∞ Nineteen ∞

6.3K 113 2
                                    

Chandra POV :

I was wearing my fitted white dress, kitang kita ang curves ko. Pinatungan ko naman ng red blazer. And I choose to wear my 6inch red stiletto and a red lipstic. I tied up my hair in pony tail style. They can say na fierce akong tingnan sa hitsura ko. Pinaghandaan ko to talaga. And I'll make sure na kaya ko siyang harapin na hindi apektado ng presensya nya.

Pagpasok palang ng A&M Corp agaw atensyon nako. Lumapit ako agad sa information desk. Para itanong kung san ang office ng CEO. Hinatid naman ako ng isang empleyado sa 25th flr. Sinalubong naman agad kami ng Secretary niya.

"This way ma'am." Nakangiting sabi ng secretary.

"Thank You." Seryosong hingi ko ng salamat. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago binuksan ang pintuan.

"Come in." Sabi ng nasa loob ng opisina. Alam kung boses nya yun. Pero kinalma ko ang sarili ko. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.

Pagpasok ko nakayuko pa siya, busy sa pagbabasa ng papeles. Para makuha ang atensyon niya nagsalita nako.

"Good Afternoon Mr. Montenegro." Halatang nagulat siya, kaya mabilis na napaangat siya ng mukha.

"Chandra? What are you doing here?" Takang tanong niya.

"Im here in behalf of CMA Empire." Yung mukha niya parang di niya alam ang gagawin.

"I-I see. Anyway this way please." Sumeryoso naman ang boses niya. Sumunod lang ako sa kanya. May pinindot lang siya tapos bumukas na ang pinto. Hindi mo aakalaing may sekretong pintuan pala dun. Bumungad samin ang conference room. Sabay naman na umangat ng tingin si Kuya Charles at yung dalawang babaeng kasama niya ng makita kami. Yung isa sekretarya ni Kendrick, malamang yung isa secretary ni Kuya Charles.

"Chandra? What are you doing here? Ba't magkasama kayo?" Mukhang nagulat yung dalawang babae. Lumapit si kuya Charles sakin at nagbeso. Bago pa'ko nakapagsalita naunahan nako ni Kendrick.

"She's here for CMA Empire. Napatingin si kuya kay Kendrick. Kaya nagsalita na din ako.

"Yes, his right. So shall we start?" Mukhang natauhan naman sila sa pagkagulat.

"Anyway, have a seat Ms. Aragon." Nasa gitna si Kendrick. Ako naman nakaupo sa upuan na kaharap si kuya Charles. Yung dalawang secretary katabi naman ni kuya.

◆◆◆

Matapos ang isang oras natapos din ang meeting. Well, syempre maganda ang kinalabasan. Hindi naman dahil kapatid ko isa sa may-ari ng A&M Corp. Na close ang deal dahil maganda ang proposal nila sakin. And gusto kung makita ang galit na mukha ni Mr. Salazar.

Nauna ng lumabas ang dalawang secretary. Naiwan kaming tatlo. Inayos ko na ang mga papeles sa harap ko. At sinukbit ang bag ko.

"Sis?" Alam kung gustong itanong ni kuya kung bakit ako ang andito at hindi ang CEO ng CMA Empire.

"If you want to ask kung bakit ako ang andito Mr. Aragon. Well, let's just say na pinagkakatiwalaan ako ng CEO . Kung ano man ang desisyon ko, yun din ang desisyon nya. She does'nt matter. Buo ang tiwala niya sakin. "

"Pero malaking desisyon at malaking halaga ang pinag-uusapan dito Sis." Sabi ni kuya.

"Well, let's not talked about that. Ang importante maganda ang resulta. Right?" Tumahimik nalang si kuya ng makitang seryoso lang ang mukha ko. "Anyway, I have to go. I still have some important meetings to attend."

Woman In Fierce (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon