyan. You almost live together na nga eh. Hindi porke't di niya sinabing mahal ka niya eh susuko kana. Kasi kaming mga babae pag nagalit, kabaliktaran ng sinasabi namin ang totoong nararamdaman namin. Pag sinabi naming wag ka ng babalik, gusto lang namin na intindihin nyo kami. Bigyan lang ng konteng time. 'Yon lang. Tandaan mo rin, we only live once, kaya itudo mo na. Bago mo pagsisihan ang lahat at tuluyan na siyang mawala sayo. 'Yong tipong hindi mo na siya makikita ng tuluyan. Kaya habang di huli ang lahat, make a move. Iparamdam mong mahal na mahal mo siya. Wag kang magpaka bakla." She sighed. "Be a man. Gumawa ka na ng paraan. Wag mong antayin na siya pa ang lumapit sayo. Para lang yang ganito. Walang pantalan ang lumalapit sa barko. Gets mo? I just hope nakatulong talaga ang sinabi ko."

"Yeah thanks sobra talagang nakatulong."

"So, pwede na tayong kumain? Nagutom ako lalo eh." Natawa nalang ako. Wala talaga sa personalidad nya ang tinatawag na kimi. Napaka over confident talaga nya. Apaw na apaw na nga eh.

"Yeah, sure. And thank you talaga. Dahil sa sinabi madami akong narealize. Like ako talaga ang mali at hindi s'ya. Pero kakausapin ko siya later. I'll make it sure na pagbumalik na siya sakin, pang habang buhay nato."

"Ganyan nga dapat positive ka lage. And masaya ako para sayo, dahil natauhan ka na d'yan. Sana wag mo na siyang pakawalan, you deserved to be happy, maswerte din kayo pareho kasi mahal na mahal nyo ang isa't isa. But please next time galingan mo ang pagsisinungaling ha. Wala ka talagang talent kasi dun. Hahaha."

"Haha...oo naman. I take it as a challenge."

"Adik ka talaga. hahaha"

"See you later baby. I missed you. I love you always and forever." Nabulong ko nalang sa isip ko. Ipinapangako kong ikaw lang at ako hanggang sa huli. Ayoko kung dumating ang time na pagsisihan ko ang mga maling desisyon ko. Tama si Zaine para san pa ang pag-aantay ko ng matagal, if I just give you up that easy.

a/n : kunting ingay naman please thank you guys sa pagtyatyagang magbasa. Love lots ♡♡♡ Xoxo ツ

Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon