Chapter 12:
Allysha's POV
Minulat ko ang aking mga mata ng masinagan ng araw ang aking mukha galing sa bintana. Umaga na pala. Pinalibot ko ang aking tingin sa kwarto.
Wala sa sariling Napangiti ako. Sa wakas, nakabalik narin ako sa tunay kong bahay. Sa pamilya ko, kay Tita Mommy.
Napatingin ako sa may pintuan ng bumukas ito at dumungaw ang taong pinakanamiss ko.
"Tita Mommy!" may galak kong salubong sa kaniya.
Lumapit siya sa aking pwesto at niyakap ako.
Napaluha ako sa sobrang saya, matagal akong nangulila sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit ninais kong umalis sa puder ni King.
"Namiss kita Tita Mommy *sob*"
Marahan niyang hinaplos ang aking buhok.
Gumagaan ang aking pakiramdam sa tuwing gagawin niya iyon."Namiss kita ng sobra Ija. Hindi mo alam kung gaano ako nagalala ng mawala ka. Ilang araw akong hindi makatulog dahil sa pagkawala mo. Araw araw nagdadasal ako sa diyos na sana'y ibalik ka niya. Salamat sa diyos, binalik ka niya sakin" maluha luhang saad niya habang mahigpit na nakayakap sakin.
Napaiyak nalamang ako. Hinayaan kong mamayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Tita Mommy. Ngunit alam kong masaya kaming dalawa dahil nagkita na kami, subalit parang may kung anong kulang sa puso ko ngayon.
May nawawala parin sa aking puso ng bumalik ako dito. May isang bahagi sakin ang nalulungkot dahil hindi ko na makikita muli si King at ang isang bahagi ay masaya dahil sa wakas ay nakaalis na ako sa puder niya.
Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ganito? Dapat ay matuwa ako dahil nakabalik na ako pero hindi ko alam.
Nalilito ako.
***
Nandito ako ngayon sa eskwelahan at naghihintay ng pagdating ng susunod na guro. Napagdesisyonan kong humabol dahil sa tagal kong hindi nakapasok dahil sa pagkidnapp niya sakin, At hanggang ngayon ay nababagabag parin ako dahil sa kalituhang nararamdaman ko.
May pagkakataong hinahanap ko ang presenya ni King, Minsa'y iniisip ko kung anong nangyari sa kanya magmula ng Umalis ako.
Simula ng makita ko si King noon sa bar ay nagulo ang isipan ko. Pati nararamdaman ko ay nagugulo.
Ang nararamdaman kong ito, hindi ko mawari. Nakakapanibago. Nakakalito.
Dahil sa aking pagninilay nilay ay nagulat ako ng may sumigaw sa aking harapan.
"ALLYSHA?!"
Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko. May iilang napatingin sa amin.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Ramdam kong namiss niya ako.
"Lizelyn..." banggit ko sa kanyang pangalan.
"Bakit ngayon kalang pumasok? Anong nangyari sayo?!"
Napangiti ako sa kanyang ekspresyon ngayon. Kahit isang beses lang kaming nagkasama noon ay pawang tunay na magkaibigan na ang turing niya sa akin.
"Mahabang Kwento, Lizelyn"tanging sagot ko ngunit napakunot ang aking noo ng makita ang mga mata niyang namumugto.
"Lizelyn, anong nangyari sayo? Bakit namamaga ang mga mata mo?" tanong ko sa kaniya. Napatigil naman ito sa pagsasalita at umiwas ng tingin sa akin.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Kahit hindi kami matagal na magkakilala ay nagaalala parin ako para sa kaniya.
"Anong nangyari? May problema ka ba? Pwede mo akong pagsabihan ng problema mo"
Napangiti ako ng tumango siya sa akin.
.
.
Nang matapos ang klase ay pumunta kami sa hardin ng aming eskwelahan. Ikinuwento niya sakin ang nangyari sa kaniya simula ng mawala ako.Nakaramdam ako ng labis na awa habang nagku-kwento siya lalo na't umiiyak pa siya.
Agad ko siyang niyakap at sa aking balikat ay umiyak siya.
Hinayaan ko lamang siya hanggang sa humupa na ang kanyang nararamdaman.
"Salamat. You're the nicest person I've ever met. Kaya gusto kitang maging kaibigan e."
Ngumiti ako sa kanya. Ang isang katulad niya ay masasabi kong tunay na kaibigan.
"Ako rin Lizelyn, Masaya ako at nakilala kita at masaya ako na magkaibigan tayo" ani ko.
Ang mukha nya ay umaliwalas at agad akong niyakap.
"Wahhh! Thank you! Simula ngayon Best Friend na kita!"
"Wag ka na malungkot ha?, Hindi worth ang lalaking iyon sa mga luha mo, Hinayaan niya ang isang mabait na tulad mo na mawala."
Nang nasa harap na akong ng gate ng bahay namin ay hindi ko maiwasang mapangiti. Parang hindi nagdaan si Lizelyn sa problema dahil sa naging kilos niya kanina. Tuwang tuwa siya at napakasaya. Sana'y makalimutan na niya ang lalaking umiwan sa kaniya.
Nang makapasok ako'y laking pagtataka ko ng tahimik ang buong bahay. Nasaan laya si Tita Mommy?
Nilibot ko ang bahay ngunit walang tao.
Nakaramadam ako ng kaba. Ngunit iwinaski ko na lamang naman ang kabang nararamdaman ko.
Pumunta ako sa aking silid. Napakunot ang noo ko ng makita ang isang liham dito.
Ngunit ng aking buksan ang nilalaman noo'y ang kabang aking naramdaman ay mas lalong lumala. Ang takot ay tumubo sa aking puso.
Naiiyak akong napaupo sa kama habang paulit ulit na nagbabalik sa isip ko ang nakalagay sa liham.
'I told you not to escape My Queen, I' ve warning you ever since but you didn't listen. You really want everyone to die huh? Then it will be. Back to me My Queen or your beloved Auntie's dead body will be in your hands.'
![](https://img.wattpad.com/cover/154090823-288-k770480.jpg)
BINABASA MO ANG
The Demon's Possession (Complete)
RomanceHe's a Heartless. A demon. He can kill anyone. He can control anyone. No one can tame him. No one know his true identity. His secrets. His Darkest Secrets that no one knows. Pero paano kung isang gabi ay makilala niya. Ang babaeng kanyang kahuh...