Chapter 17

71 3 0
                                    

Chapter 17

NAPASANDAL si JL sa puno. Tila napagod ng husto ang kanyang katawan.

JL: "Lumabas ka na! Alam kong nariyan ka lang, tanda!"

Lumitaw si Tata Isko sa kanyang harapan.

Tata Isko: "Ano ang nangyari at nagkaganyan ka? Paano ka nagtamo ng mga ganyang pinsala?"

JL: "Ito ba? Wala lang ito. Nakipagtunggali lang naman ako sa hambog na Diablong si Victor."

Tata Isko: "Ano? Nakaharap mo si Victor?"

JL: "At sa mismong mundo pa nya! Haay, ito ang napapala ko dahil sa pagtulong sa inyo. Sa katunayan, hindi ko naman dapat ginagawa ang mga ito ehh... ARAY!" dumaing sya ng pananakit ng katawan. "Pero kahit abutin pa ako ng ilang milyong taon sa pakikipaglaban kay Victor, wala ni Isa man sa amin ang mamamatay. Ngunit magkagayon pa man, nakakaramdam pa rin ng sakit ang katawan ko. Kailangan ko pa ring limitahan ang aking sarili sa paggamit ng kapangyarihan at sa pagpasok sa mundo ni Victor. Delikado pa rin para sa akin, lalo na kapag bumalik ang aking kamalayan bilang diablo." tumayo siya at tumingala sa kalangitan. "Masaya nga ang kasalukuyan subalit sa paglipas ng panahon ay isa na itong nakakatakot na hinaharap hanggang maging isa itong malungkot na nakaraan."

Batid ni Tata Isko ang ibig nitong ipahiwatig. Iyon ang buhay ng isang imortal. Hindi mo alam kung kailan lilipas ang iyong buhay, o kung lilipas pa nga ba ang buhay mo.

Maraming naghahangad ng buhay na walang hanggan. Kasiyahan nga ang iyong matatamo kapag nakamit mo iyon. Subalit sa paglipas ng panahon, makakaramdam ka na ng takot para sa iyong sarili. Hindi mo alam kung saan ang iyong hangganan. Hindi mo alam kung magiging saksi ka hanggang sa katapusan ng mundo. O kung mananatili kang buhay kahit wasak na ang daigdig. Maaaring patuloy mong mararamdaman ang init ng kumukulong lawa ng apoy ng impiyerno kapag inilubog ka roon.

Sadyang malungkot ang buhay ng nilalang na walang kamatayan.

***

ISANG pulang kotse ang huminto sa tapat ng bahay nila Mico. Lumabas mula sa sasakyan si Joysan.

Pinindot nito ang doorbell mula sa gate ng bahay nina Mico.

Si Mico na rin ang nagbukas ng gate at laking gulat niya nang makita si Joysan.

Mico: "Joysan?"

Joysan: "Hi!"

Mico: "Teka, paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

Joysan: "Maraming paraan para malaman 'yon," nakangiting sagot nito. "Maaari ba akong pumasok sa inyo?"

Mico: "Ha? Ah, Oo. Sige, tuloy ka." iginiya nya ito papasok sa loong bahay. "Ikaw lamang ba mag-isa?"

Joysan: "Oo! Hiniram ko yung kotse sa parents ko bago pumunta rito."

Pumasok sila sa Salas.

Mico: "Maupo ka muna. Sandali lang ipagtitimpla kita ng juice."

Joysan: "No. It's ok. Hindi naman ako masyadong magtatagal. Gusto lang sana kitang makausap." umupo ito sa sofa.

Mico: "Tungkol naman saan?" umupo na rin siya paharap kay Joysan.

Joysan: "Miss na kasi kita."

Halos matumba siya sa kinauupuan dahil sa narinig.

Mico: "A-ano?"

Joysan: "Haha, bakit naman ganyan ang naging reaction mo?"

Mico: "Kasi naman, bakit ganyan ang sinasabi mo?"

Diablo 2 "Ang Anino ng Hinaharap" (Repost)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon