Chapter 1:
Maingay. Mausok. Madilim.
Iyan ang bumungad sakin pagkapasok ko sa bar. May mga taong malapit ng gumawa ng milagro. Ang iba ay sumasayaw, sumasabay sa indayog ng malakas na musika.
Agad kong nakita ang isang pamilyar na tao. Lumapit ako sa kanya at yumakap.
Iginaya nya ako sa isang kwarto. Sa ikalawang palapag ng bar na ito.
"Naku! Buti naman at balot na balot ka nang pumunta ka dito" pambungad nya sakin.
Naka Longsleeves, jacket at jeans ako.
"Okay na'yun Tita-mommy. Para walang bumastos sakin" nakangiting untag ko.
Siya si Ellena Malvar. Siya ang kapatid ng yumao kong Ina. Inampon nya ako at kinupkop ako ng mamatay ang mga magulang ko. Walang asawa si Tita-Mommy. Kinupkop nya ako. Inalagaan at Itinuring nyang tunay na anak. Laking pasasalamat ko na sa kanya ako napunta. At masaya ako na sya ang tumulong sakin na makabangon ulit. Siya ang nagbigay ng pagmamahal na hindi ko nakuha sa mga namatay kong magulang.
"Oh sige, Magbihis ka na at marami ng naghihintay sayo"
Tumango ako at sinunod ang utos nya. Sya ang may-ari ng bar na ito. Sa totoo'y ayaw nya akong pagtrabahu-in dito. Lalo na at maramibg bastos sa ganitong lugar ngunit nagpumilit ako. Para narin mabayaran ko kahit sa ganitong paraan ang ginawa nila saking kabutihan.
Nang makapagbihis na ako. Isang kulay Pulang bikini ito ngunit may patong na makinyab na see throu. Agad akong humarap sa kanya. Niyakap naman ako ni Tita-mommy.
"Sabihin mo lang sa akin kung may bumastos sayo Ija. Hindi ko hahayaan na mabastos ka kahit na bar ito" paalala nya.
"Opo Tita Mommy. Wag po kayong mag-alala. Hindi ko hahayaang mabastos nila ako" sabi ko at agad na pumunta sa likod ng isang pulang kurtina.
Nang marinig ko ang hudyat ng emcee ay agad na bumukas ang pulang kurtinang tabing.
Malakas na hiyaw at palakpakan ang bumungad sakin.
Nang magsimula ang tugtog ay Lumakad ako palapit sa isang pole at doo'y sumayaw. Habang sumasayaw ay nilibot ko ang aking paningin. May mga bago at lumang negosyateng cotumer dito. Ngunit may isang makisig na lalaki ang nakapukaw sa atensyon ko.
Isang gwapo at makisig na binata.
Nang magtagpo ang aming mga paningin ay nanindig ang aking mga balahibo.
Ang abuhing mata nya. Malamig. Patay at walang emosyon.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Pero Bakit?
![](https://img.wattpad.com/cover/154090823-288-k770480.jpg)
BINABASA MO ANG
The Demon's Possession (Complete)
RomanceHe's a Heartless. A demon. He can kill anyone. He can control anyone. No one can tame him. No one know his true identity. His secrets. His Darkest Secrets that no one knows. Pero paano kung isang gabi ay makilala niya. Ang babaeng kanyang kahuh...