TD'SP 24

25.8K 451 2
                                    

Chapter 24:

Third Person POV

Mahigit isang linggo narin ang nakalipas magmula ng matanggap ni Allysha ang kahon na pinadala sa kaniya. Isang linggo na ang nakalipas ngunit malinaw parin sa kaniyang isipan ang mga larawang laman ng kahon. Larawan ng taong mahalaga sa kaniya.

Larawan ni King. Ngunit hindi lang si King na naroroon sa litrato, kasama niya roon ang babaeng tinuring niyang kaibigan.

Lizelyn.

Sa mga pagod na mata ng dalaga ay hindi nakawala ang luhang umalpas nang maalala ang kasamang mensahe ng mga larawang nagbigay ng sakit sa kaniyang puso.

'Whoever you are bitch, I don't fucking care. I don't care if you're King' s Wife. Because I'm telling you Bitch, King is Mine. Mine alone. You'll surely regret marrying the man I love. Ready you grave bitch.'
-Lizelyn Malvarioes.

Paulit-ulit na nagpe play sa isipan ng dalaga ang ang lahat at sa bawat ulit ay ang sakit na dumadagdag sa dibdib ng dalaga. Mas lalo pa itong nasaktan ng labis ang dalaga dahil sa higit na isang buwan na walang King ang dumating sa bahay. Walang King na bumalik upang ipaliwanag ang lahat.

'Siguro nga ay hindi ako mahalaga sa kaniya. Hindi niya ako mahal'

Napailing ang dalaga sa sariling iniisip. Nilibot ang tingin sa kwarto ng asawang si King. Asawa. Mapait na napangiti ang dalaga. Imposible. Siya? Asawa? Kung gayo'y dapat kasama niya ito, Dapat nasa tabi niya ito. Hindi niya dapat nararamdaman ang sakit na ito.

Wala si King. Walang King ang nasa tabi. Mapait na ngumiti at tumayo ang dalaga at pumunta sa silid aklatan. Kumuha ng papel at panulat at sinulat ang huling mensaheng nais iparating sa mahal na asawa.

'King, kung nasaan ka man. Sana maging ligtas ka. Huwag mo sanang pabayaan ang sarili mo. Sana maging masaya ka sa kaniya. Alam kong mahal ka niya at ayaw kong makasakit ng damdamin ibang tao. Alam kong mahal ka niya at ramdam ko ring kahit na asawa mo ako'y wala kang nararamdaman para sakin. Pero para sakin, masaya na ako sa mga panahon na nakasama kita. Salamat sa pagdating sa buhay ko. Mahal kita King. Mahal na mahal kita mahal kong hari.'

Natapos magsulat ang dalaga ngunit ang mga luha sa kaniyang mga mata ay walang alpas na dumadaloy pababa sa kaniyang mga pingsi. Pagbukas ng pintuan ng silid aklatan ay mukha ni Akisha na may bahid ng pagaalala ang bumungad sa dalaga. Mapait siyang ngumite dito at nilagpasan lamang ang babae.

Allysha's POV

Ang sakit. Ang sakit isipin ang lahat. Bakit ba nangyayari sa akin ito? Ano bang nagawa ko.

Akala ko dati, napakalupit ng tadhana dahil ibinigay niya ako sa walang pusong demonyo. Sa demonyong pumapatay ng mga inosenteng tao, ngunit nagkamali ako. Dahil laking pasasalamat ko na binigay siya sakin. Ang lalaking iyon. Siya ang nagparamdam sakin ng saya at sakit na ngayon ko lang naranasang maramdaman muli pagkatapos ng anim na taon.

Pero hindi lahat ng binibigay ng tadhana ay tumatagal. Hindi lahat ay mananatili kahit pa sabihin mong ayaw mo ito mawala sa buhay mo.
Masakit isipin na binigay siya sakin, pero heto at kinukuha na muli sakin ng tadhana ang taong napamahal na sakin.

Masakit isipin na mahal ko siya, ngunit kailan ko ba narinig ang mga salitang iyon sa kaniya?

Kasal kami.

At ang kasal ay sa dalawang taong nagmamahalan. Pero ano ba kami? Bakit niya ako pinakasalan? Mahal niya ba ako kaya niya ako pinakasalan?... O para maging isa niyang parausan.

Sa isiping iyon ay hindi ko makontrol ang sakit na lumulukob sa aking puso. Ano ba talaga ako para sa kaniya. Pero paano ko naman matatanong sa kaniya yun kung wala siya rito? Kung nasa piling siya ng ibang babae. Mas malala pa dahil hindi lang basta ang babaeng kasama niya. Dah ang kaibigan ko ang kasama niya.

The Demon's Possession (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon