∞ Six ∞

9.7K 191 0
                                    

Chandra POV :

Ito ako ngayon nakatingin sa kawalan. Nakauwi na kami dito sa bahay pero feeling ko wala akong kalayaan. Hindi ko mapigilan na umiyak at kaawaan ang sarili ko. Isa nakong walang silbi, pabigat at higit sa lahat walang kwenta. Ang tingin ko sa sarili ko ngayon ay isang patapon nalang.

Pinilit kong tumayo pero hindi ko maigalaw ang mga binti ko. Pero pinilit ko padin. Kasabay ng mga luhang bumabagsak mula sa mata ko ay ang pagbagsak ko sa wheelchair. Napasigaw nalang ako habang umiiyak.

Pumasok si Patricia sa kwarto ko. At patakbong lumapit sakin. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Sana namatay nalang ako. Sana hindi nalang nangyari to. Sana hindi ko naranasan ang maging walang silbi."

Hindi narin napigilan ni Patricia na mapaiyak habang yakap ako. "Shhh Chan, wag ka naman magsalita ng ganyan. Andito pa naman kami. Tutulungan ka namin. Makakapaglakad ko uli ok. Kaya tahan na."

"Pat. Sana nakinig ako sayo nun. Sana hindi nangyari sakin to. Pero ano bang magagawa ko mahal ko siya eh. Makikipagbati na naman sana ako di ba bakit niya nagawa sakin yun? Ang sakit Pat. Ang sakit sakit. Naging triple pa yung sakit dito." Hinampas hampas ko ang dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko mag hysterical. Ganito ako lage. Binigyan ako ni Patricia ng pangpapakalma. Pagkatapos nun, dahan dahang ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ng mga luhang bumagsak sa pisngi ko.

Patricia's POV :

Awang awa nako kay Chandra. Hindi niya deserved ang ganito. Masyado siyang mabait para danasin ang mga paghihirap niya ngayon. Kung pwede ko lang akuin ang mga sakit na nararamdaman niya sa loob niya ginawa ko na. Hindi ko mapigilan.ang mapaiyak.

"Pangako Chan. Pagbabayaran nila ang ginawa nilang to sayo. Kaya please tulungan mo ang sarili mo wag mong ipakita sa kanila na panalo sila."

Kailangan umpisan ko na ang balak ko.

"Hello Mr. Rivero? Nakuha nyo na ba ang mga information tungkol sa kanila? Ok sige. Dadaanan ko nalang diyan mamaya sa office niyo."

Tiningnan ko muna si Chandra bago lumabas ng kwarto niya.

Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon