Chapter 26:
Naalipungatan ako sa ingay na aking mga naririnig. Pawang nagkakatuwaan at nagkakasiyahan ang mga boses na aking naririnig. Aking minulat ang aking mata at unti unting inaninag ang lugar na kinaroroonan ko.
Madilim.
Agad na umusbong ang takot sa aking puso at isipan. Bumalik sa aking alaala ang nangyari bago ako mapunta rito. Barilan, Mga patay na bantay ko... At ang pagdakip ng kung sino sa akin.
Ngayon ay nagsisisi ako, Sana'y hindi nalang ako umalis sa mansion. Sana hindi ko pinangunahan at pinairal ang sakit sa puso ko. Sana ngayo'y ligtas pa sana ako.
"Oh! Gising na pala ang mahal na reyna!"
Rinig kong sambit ng kung sino at napuno muli ng halakhakan ang buong paligid. Hindi ko sila makita. Tanging nakatapat na ilaw sa akin lang ang tanging naririto.
"S-sino kayo?! Pakawalan ninyo ako!" pagmamakaawa ko ngunit imbis na gawin nila ang nais ko ay mas lalong lumakas ang nga halakhakan at tawanan ng mga ito.
Narinig ko ang mga yabag ng mga paang papalapit sakin. Nakita kong lumapit ang limang lalaki sa akin ngunit hindi ganoon kalapit. Sapat lamang upang maaninag ko sila.
"Hindi pwede ang nais mo magandang dilag. Kami ang masasaktan kapag ginawa namin yun." ani ng isang lalaki.
"Pakawalan nyo na ako. P-parang awa nyo na. Nagmamakaawa ako!" naiiyak kong sambit. Natatakot na'ko. Gusto ko nang umalis dito. Ayoko na dito. Gusto ko na bumalik sa mansion.
"'Wag ka matakot samin, Kung gusto mo dadalhin ka pa namin sa langit para sumaya ka." ani ng may katabaang lalaki at humalakhak, pati narin ang mga kasama nito. Mas lalo akong napaiyak sa sinambit niya. Hindi. Ayoko. Hindi pwede.
Sumubok akong tumayo ngunit napaigtad ako ng sumakit ang papulsuhan ko. Makapal na lubid ang nakatali sa aking magkabilang kamay at mga paa.
"Huwag! Please, 'wag kayong lalapit. Lubayan nyoko!" ani ko ng makitang papalapit ang limang kalalakihan sakin. Nakakatakot na mga ngisi ang nakapaskil sa kanilang nga mukha na mas lalong nagdagdag ng pagkapangit nila sa paningin ko.(Nanlait pa XD)
"Miss naman! Alam mo bang ngayon lang kami nakakita ng katulad mo. Ngayon lang kami makakatikim ng isang maamo at makinis na babae!"
Umiling ako. Hindi pwede! King nasan ka na ba? Kailangan kita ngayon. Iligtas mo ako King. Natatakot ako. Pakiusap.
"Nandyan na siya!" sigaw nung isang lalaki at tumigil sila sa paglapit na ikinaluwag ng aking dibdib. Agad na nagsiayos ang lima. Nakarinig rin ako ng mga yabag ng sapatos na papalapit sa pwesto ko.
"How is she?" rinig kong tanong ng isang babae.
"Maayos naman po Ma’am. Gising na nga po" ani nung matabang lalaki. Ngunit ang napukaw ng aking atensyon ay ang boses ng babae. Napakafamiliar sakin ng boses niya. Parang narinig ko na ito kung saan.
"Good. Let me see that b*tch who stole My Love." ani nung boses at narinig ko ang paglapit niya sa pwesto ko. Sa hindi malamang dahilan ay kinakabahan ako.
Halos tumigil ang mundo ko ng makita ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon...
Parehong nanlaki ang aming mga mata na animo'y hindi makapaniwala sa nakikita namin sa isa't isa.
"Lizelyn"
"A-Allysha.."
Third Person POV
"B-Bakit ka nandito? B-Bakit? Paanong.." hindi malaman ni Lizelyn kung anong sasabihin. Hindi siya makapaniwala. Ang matalik niyang kaibigan ay nasa harapan niya at nakatali.
Galit na binalingan niya ang mga lalaking kaniyang inutusan. At pinagbantay.
"You Stup*d M*ron! Sabi ko ang asawa ni King ang kuhain ninyo! Hindi ang kaibigan ko! Mga T*nga!" galit na bulyaw niya rito.
"M-Ma’am siya po yung lumabas sa mansion ni King Wurzel. Siya po yung sinasabing asawa ng boyfriend ninyo." ani ng mga ito. Ilang segundong natigilan si Lizelyn. Bumuka ang kaniyang bibig ngunit walang lumabas na kahit ano sa kaniyang bibig. Hindi makapaniwala sa nalaman. Hindi pwede. Hindi maaari.
" Totoo ba Allysha? A-Asawa mo si King? I-Ikaw ang pinalit niya sakin? Ikaw ang umagaw sa kaniya?!" hindi makapaniwalang tanong niya sa kaibigan.
"L-Lizelyn hindi k---"
"P*tang Ina! Allysha sagutin mo ang tanong ko! Ikaw ba ang asawa ni King?!"
Takot namang tumango tango si Allysha. Kita niya ang sakit sa mga mata ng kaibigang si Lizelyn. Pareho silang umaagos ang mga luha sa kanilang mga mata.
"Patawad... Hindi ko alam Lizelyn. H-Hindi ko sinasadya. Hindi ko---"
"Bakit Allysha? Bakit siya pa? Bakit si King?" himutok ni Lizelyn sa kaibigan. So all this time, yung loloko sa kaniya ang kaniyang kaibigan pala. How f*ck the life is.
Mapait na napatawa si Lizelyn nang maalala ang huling sinambit ni King nang maghiwalay sila.
" Sorry Lizelyn. But I already found my life. I found my Happiness."
F*ck! F*ck her life! Anduga naman ng kapalaran. Bakit kaibigan niya pa. So all this time, kasama at kakilala niya pala ang babaeng matagal nang hinahanap ni King. Ang babaeng hindi niya kayang pantayan sa puso ng minamahal.
Lumapit siya sa kaibigang umiiyak at paulit ulit na humihingi ng kapatawaran sa kaniya. Fear and Guilt is written all over see in Allysha's face. Ilang ulit niyang minumura ang sarili niya. She's stupid. Walang kinalaman ang kaibigan niyang si Allysha sa mga nangyayaring ito.
Kaniyang niyakap ang kaibigang nanginginig at takot na humihikbi.
"Sorry Allysha. Patawarin mo ako bestfriend. I'm sorry." untag niya rito.
Masakit man. Pero kailangan na niya sigurong tanggaping hindi talaga sa kaniya si King. Hindi sa kaniya si King dahil bago pa siya dumating sa buhay ng binata, Si Allysha na ang nakatadhana dito. Kontrabida lang talaga siya sa buhay ng kaibigan.
"Sorry Bestfriend. Sorry. Pangako ilalabas kita dito. Ibabalik kita kay King" ani niya at sinimulang tanggalin ang pagkakatali ng takot na kaibigan.
Ngunit bago niya pa tuluyang matanggal ang tali sa pangalawang tali nito ay isang putok ng baril ang umalingawngaw sa palagid.
"No one will go out. No one will escape.."
"H-Harrison.."
BINABASA MO ANG
The Demon's Possession (Complete)
RomanceHe's a Heartless. A demon. He can kill anyone. He can control anyone. No one can tame him. No one know his true identity. His secrets. His Darkest Secrets that no one knows. Pero paano kung isang gabi ay makilala niya. Ang babaeng kanyang kahuh...