Chapter 1

216 8 0
                                    

Chapter 1

Pasado alas tres na ng madaling araw nang mapabalikwas ng bangon si Mico mula sa pagkakatulog. Nagising sya mula sa isang panaginip. Halos tatlong sunod-sunod na gabi na nya itong napapanaginipan.

Nakatayo sya sa isang hindi nya alam na lugar. May nakita syang sasakyan na huminto sa tapat ng isang puno. May mga taong bumaba sa sasakyan na ito pero hindi nya maaninag ang mga mukha nila.

May isa namang taong lumapit sa puno habang hawak ang isang itim na libro. Bigla namang may dumating na isa pang tao. Nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng taong may hawak na libro at sa isang kadarating lang pero hindi maunawaan ni Mico ang sinasabi ng mga ito. Bigla na lamang nagkaroon ng madugong barilan hanggang sa bumulagta ang lalaking dumating.

Nakita nyang gumagalaw pa ang lalaking duguan at binaril nito ang van na naglalaman ng mga bomba. Pagkatapos ay nagkaroon na ng pagsabog kasabay ng pagkagising nya.

Laging ganun ang nangyayari. Pagkatapos ng pagsabog ay laging nagigising si Mico mula sa hindi maipaliwanag na panaginip. Alam nyang isa iyong senyales na maaaring maganap.

May kakayahan syang malaman ang mangyayari sa hinaharap at ang magiging kamatayan ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang panaginip.

Alam nyang pwedeng magkatotoo ang panaginip nyang iyon lalo na't sunod-sunod nya itong napapanaginipan.

Kahit wala na ang antok ay pinilit na lamang ulit ni Mico na makatulog.

Kinabukasan ay pinuna ng kaibigan nyang si Blue ang kanyang pagkabalisa.

Blue: "O, ano namang klaseng mukha yan? Puyat ka nanaman kagabi no? Let me guess, uhm, tungkol uli sa panaginip mong iyon?"

Mico: "Ano pa ba? Ayoko talaga ng kakayahan kong ito! Simula pagkabata ay lagi ko na lang nakikita ang mga mamamatay na tao at ang posibilidad na mangyayari sa hinaharap!"

Totoong ayaw ni Mico ng kanyang abilidad. Sampung taon pa lamang sya n'on nang mapanaginipan nya ang kamatayan ng kanyang ina. Nasagasaan ito ng bus kaya ganon na lamang ang pagkamuhi nya sa kanyang abilidad. Ayaw nyang makita ang magiging kamatayan ng mga mahal nya sa buhay.

Batid naman ni Blue ang kakayahan na ito ni Mico. Totoong naniniwala sya dito. Ilang beses na rin nya itong napatunayan.

Blue: "Ganito na lang, tol, para malibang ka at makalimutan mo muna ang panaginip mo na iyon, magkakaroon nanaman tayo ng ghost hunting trip mamayang gabi. OK ba 'yon?"

Hindi naman nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Mico nang marinig ang sinabi ng kaibigan.

Mico: "Saan naman yan?"

Blue: "Sa isang luma at dating condominium pero ngayon ay isa na lamang bakanteng lugar na pinamumugaran ng mga ligaw na kaluluwa (sabay abot ng mga pictures kay Mico). Yan ang mga pictures na kuha ni One mula sa lumang Condo na iyon."

Nakita ni Mico ang mga pictures na may mga puting imahe na tila ba mga multo.

Mico: "Sige, sasama ako! Kasama ba ang lahat?"

Blue: "Syempre naman."

Bigla namang may nag'text kay Mico.

Mico: "O, nag'text si Ms. Zai, may mahalaga raw na sasabihin satin. Nand'on na raw ang lahat at tayo na lang ang hinihintay."

Blue: "Baka tungkol yan sa Ghost hunting trip natin mamaya?"

Mico: "Sa tingin ko nga. Tara na at alam mo naman kapag nagalit 'yon. Parang dragon."

Nagtawa na lamang si Blue sa sinabi nya at saka sila nagpasyang umalis.

Bukod sa kakayahang makita ang mangyayari sa hinaharap, may kakayahan din si Mico na makakita ng mga espiritwal na bagay na hindi kayang makita ng isang pangkaraniwang tao lamang. Ang kanyang kaibigan na si Blue ay may ganito ring kakayahan.

Bukod sa kakayahang malaman ang mangyayari sa hinaharap ay may kakayahan din si Mico na makakita ng mga espirituwal na bagay na hindi kayang makita ng isang pangkaraniwang tao lamang. Ang kaibigan nyang si Blue ay may ganito ring kakayahan. Pareho silang kabilang sa isang grupo na tumatalakay at nag-iimbestiga ng mga bagay na may kinalaman sa paranormal. Ang SOUL Club.

Mayroong isang Opisina ang kanilang grupo. Doon sila nagkikita-kita kapag may mahalaga silang pag-uusapan o kung may humihingi sa kanila ng tulong na may kinalaman sa paranormal.

Nang makarating sila ay naroon na't naghihintay ang lahat. Si Chii, Zai, One, Jade at Ivy.

Si Konchii Wun o mas kilala bilang Chii ang nagtatag ng SOUL Club. Binuo nya ang grupong ito upang mas magkaroon ng malawig na kaalaman ang mga tao tungkol sa paranormal realm. Isa syang spirit questor at ang tumatayong leader nila.

Si Zai naman ang tumatayo nilang paranormal lecturer. Isa syang clairvoyan at siya rin ang namamahala kung may lakad ang kanilang grupo. Tinatawag rin nila siyang Ms. Minchin dahil sa pagiging masungit nito.

Ang sumunod naman ay si One. Tulad nila ay nagtataglay din ito ng third eye. Sya ang photographer ng grupo. Isa syang expert sa pagkuha ng litrato ng mga multo. Tinawag nila siyang One o The One dahil nag-iisa lamang ito at walang katulad ang husay sa pag'capture ng mga larawan ng mga multo. Siya ang boyfriend ni Jade.

Si Jade naman ang boyfriend ni One. Isa rin syang psychic. Mula pagkabata ay mayroon na syang third eye.

Kasunod naman ay si Ivy. Bagama't hindi malakas ang kanyang paningin pagdating sa mga multo o malabo nyang nakikita ang mga ito, isa naman syang clairaudient o yung taong may enhanced sense of hearing. Siya ang kailangan ng grupo kung may nais sabihin sa kanila ang isang kaluluwa. Maayos na naririnig ni Ivy ang nais na ipahiwatig o mensahe ng isang multo.

Dalawang linggo pa lang ang nakararaan nang magsimulang sumali sila Mico at Blue sa grupong ito. Gusto lang ni Blue ng kakaibang adventure kaya sya sumali.

Si Mico naman ay pinilit lang nito na sumali. Napapayag naman sya sa pag-aakalang may isa man sa grupong ito ang may kakayahan upang alisin ang abilidad nyang malaman ang mangyayari sa hinaharap pero sa kasamaang palad ay walang may kakayahan kahit isa man sa mga ito.

Zai: "Mico, Azul, buti naman at nandito na kayo!" medyo mataray nyang sabi sa dalawa.

Blue: "Ah, Blue po ang pangalan ko Ms. Zai."

Zai: "I don't care! Magsiupo na kayo at may mahalaga akong sasabihin sa inyo."

Nagsiupo naman ang lahat. Si Chii naman ay nakatayo lamang katabi ni Zai.

Zai: "Gusto kong sabihin sa inyo na may pupuntahan tayong lugar bukas ng umaga!"

Blue: "Umaga? Pero paano na po yung Ghost hunting trip natin mamayang gabi?"

Zai: "Cancel na muna 'yon. Mas mahalaga ang pupuntahan natin."

Chii: "Based on our research, kilala ang bayang pupuntahan natin sa pagkakaroon ng mga kwento tungkol sa mga diablo."

Ivy: "Diablo? You mean demon?"

Chii: "Yes! Pupunta tayo don para alamin kung totoo nga ba talaga ang existence ng mga diablo sa lugar na iyon."

Mico: "Saan naman po yang lugar na yan?"

Zai: "Sa isang bayan na kung tawagin ay San Nicholas."

Hindi naman alam ni Mico ang nararamdaman nang marinig nya ang Bayan ng San Nicholas. Tila ba may kutob sya na may kakaibang mangyayari sa pagpunta nila roon.

Diablo 2 "Ang Anino ng Hinaharap" (Repost)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon