Chapter 19.
Sa kwarto kung saan ang dalagang si Allysha ay ngayo'y inaayusan ng isang propesyonal na make-up at hairstylist ay hindi maiwasang mapangiti at manabik sa mangyayari sa kaniya ngayong gabi.
'Sa tanang ng aking buhay, ay hindi pa ako nakakaranas na makadalo sa isang malaking party'
Nagitla ang dalagang si Allysha ng marinig ang isang tili sa kaniyang gilid. Sino ba iyon?
Kaniyang nilingon ang kaniyang kaliwa ng makita ang isa sa mga nag ayos sa kaniya ay nakahawak sa mga pisnge nito at nakangiti sa kaniya.
"Bakit?" tanong ng dalaga rito.
Lumapit ang babae sa kaniya ngunit tumigil ulit at nagtatatalon. Napangunot naman ang noo niya dahil sa inasta nito.
Bakit ba siya ganyan? May mali ba sakin?
"You are a piece of art. Your so gorgeous, Madam" ani nito sa kaniya.
Siya? Paano magiging piece of art sya. Napapailing nalang siya habang unti unting humarap sa salamin dahil alam niyang hindi siya maganda. Ngunit laking gulat niya ng pagharap dito ay hindi niya makilala ang dalagang nasa salamin.
'Is this me?'
Napaawang ang kaniyang labi sa nakikitang repleksyon sa salamin. Hindi niya maisip na may gandang taglay pala siya. Tama nga ang babae. Isang uri ng art ang kaniyang kagandahan.
Niyakap siya ng mga ito dahil sa di mawaring mukha ng mga ito. Dahil sa kalituhan ay nagtanong ang dalaga.
"Bakit tuwang tuwa kayo?" tanong niya sa mga ito.Hinawakan ng isang bakla na nagayos sa buhok niya kanina ang kaniyang mga kamay.
"Kasi Madam, Ikaw ang magiging tulay namin upang sumikat" nakangiting untag ng bakla.
Nalilitong tiningnan niya ito. Ngunit mas lumawak ang ngiti nito sa mga labi.
"Binigyan kami ng opportunity ni Mr. Wurzel. At kung makapasa kami ay tutulungan niya kaming makilala sa buong mundo bilang magaling na hair and make up stylist." pagpapaliwanag sa kaniya ng babae.
Bago man makasagot ang dalaga ay bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa non ang isang demonyo. Demonyong nakasuot ng mamahaling damit na bumagay sa tindig at tikas ng katawan nito. Nagmukhang isang Zeus ang nasa harapan ng dalaga.
Kung hindi lang siguro alam ng dalaga ang tunay na katauhan ng binata ay siguradong nagtitili niya siya ngayon dahil sa kagwapohang taglay nito.
Pawang bumagal ang pagkilos ng mga bagay bagay habang naglalakad ang binata palapit sa kaniya . (in short slow motion)
Nang makalapit ito sa dalagang si Allysha ay agad na pinulupot ang matitipunong braso nito sa balingkinitang katawan ng dalaga at dinampian ng isang halik sa labi.
Inilapit ng binata ang kaniyang mukha sa leeg nito at bumulong.
"Your beautiful, My Queen" ani ng binata. Namula naman si Allysha dahil sa papuri sa kaniya ng binata.Binalingan naman ni King ang dalawang nagayos kay Allysha at umayos ng tindig.
"I will recommend the two of you to my friend in America" ani ng binata at agad na hinila ang dalaga palabas ng silid. Rinig na rinig pa niya ang kasiyahan ng dalawang nag-ayos sa kaniya.
Napatingin sya sa lalaking kasama at wala sa sariling napangiti.
'Kung isa ka ngang walang pusong demonyo, bakit mo ito ginagawa?'
Pagkalabas ng mansyon ay isang sasakyan ang nag-iintay sa kanila. Pagpasok nila sa sasakyan ay agad na ipinulupot ni King ang mga braso sa bewang ng dalaga at walang pasabing sinakop ang bibig nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/154090823-288-k770480.jpg)
BINABASA MO ANG
The Demon's Possession (Complete)
RomanceHe's a Heartless. A demon. He can kill anyone. He can control anyone. No one can tame him. No one know his true identity. His secrets. His Darkest Secrets that no one knows. Pero paano kung isang gabi ay makilala niya. Ang babaeng kanyang kahuh...