TD'SP 14

33.2K 677 6
                                    

Chapter 14:

Third Person POV

Tila Tumigil ang mundo ni Allysha nang marinig niya ang hindi inaasahang kondisyon ng binata.

Nang maproseso ng dalaga ang sinabi ni King ay agad siyang lumayo dito habang umiiling.

"Ayoko! H.. Hindi ako papayag!" mariing tanggi ng dalagita, ngunit agad na napahinto ng makarinig ng isang sigaw.

Isang sigaw mula sa kaniyang tiya...

Isa sa mga lalaking naka itim ay may hawak na matalim na bagay at sinusugatan ang pulsuhan ng kanyang tita mommy.

" T.. Tita Mommy.."

Humarap ang dalaga sa lalaking ngayo'y walang ekspresyong nakatingin sa kaniya.

Nanginginig na Humawak siya sa kamay ng binata at mariing tumingin dito na may bahid ng pagmamakaawa.

"King.. P.. Please.. T.. Tigilan mo na ito. P.. Pakawalan mo na si t..Tita M.. Mommy. Pakawalan mo na k.. Kami" nahihirapang sambit ng dalagang si Allysha dahil narin sa pag iyak nito.

Sumenyas si King sa lalaking sinusugatan ang kanyang tiya, agad naman itong tumigil at bumalik sa pwesto.

"H.. Hayop ka! K.. Kagaya ka lang ng A.. Ama mo!" sigaw ng kaniyang tiya na halos mawalan na ng ulirat.

Namumutla narin ang kulay ng balat nito dahil sa mga kakulangan sa dugo.

Ngunit hindi iyon binigyang pansin ni King bagkus ay hinaplos niya ang pisngi ng kaniyang mahal na reyna.

"I can let your Auntie live, My Queen. But you need to marry me." mahinahong sambit ng binata sa dalaga.

Mahinang humikbi ang dalaga at yumuko.
Ayaw niya sa kagustuhan nito ngunit paano ang tiya niya? Hahayaan niya na lamang bang kunin ng walang pusong binata ang buhay ng taong nagaruga sa kanya?

Napatingin siya sa binata ng akayin siya nito sa isang sofa sa loob ng opisina nito.

Sa lamesa roon ay May roong papel doon at isang baril. Naguguluhang tumingin siya sa binata.

"Choose My Queen. You will sign that marriage certificate and I will let your Auntie go or I won't force you to sign that but you will be the one to kill your Auntie"

Lalong napaiyak ang dalaga sa saad ni King.

Dalawang bagay ang kaniyang nasa harapan ngayon.

Ang papel kung saan matatali siya ng panghabuhay sa demonyo't kapalit noo'y kalayaan ng kaniyang tita mommy...

At ang baril kung saan ay makakalaya siya ngunit kapalit noon ay ang buhay ng kaniyang tiya..

Dalawang bagay kung saan nakasalalay sa kaniya.

Ano ba ang mas nanaisin niya. Ang maging malaya sa kamay ng demonyo o ang buhay ng nagiisang mahal niya sa buhay?

Tumingin siya sa kaniyang tiya na ngayo'y may nagsusumamong mukha.

"Wag Ija.. W... Wag kang magpapatali sa D.. Demonyong iyan! P.. Patayin mo na l...lang ako!" umiiyak na sambit ng kaniyang tita mommy.

Ngunit ngumiti nalang siya rito at umiling.

'Mas nanaisin kong isakripisyo ang kalayaan ko, mabuhay ka lang Tita Mommy'

Kinuha niya ang papel at agad itong pinirmahan.

Dahan dahan niyang ibinaba ang papel at tumingin sa kaniyang tiya.

She mouthed 'sorry tita mommy' ngunit inilingan lang siya nito na pawang hindi nito nagustuhan ang pinili ng dalaga.

Tumayo si King at hinatak rin si Allysha patayo pagkakuwan ay pinulupot ang mga braso sa maliit na bewang ng dalaga.

"At last. You're officially mine, My Queen"

Naglakad sila patungo sa pintuan at bago pa makalabas ay isang salita na sinambit ng kanyang tiya ang naging katanungan sa isipan ng dalaga...

"Huwag mo siyang idamay sa kahayupan nyo ng iyong Ama, Wurzel. Pinatay ninyo ang magulang niya ngayo'y pati si Allysha ay papatayin mo! Mapapahamak lang siya sayo! Kagaya ng ipinangako mo sa mga magulang niya!"

The Demon's Possession (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon