∞ Eleven ∞

8.8K 164 0
                                    

Kendrick POV :

Malayo palang ako, dinig ko na ang sigaw ng anak ng demonyo. Well, that was her. Bagay na bagay na itawag sa kanya.

Lintek talaga ang babaeng to naawa ako ng makita ko ang secretary ko na sinisigawan ni Agatha.

"I don't remember na binigyan kita ng karapatan na sigawan ang secretary ko bitch !" Mariin kong sabi sa kanya. Pero parang baliwala lang at nagawa pa niyang ngumiti sakin.

"Honey ! I missed you. Sabi kasi ng secretary mo wala ka." Pumulupot pa siya sa braso ko. Kaya agad kong inalis yun. Namumuhi ako sa kanya at sa ama niya.

"Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito sa teritoryo ko?" Humalakhak lang siya.

"Oh honey! Ang sweet naman ng salubong mo sakin. Is that how you treat your visitor?" Malandi niyang sabi sakin. Hinaplos niya pa ang mukha ko. Kaya hinawakan ko ng mariin ang kamay niya. Napaigting sya sa sakit.

"Visitor? Well, hindi bisita tingin ko sayo, alam mo kung ano? Para kang isang ulol na aso na pagala gala sa teritoryo ko." Alam kung nagulat siya dun hindi niya siguro inaasahan na sasabihin ko yun. Halata naman na nagpipigil siya ng galit. Pero ngumiti siya sakin.

"Kung akala mo na susuko ako sayo honey. Nagkakamali ka. Kasi alam mo bang mas lalo pa akong naiinlove sayo pag ganyang harsh ka." Tsk !

"Umalis kana Agatha. Wag mong antayin na ipakaladkad pa kita palabas ng TERITORYO ko." Natigilan siya dun na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Kaya napangiti ako.

"Alam kung hindi mo magagawa sakin yan honey." hindi siya naniniwala na kaya kung gawin yun.

"Stella , tawagan mo ang security at papuntahin mo dito sa office ko." Utos ko sa secretary ko.

"How dare you for doing this? Tandaan mo magiging akin karin."

Napangiti nalang ako ng umalis siya. Kahit kailan hindi ako mapapasayo Agatha. Kung tuso ka mas kaya kitang higitan sa pagka tuso mo.

--

Pag-uwi ko galing sa opisina dumiretso nako dito sa bar ni Calvin. Sanay na siya sakin na pumupunta kahit di pa nagbubukas ang bar.

"O brad. Ginawa mo ng bahay tong bar ko ah. Hindi nako magtataka kung ilipat muna dito ang mga gamit mo." Napangiti nalang ako. Nagsalin naman siya agad ng alak sa isang baso at inabot sakin. "Ano ng balita sa paghahanap niyo kay Chandra?" Lumagok muna ako ng alak bago nagsalita.

"Hindi parin siya nahahanap."

"Baka naman ayaw lang niya talaga magpahanap hindi ko rin siya masisisi. Masyado siyang nasaktan."

"Yeah, minsan nga gusto ko ng sumuko sa paghahanap sa kanya. Pero sa tuwing naiisip ko ang dahilan kong ba't ko siya hinahanap mas lalo akong napupush na hanapin siya kahit mukhang ayaw niya talaga magpahanap samin. Mahal na mahal ko siya eh." Lumagok ako bg alak. Tinapik lang ako ni Calvin sa balikat ko.

"Well, sana mahanap nyo na talaga siya. Matagal na din ang Tatlong taon."

"Sana nga. Maiwan muna kita pare may kukunin lang ako sa storage room. Maya mayamagbubukas na din tong bar."

" Sige lang brad take your time." Tanging alak lang ang kasalo ko gabi gabi. Sana bumalik na siya. Sana andito ka ngayon sa tabi ko. Miss na miss na kita. Hindi ko na napigilan ang mapaluha.

--

"Hello Charles. Ah yes andito nako. Sige bye." Napatingin ako sa paligid. Maaga pa pero marami ng tao. Pero ikinagulat ko may nahagip ang mata ko. "Chandra?" .

a/n: Waaaaahhh sabaw. Bawi nalang next UD. Hindi ganon ka harsh si Kendrick. Lol :) Keep on reading lang guys and be happy ^_______^

Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon