TD'SP 18

33.1K 510 11
                                    

Chapter 18:

Habang iniikot ang paningin sa buong bulawagan kung saan gaganapin ang isang malaking party ay hindi maiwasan nang binata na mapangisi sa sobrang pananabik.

Ang kaganapang ito ang magiging tulay upang maisagawa niya ang plano niya.
Ang planong mapabagsak ang demonyong si King Wurzel.

Ang pagdaraos na ito ay kaniyang pinlano, pinaghandaan, binusisi at inisip ng mabuti.

Dahil hindi lamang isang pagdidiriwang ito, Ito ang pagdidiriwang kung saan magiging katapusan ng lalaking kaniyang nais na mawala na sa mundong ito.

Nang dahil sa King Wurzel na'yon ay sana siya ngayon ang nasa tuktok, Sya sana ang namumuno sa buong underworld.

Ang mundo kung saan ang namumuno ay mga mafias.

Sa mundo kung saan makikilala ang isang tao sa dami ng napatay na inosente at mataas na tao sa lipunan.

Sa lugar kung saan ang illegal na gawain ay ang pangunahing ginagawa.

Kung sana ay namatay nalamang ito kasama ng kanyang walang pusong ama sa isang aksidente. Sana ay namatay nalang ang binatang si King dahil sa pagsabog ng sinasakyan ng ama nito.

Ngunit hindi nangyari iyon na mas lalong nagpagalit sa binata.

Kung dati ay inggit lamang ang dahilan ng kaniyang paghihiganti ngayo'y hindi na. Dahil sa ginawa nito sa kaniyang ama, nabuhay muli ang galit na gustong kumawala sa kaniyang dibdib.

Kagaya lang niya ang Ama niya! Mga demonyo sila! Mga walang pusong demonyong nag-anyong tao!

Muling bumalik sa isipan niya ang pinakamasalamuot na pangyayaring hindi niya aakalaing mararanasan niya sa mga taong magpapakita sa kaniya ng tunay na kulay ng mundo sa murang edad pa lamang.

Masaya silang dalawa nang kaniyang ina na namamasyal sa isang parke isang hapon. Hawak hawak ang kamay ng kaniyang ina habang nililibot ng tingin ang parke. Luntian ang kulay nito dahil narin sa mga puno at halaman ang mayabong na tumubo sa parkeng iyon. Mga batang kagaya niyang tuwang tuwa sa kagandahan ng lugar na iyon, Mga tindero ng sorbetes at lobo na nagpapaingay ng mga maliit na kalembang upang makakuha ng pansin sa mga taong nasa parke.
May mga nagpi-picnic, naglalaro, kumakanta, sumasayaw, at masayang nakukuwentuhan sa bawat sulok ng parke.
Hawak hawak ang kamay ng inang lumapit sila sa isang tindero ng sorbetes.

Kaniyang tiningnan ang ina upang ipahiwatig ang nais niya. Natawa naman ang ina niya sa pagpapacute nito.

"Anong gusto mong flavor baby?" nakangiting tanong ng kaniyang ina.

"Chocolate po Mommy!" masayang sagot nito sa ina.

Agad ding bumili ang ina ng sorbetes. Tuwang tuwa at halos mapatalon na sa tuwa ang bata ng makita ang sorbetes na may flavor na tsokolate na kaniyang favorite. Agad na Kinuha sa kamay ng inang tuwang tuwa sa ekspresyon ng bata.

Agad iyong kinain ng batang lalaki ngunit agad na napatigil ng mapansing nakatitig sa kaniya ang ina. Kaniya itong nilapitan at tinawag.

"Mommy, gusto mo po?" pag-aalok niya sa ina sa sorbetes niya na ngayo'y medyo natutunaw na sa maliit niyang kamay.

"No Baby, it's for you" ani ng ina at kumuha ng pamunas upang linisin ang maliliit niyang kamay na nalagyan ng na tunaw na sorbetes at ang mukha nitong halos madungis na dahil sa makalat nitong pagkain.

Tumango ang batang lalaki sa ina at masayang bumalik sa pagkain ng sorbetes nito. Nang matapos ang bata sa pagkain ay nagpaalam siya sa inang maglalaro lamang sa palaruan na naroon mismo sa parkeng iyon.

The Demon's Possession (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon