Chapter 15

65 3 0
                                    

Chapter 15

MULING nagpakita kay Mico ang kaluluwa ni Tata Isko.

Tata Isko: "Naparito ako dahil sa isang mahalagang mensahe. Ang Diablong si Victor ay patuloy ka nang hinahanap! Hindi sya titigil hanggat hindi ka natatagpuan!"

May pangamba sa tinig ni Mico matapos makita ang matanda.

Mico: "A-ano ho?? T-teka, hindi ba't kayo yung multo na nagpakita sa mansiyon noon?"

Tata Isko: "Ako nga,"

Mico: "Kung gano'n, ano hong ibig nyong sabihin tungkol sa Diablo?"

Tata Isko: " Pinag-iingat kita mula sa aninong Diablo na si Victor. Ang Diablong kumakatawan sa panaginip at hinaharap. Patuloy nyang hinahanap ang taong nangangalaga sa bagay na tanging makakapigil sa kanya. Ang Itim na brilyante na nasa iyo, Mico."

Naalala ni Mico ang bagay na napulot nya noong nagkaroon ng pagsabog sa bayan ng San Nicholas. Kinuha nya ito sa kanyang bulsa.

Sa totoo lang ay hindi nya alam kung bakit pero hindi nya magawang maialis sa tabi ang brilyanteng iyon. Tila may nagsasabi sa isipan nya na kailangang nasa kanya ito parati.

Tata Isko: "Yan ang bagay na tanging makakapagkulong sa Diablong si Victor. Hindi ka nya magagawang saktan kapag nasa iyo 'yan. Pero sa oras na mahanap ka nya, idadamay niya ang lahat ng iyong mga mahal sa buhay, maisuko mo lang ang itim na brilyante kaya kailangan mo nang magmadali. May kakayahan si Victor na gawing buhay na bangungot ang panaginip ng isang tao at gawing reyalidad ang iyong kinatatakutan. Lahat ay magiging totoo sa mundo ng panaginip. Kaya ka nyang patayin sa mundo ng panaginip sa pinakamasaklap na paraan. Maaari ka nyang patayin ng paulit-ulit sa oras na kainin ng kanyang anino ang iyong katawan sa tunay na mundo. Isa na sa mga kaibigan mo ang nabiktima nya!"

Mico: "S-sinong kaibigan?" tila nababalisang sabi nya. "Hindi ko kayo maintindihan?" Tata Isko: "Bumalik ka kung saan nagsimula ang lahat. Sa bayan ng San Nicholas. Hanapin mo roon ang isang nagngangalang Mon Imperial. Anak ko sya. Matutulungan ka nya upang mas maliwanagan pa sa mga nangyayari."

Nang marinig ni Mico ang bayan ng San Nicholas ay saka lamang nya napagmasdan ng maigi ang mukha ng matanda.

Pamilyar ito sa kanya.

Tama! Ito ang matandang nakita nya sa kanyang pangitain noon bago nangyari ang pagsabog sa bayan na yon. Ito ang matandang binaril ng mga armadong kalalakihan.

Bukod pa roon, nakita nya rin ang mga kakaibang nilalang na lumabas mula sa isang kakaibang lagusan. Ang mas nagpasidhi sa kanyang takot noon ay nang makita ang isang itim na lalaki na may nakakatakot na mga mata na animo'y gusto syang patayin.

Mico: "Ibig sabihin ay nauugnay ang pangitain ko noon sa nangyayari ngayon." sabi nya.

Tata Isko: "Mahusay ang iyong kakayahan na makita ang mga mangyayari sa hinaharap ngunit hindi lahat ng makikita mo ay maaaring maganap. Ikaw lang ang makakapagdesisyon ng sarili mong kapalaran, Mico."

Waring narinig na ni Mico ang mga sinabi nito.

Ito rin ang mga katagang sinabi sa kanya ni Ivy noon na ngayo'y pinanghahawakan nya.

Ang mga salitang iyon kaya ang magiging gabay nya?

Unti-unti nang naglalaho si Tata Isko sa harapan nya.

Mico: "Sandali lang," pigil pa nya sa papalahong matanda.

Tata Isko: "Mag-iingat ka sana, Mico..." huling nasabi nito bago tuluyang nawala. Naiwan mag-isa si Mico, napapaisip sa mga sinabi nito. Kinutuban sya sa mga babala ni Tata Isko.

Naalala nya ang naging panaginip kay One. Masama ang hinala nya na baka kung napa'no na 'to.

Hindi sya makatulog dahil sa mga iniisip.

SA kabilang dako naman ay hindi mapakali si Ivy dahil sa mga sinabi ni Joysan. Wari ba'y hanggang ngayo'y kinikilabutan pa rin sya sa mga ipinahayag nito. Naaalala pa rin nya ang mga nakita sa camera ni One. Nagdudulot lalo iyon ng labis na takot sa kanya.

Hanggang sa makarinig sya ng isang sigaw. Tila ba nakararanas ng matinding paghihirap ang sigaw na yon. Parang boses ni One!

Malakas ang pandama ni Ivy pagdating sa pandinig. Alam nya kung buhay pa o isa na lamang espiritu ang nagmamay-ari ng isang boses. At sa estado ng kanyang narinig, isa na lamang iyong kaluluwa. 

Pinakiramdaman nyang maigi kung saan nanggaling ang sigaw na iyon. Hanggang sa narinig nya itong muli.

One: "WAAAHH!! TULUNGAN NYO AKOOO!" tila nanghihilakbot ang sigaw nito.

Kinakabahan na tumayo si Ivy at tinungo ang pinto palabas ng kanyang kwarto. Nanginginig nyang pinihit ang doorknob at pagkabukas nya ay nagimbal sya sa tumambad sa kanya...

Nagkalat sa sahig ang maraming dugo at mga lamanloob ng tao.

Halos masuka siya sa nakikita. Hindi nya masikmura iyon.

Muli ay narinig nya ang sigaw ni One na para bang tino-torture.

One: "WAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!"

Kusang kumilos ang mga paa ni Ivy. Kahit pilitin man nya ay hindi nya magawang kontrolin ang sariling katawan.

Umapak sya sa mga nagkalat na dugo at lamanloob ng tao.

Halos maduwal sya sa mga nangyayari. Tila nandidiri sya nang maramdamang inaapakan nya ang mga ito.

Pikit mata na lamang syang nagpatianod sa paglakad.

Habang patuloy na naglalakad sa isang madilim na sulok ay papalakas ng papalakas ang boses. Papalapit sya ng papalapit sa tino-torture na sigaw. Hindi nya alam kung parte pa nga ba ng bahay nila ang kanyang nilalakaran dahil hindi na ito pamilyar sa kanya.

Hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang malaking pinto na kulay itim. Sa loob ng silid na iyon nanggagaling ang boses ni One na para bang tino-torture.

One: "AHHHHH! Pakiusap, tama na! AYOKO NA!!" narinig pa ni Ivy mula sa loob ng silid na iyon.

Nakarinig rin siya ng isang nakakalokong tawa ng isang lalaki na tila ba lalo pang nasisiyahan.

Umagos mula sa ilalim ng pinto ang masaganang dugo at napakaraming mga uod. Nakakasulasok din ang amoy na idinudulot nito.

Binalot ng labis na hilakbot si Ivy matapos maramdaman ng kanyang paa ang mga dugo at uod.

Kung ano man ang nasa loob ng silid na iyon ay ayaw nyang makita. Subalit kusang kumilos ang kanyang mga kamay upang buksan ang pinto. Pilit pa nyang nilalabanan ang kumokontrol sa kanya pero hindi nya magawa. Kumilos ang kanyang kamay upang pihitin ang doorknob. Hindi matumbasan ang takot na kanyang nadarama ng mga oras na iyon.

Bubuksan na sana nya ang pinto nang may biglang humawak sa mga kamay nya.

Diablo 2 "Ang Anino ng Hinaharap" (Repost)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon