Chapter 10:
Third Person POV :
Sa oras na iyon, binalot ng galit ang buong pagkatao ng binata. Galit at sakit ang tanging nararamdaman ng binata habang nakatingin sa kahong pinadala sa kanya. Ang kahong may labi ng kanya ng amang si Mr. Louiaso.
Agad nagpatawag ng katulong ang binata. Pumasok naman ang isang lalaking nakaitim.
"Find that fucking bastard who fucking kill my father!" sigaw niya na lumukob sa buong silid.
Agad na tumango't umalis ang lalaking nakaitim.
Napupuyos sa galit ang binata sa kinahinatnan ng kanyang ama.
Sisiguraduhin niyang papatayin niya kung sinoman ang demonyong nagtangkang lumaban sa kanya.
Allysha's POV.
Kinaumagahan ay nagising ako ng maramdaman Kong parang may humahalik sa aking batok. Hindi ko na sana papansinin ng maramdamanan Kong Hindi na lang basta paghalik ang ginagawa sa aking batok. Bagkus ay may kasama na itong pagsipsip sa aking balat na aking ikinasinghap.
Alam Kong isang tao lamang ang kayang gumawa sa akin nito. Ang aking katabi. Si King.
Laking gulat ko ng iharap niya ako at ipinagpatuloy ang paghalik at pagsipsip sa aking leeg.
Muling Kong nararamdaman ang kakaibang sensasyong aking naramdaman ng unang mapunta ako dito at unang muntikan niyang pag-angkin sa akin.
Sa kanyang ginagawa ay ma's lalo akong nawawala sa ulirat. Natatangay sa makamundong pagnanasa.
"K... King.. A.. A hmm" mahinang sambit ko.
Ngunit laking dismaya ko ng ilayo at itigil na niya ang kanyang ginagawa. Namula ako sa aking naisip.
"Let's eat My Queen" turan niya at inilalayan niya ako papasok sa banyo. Nakakapagtaka, bakit parang nag-iba ang Turing niya sa akin?
Kahit na nagtataka ay pinagsawalang bahala ko muna ang aking mga agam agam.
Nang matapos ako at agad kaming bumaba at pumunta sa hapagkainan. Nakakamangha ang Lugar. Elegante at mahahalatang parang maharlika ang nakatira.
Nauna na siyang umupo na aking ikinadismaya. Akmang uupo na ako sa isang upuan ng ako'y kanyang hatakin papunta sa kanyang kandungan.
Kanyang pinulupot ang kanyang kaliwang braso sa aking bewang upang siguro'y hindi na ako umangal pa.Agad siyang kumuha ng mga masasarap na putaheng na sa mahabang lamesa.
Kanyang inilapit ang kutsara sa aking bibig. Nakuha ko naman ang nais niyang iparating, agad Kong sinubo ang laman ng kutsara at marahang nginuya ito, ninanamnam ang Sarap ng pagkain.
Matapos niya akong kumain ay laking gulat ko ng ako'y kanyang buhatin ng pangkasal.
Dinala niya ako sa banyo ng kanyang kwarto. Inupo ako sa ibabaw ng lababo at ng tangkang itataas ang laylayan ng aking blusa ay agad ko itong pinigilan.
"A...ako na" mahinang sambit ko sa kanya.
Tumango siya ngunit nandun lang at nakatingin sa akin.
Nahihiyang tinawag ko ang kanyang pangalan.
"King... C..can you get out?" lakas loob Kong tanong.
"No. Let's take bath together"
Huh? Tama ba ang narinig ko? Sabay kaming maliligo?
"Don't worry I won't take advantage to you my queen."
Natapos kami'y pasalamat ko na tinupad niya ang kanyang pangako. Nakakahiya Dahil siya pa talaga ang nagsabon at nagbanlaw ng aking katawan. Siya lang ang tanging lalakeng nakahawak sakin ng ganito.
Nang magtanghali ay umalis na si King. Hinabilinan lamang ako at saka lumisan.
Ngayo'y nagbabasa lamang ako ng mga nakita kong libro ng may katok akong nadinig.
Agad akong napalingon dito at pumasok doon ang isang matandang katulong na may hawak na tray ng pagkain.
Nais ko mang kausapin siya tungkol sa katulong na pinatay ni King ay nanahimik na lamang ako. Baka mangyari na naman iyon at ayokong may mamatay ulit ng Dahil sa akin.
Wala man dito si King ay alam kong alam niya ang bawat kilos ko kaya't kailangan kong maging maingat.
Inilagay niya lamang iyon sa lamesa sa tabi ng kama at agad na umalis.
Lumapit ako dun at kinuha iyon ngunit may isang nakapukaw sakin. May nakaipit na maliit na lapel sa ilalim ng baso.
Agad ko itong kinuha at binasa.
'Tutulungan kitang makalabas sa mansyong ito. Mamayang als-tres ng madaling araw ay Lumabas ka ng iyong silid. Hihintayin kita sa kusina'
Nang mabasa ko ang nasa kapirasong papel ay nagkaroon ako ng pag-asa.
Sa wakas. Makakabalik na ako sa amin.
Third Person POV :
Kinagabihan ay nagising si Allysha at tiningnan ang orasan sa tabi niya. Maga-alas tres na ng madaling araw.
Dahan Dahan niyang inalis ang nakapulupot na braso ni King sa kanyang bewang. Nanalanging wag magising ito, laking pasasalamat niya ng maalis niya ito at dahan dahang Lumabas ng kwarto ng binata.
Tahimik na binaybay niya ang mansyon hanggang sa makapunta sa kusina. Agad niyang nakita ang isang pigura ng tao.
Lumapit siya dito at nakumpirma niyang ito ang matandang katulong."Itatakas kita dito Ija, Hindi ka nararapat sa lugar na ito" mahinang sambit ng matandang katulong.
Hinatak siya nito sa likod ng mansyon. Sa likod na iyon ay puro dingding lang ang makikita. Nagtaka ang dalaga ngunit laking gulat niya ng itulak ng matanda ang pader at iyon ay gumalaw.
Para itong mapanlinlang na daan.
Agad silang nagtungo sa nagbukas na pader at gulat na napalingon sa matanda ang dalaga.Paanong nasa labas na sila ng mansyon?
Agad na kinuha ng matanda ang kamay ng dalaga at binigyan ito ng maliit na hala ha ng pera.
"Umalis ka na dito bago pa magising ang demonyo."ani ng matanda.
Nais man magtanong ng naguguluhang dalaga ay tumango na lamang ito at agad na lumayo sa mansyon.
Kinaumagahan, Isang galit na demonyo ang nasa sala kaharap ang matandang katulong.
Blanko man at walang ekpresyon ang mukha ni King ay makikita sa aura nito ang aura ng demonyo.
Sa labas ay mahinahon ang ipinapakita ng binata ngunit sa loob niya ay napupuyos sa galit na demonyo na gustong pumatay. Patayin ang matandang tumulong na makatakas sa kanyang reyna.
Takot man ay naglakas loob na magsalita ang matandang katulong.
"Hindi mo siya maaring angkinin. Demonyo ka! Wala kang puso! Hayaan mo na ang dalagang iyon!" sigaw niya sa kaharap na binata.
Ngunit hindi inaasahan ng matanda ang sumunod na nangyari.
Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong mansyon.
Sa sentro ng noo ng matanda tumama ang Bala na pinakawalan ng Binata.
Bumulagta ang kaawa awang matanda sa marmol na sahig ng mansyon.
"No can tell me what I need to do. My queen is mine and no one can stop me from owning her."
BINABASA MO ANG
The Demon's Possession (Complete)
RomanceHe's a Heartless. A demon. He can kill anyone. He can control anyone. No one can tame him. No one know his true identity. His secrets. His Darkest Secrets that no one knows. Pero paano kung isang gabi ay makilala niya. Ang babaeng kanyang kahuh...