∞ Eighteen ∞

6.1K 97 0
                                    

Chandra POV :

Late nakong nagising kinabukasan. Naisip ko yung kagabi ang awkward lang ng feeling, knowing na andyan lang sya tatlong hakbang lang ang layo. Para akong hindi makahinga. Napapansin kung tingin sya ng tingin sakin pero pag tinitingnan mo naman nag-iiwas lang sya ng tingin. Kaya hindi ko napigilan na sa alak nalang ibaling ang atensyon ko. Walang nagbalak ni isa man samin na magsalita.

Naaalala kung lasing na lasing nako kagabi. Binuhat ako ni kuya papunta ng kotse. Ang alam ko bigla nalang tumulo ang luha ko. Napansin kong pinahid yun ni kuya. Napahawak ako sa dibdib ko. Unti unting bumabalik lahat yung mga masasayang bagay na pinagsamahan namin noonn. Two years? Hindi yun madaling kalimutan. Sya ang unang lalaking minahal ko at ang dahilan ng mga paghihirap ko. Ang sama mo tadhana. Kung kailan naka move on nako saka mo naman hinahayaang magkalapit kami.

Napatigil ako sa pag-iisip ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Pagbukas ko si mom kasama si dad.

"Good Morning iha. Sorry kung nagising ka namin ng dad mo. Alam mo naman na miss ka namin sobra." Humalik sila sakin.

"Ok lang po mom. Kakagising ko lang din ng kumatok kayo."

"Take some shower muna. We'll wait for you downstairs. Sabay na tayong mag breakfast."

"Ok po dad." Pagkasardo ko ng pinto. Dumiretso na din ako sa bathroom.

Pagkatapos kung mag-ayos ng sarili. Lumabas ako sa veranda ng kwarto ko. Tiningnan ko ang buong paligid wala man lang nagbago. Lahat nasa ayos parin katulad ng kwarto ko. Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim. Sana katulad nalang ako ng dati na walang nagbago pero hindi eh. Hindi ganun kadaling bumalik sa dati.

Humanda kayo Salazar, sisiguraduhin kung babagsak kayo. Masayang laro ang ibibigay ko sa inyu.ㆁ

Bumaba narin ako. Naabutan kung nasa kitchen si mom naghahanda ng breakfast, habang si dad nagbabasa ng newspaper habang nagkakape.

"Oh iha andyan kana pala. Halika na." Sabi ni mom. Si dad naman tinupi agad ang binabasa nya ng makita ako.

"Ah iha, nagkausap na ba kayo ni Kendrick?" Napatigil ako sa pagsubo dahil sa tanong ni dad. Napatingin din si mom.

"Dad wala na kaming dapat pag-usapan pa ni Ken. Tapos na samin ang lahat." At binalik ko agad ang atensyon ko sa pagkain. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nya.

"Ok." Sabi nalang ni dad. Alam kung naiintindihan nya naman ako eh.

Tahimik nalang kaming nagpatuloy kami sa pagkain.

"May gagawin ka ba later iha? Wanna go out for shopping?" Aya ni mom.

"Next time nalang mom. Marami pa kasi akong gagawin sa office." Tumingin sila pareho sakin na parang nagtatanong. "Im working with CMA Empire. I mean dito ako nilipat."

"CMA Empire?"

"Yes dad. I've been working with them simula ng maitayo ang CMA Empire. Kaibigan namin ni Nico ang anak ng CEO." Im sorry kung nagsinungaling ako. I just have to do this. Maiintindihan nyu din ako.

"I see iha. Pero if you want pwede ka naman magwork sa company natin."

"Pag-iisipan ko dad. For now hindi ko pa pwede iwan ang trabaho ko."

"Pero pag nagbago ang isip mo, sabihin mo lang anak."

"Ok dad. I will. Anyway, I have to go. May important meeting pa kasi akong pupuntahan. And promise mom babawi ako. "

"Ok iha, promise yan ha." Ngumiti sya sakin.

"Yup its a promise." Tvmayo nako at humalik sa kanila.

"Ingat ka bunso. We love you." Sabay nilang sabi. Kaya napangiti ako.

"I will. Bye. Love you both."

Umuwi muna ako sa bahay ko para makapagbihis at dumiretso sa office. I still have few more hours before ang meeting ko with A&M Corp. Seeyah later on KENDRICK MONTENEGRO.

A/N: Wala akong maisip waaaa. writer's blocked daw kasi. Ang lame talaga promise. My apology guys.

Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon