∞ Seventeen ∞

7K 113 0
                                    

Kendrick POV :

       Fvck that man. Ako dapat yun eh. Ako dapat ang kasama nya. Gusto kong manuntok ng mga oras na yun. Seeing her with that guy. Shit !

       Napahampas nalang ako sa manibela ng kotse ko at mabilis na umalis sa lugar na yun. Tch.

       "Brad, ang aga mo na naman. Consistent ka talaga pagdating sa inuman." Tch wala akong ganang makipag-usap kahit kanino.

       "Tch" Binigyan nya nalang ako ng alak.

       Hanggang gabi, inom lang ako ng inom. Iniisip ko kung kaya ko pa kaya siyang mabawi?  Kung iniisip nya na nasaktan sya pano naman ako? Dobleng sakit panga sakin eh kasi iniwan nya ako ng wala man lang paalam. Tatlong taon akong nag-antay tapos babalik syang may iba na. Fvcking Shit lang.

       Mga ilang oras pa ang lumipas. Hindi ko inaasahang makikita ko sya dun kasama si Charles. Nakatitig lang ako sa kanya. Pero napansin naman agad ni Charles. Kaya iniwas ko nalang ang tingin ko. Binaling ko nalang sa alak ang atensyon ko.

      Tahimik lang kaming uminom. Wala na din nagbalak na magsalita samin. Hanggang sa makita kung nalasing na nga si Chandra. Sino ba naman ang hindi hard yung pinili nyang inomin. Nagpaalam si Charles samin na iuuwi na nga daw nya si Chandra. Hinatid ko lang sila ng tingin hanggang sa makalabas na sila ng bar.

       Napagpasyahan ko nalang din na umuwi. Hindi naman ako lasing medyo tipsy lang. Bukas susubukan ko uli syang kausapin. Sana naman di ko na makita ang boyfriend nya. Kahit mas gwapo ako dun hindi ko naman maiwasan ang magselos.

◆◆◆

       Ah ang sakit ng ulo ko. Napahawak nalang ako sa sentido ko. Dito ako umuwi sa bahay na pinagawa ko two years ago. Ito ang lugar na gusto kung tambayan pag gusto kong mapag-isa. Ito ang lugar kung san ko gustong buoin ang masaya kung pamilya. Pero mukhang malabo ng mangyari. Pero kahit malabo hindi parin ako susuko. Hangga't hindi pa siya nakatali sa iba. Posible paring magbago ang mga mangyayari.

       Tumayo ako at dumiretso sa bathroom. Pagkatapos kung mag shower, naghanda nako sa pagpasok sa opisina. Pero bago umalis tumawag muna ako sa flower shop na pag-aari ng  pinsan ko.

◆◆◆

      "Ano'ng nangyari sa inyu sa inyu ni Chandra?" Salubong agad na tanong sakin ni Charles. Andito sya ngayon sa office ko. Pag-uusapan kasi namin ang tungkol dun sa project na gagawin namin.

      "Huh? What do you mean Aragon?" Alam kung hindi niya talaga palalampasin yung nangyari kagabi.

      "Paliwanag mo yung mga titigan nyu nang kapatid ko kagabi."

      "Pinuntahan ko kasi sya kahapon. Nakita kong sinundo siya nong boyfriend niya."

       "So, nagseselos ka?"

       "Tch ! Sino ba namang hindi. Pero hindi ako susuko. Mahal na mahal ko ang kapatid mo."

       "Well, good luck nalang Montenegro. Mahigpit ang kalaban mo. Mas matagal ang pinagsamahan nila ng kapatid ko."

       "Sa huli alam kung ako parin ang pipiliin nya. Nakikita ko sa mata niya nya na mahal nya parin ako." Napangiti nalang si Charles.

       "Sabi mo eh. Anyway, di ba bukas na naka set ang meeting mo with CMA Empire? Sana magustuhan nila ang proposal natin." Naalala ko yung last time na nakita kung magkausap si Chandra at ang matandang Salazar.

Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon