TD'SP 6

42.1K 818 12
                                    

Chapter 6:

Third Person's POV.

Sa opisina kung saan tahimik at seryosong nagbabasa ng mga papeles si Mr. Wurzel. Nakakunot ang noo at taimtim na nagbabasa.

Isang katok ang gumambala sa ginagawa ni Mr. Wurzel.

"Come in" malamig na tinig ni Mr. Wurzel.

Pumasok ang isang lalaking nakacorporate attire at may hawak na folder.

"Oh! Bro iyan na pala yung information na kailangan mo" bungad ng lalaki at agad na binigay dito ang kanyang hawak na folder.

"Grabe! Wala man lang thank you?! Nakakahurt ka naman!" Madamdaming ani ng lalaki na may pahawak hawak pa ng kanyang kaliwang dibdib na wari ay nasasaktan.

Ngunit pawang walang narinig ang binata at nagpatuloy lang na nagbabasa ng mga impormasyon tungkol sa kanyang reyna....

Nang matapos magbasa ay binaba nito ang hawak na folder na may ngiseng nakapaskil sa kanyang labi.

Nanindig ang balahibo ng lalaking nasa harap ng binata. Para sa kanya ay hindi maganda ang binabalak nito. Ngunit hindi siya pwedeng tumutol kung hindi ay mamamaaalam ng wala siya sa oras.

"Be ready. Prepare everything, We will get My Queen" utos ni Mr. Wurzel. Tumango naman ang lalaki at agad na lumisan.

Nang makalabas ang lalaki ay napakamot nalamang sya sa kanyang ulo.

"Inlababo na yata ang gagong iyon! Putek! Sana mabawasan sama ng ugali nya! Di manlang nagthank you?!" Untag nya sa sarili habang naglalakad.

Sa kabilang dako, Nang makaalis ang lalaki sa opisina nya ay binalik nya ang tingin sa litrato ng babae. Nakapaskil sa kanyang labi ang ngise ng isang demonyo.

Iniisip niya kung anong gagawin nya sa reyna sa oras na makuha niya ito.

Sa pag-iisip ay hindi niya maiwasang masabik.

sabik na maangkin ang dalaga. Makuha ito. Maangkin ang puso at katawan ng dalaga.

Allysha's POV.

Unang araw ng pasukan. Araw kung saan nakakakilala ang mga estudyante ng bagong kaibigan.

Kung sana'y nandito lang ang aking kaibigan. Ngunit wala na akong naging balita sa kanya simula ng mamatay ang aking mga magulang.

Nabalik ako sa kasalukuyan ng may umupo sa aking tabi. Hindi ko ito pinansin dahil hindi rin naman ako gaano kasocialize sa ibang tao.

"Hi! Ako pala si Lizelyn Malvarioes" ani ng aking katabi at saka nya nilahad ang kanyang kamay. Tiningnan ko ito at tinanggap.

"Allysha Heilig" nakangiting ani ko sa kanya.

Nagulat ako ng tumili ito.

"Ang gondo mo naman! Kakainggit!" Nakangusong ani niya. Napatawa naman ako ng mahina sa kanyang inasta.

Natapos ang isang buong araw na naging masaya ako. Dahil narin kay Lizelyn. Napakabait niya at masayahin.

"Bye Allysha! Bukas ulit!" Paalam ni Lizelyn sakin at kumaway ito sakin.

Kumaway nalang ako bilang tugon at nagsimula ng maglakad. Malapit lamang ang bahay namin ni Tita Mommy kaya mas ginusto ko na maglakad na lamang.

Habang naglalakad ako'y nasagi sa aking isip ang aking mga nabasang artikulong naglalaman ng imporamasyong tungkol kay Mr. King Wurzel. Sa Lalaking naglitas sakin.

Ngunit saking pag-iisip ay nagulat na lamang ako ng may humawak sa magkabila kong braso. Sinubukan kong magpumiglas ngunit may nagtakip sa aking bibig at ilong ng isang panyong may kung anong amoy.

Pinilit kong labanan ang antok ngunit agad ding nagdilim na ang aking paningin.

The Demon's Possession (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon