∞ Eight ∞

9.5K 174 0
                                    

Chandra POV :

Kailangan ko siyang bitawan. Tama na ang sakit. Sobrang nasasaktan nako. Hindi ko lubos maisip na aabot kami sa punto na magkakahiwalay kami. Hindi totoo ang happy ending. Lahat ng tao sa paligid ko masyado ng nahihirapan sa sitwasyon ko. Kailangan kong ayosin ang sarili ko. Kaya nakapag desisyon nako. Hindi pwedeng itali ko sila at lageng naka depende sa kanila.

"Iha?" Boses palang niya alam kung nasasaktan din siya na makita akong ganito.

"Dad nakapag decide nako. Kailangan kung ayusin ang sarili ko ng hindi nakadepende sa inyu." Alam kung di sya papayag pero ito lang yung paraan hindi sila madamay sa pagka miserable ko. Ngayon pang alam kung nagka-ayos na sila ni mom.

"What do you mean iha?"

"Aalis ako. Gusto kung sa US muna. Na miss ko na si grandma."

"Anak alam kung masyado kang nasaktan sa nangyari. Pero andito naman kami. Hindi ka namin iiwanan."

"Nakapag decide nako dad. Hayaan nyo akong buoin ang sarili ko uli." Hindi ko na mapigilan na mapahagulgol. Agad naman niya akong niyakap. Mas gumaan ng konte ang bigat na nararamdaman ko. Bumuntong hininga sya.

"Ok anak, naiintindihan kita. Ayoko ko man yang desisyon mo pero kung yan ang tanging paraan para magamot ang mga sugat dyan sa puso mo pumapayag nako. Pero isipin mo andito lang kami. Sana yang pag-alis mo hindi yan pagtakas." Kung pagtakas man ang tawag sa paglayo ko paninindigan ko ang pagtakas nato. Sa bawat segundo, bawat minuto at bawat oras na andito ako sa silyang de gulong nato ay unti unti nitong pinapatay ang buong pagkatao ko. Kung pwede ko lang balikan ang nakaraan siguro mas pipiliin ko nalang ang mag isa.

"Dad ang sakit sakit. Bakit ganito? Nagmahal lang naman ako eh. Minahal ko lang naman siya eh. Kasalanan ba yun? Kaya ba kinakarma ako ng ganito?"

"Anak isipin mo ang mga bagay na nangyari ngayon ay makakatulong sayo para maging mas matatag ka at maging matapang sa pagharap sa mga darating pang pagsubok sa buhay mo. Pero anak tandaan mo, wag na wag mong isara ang puso mo." Napatingin ako kay dad. Ngayon ko lang siya narinig magsalita ng ganito. "Balang araw maiintindihan mo din ako." Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"Nagdadrama na naman kayong mag-ama. Tama na yan. Pwede na kayong bigyan ng award." Sabay kaming napalingon kay mom na kakapasok palang. Lumapit sya samin at niyakap niya kami ni dad. Ngayon ko nalang uli nakita ang mga ngiti nya. Yung ngiting totoo. Lahat ng hinanakit ko sa kanila lahat naglaho nalang bigla. Masaya ako sa kanila.

"Nak, kahit ano pang mangyari at kahit ano pa ang desisyon mo. Isipin mo lang na andito lang kami ng dad mo." Sabay halik sa noo ko.

Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon