Chapter 6

83 3 0
                                    

Chapter 6

Halos isang linggo na ang nakararaan simula nang mangyari ang malawakang pagsabog sa bayan ng San Nicholas. Nakaligtas naman ang lahat ng mga kagrupo ni Mico. Kapwa sila nagtagpo-tagpo noon sa isang ligtas na lugar. Ngunit nabalitaan nila na may ilang namatay dahil sa insidente kasama na ang brgy. chairman ng bayan na 'yon na si Tata Isko. Ipinagpasalamat na lamang ni Mico na walang nasaktan o napahamak sa mga kasamahan nya. Ngunit ang ipinagtataka nya ay kung saan nagmula ang itim na brilyanteng napulot nya? Bigla na lamang itong bumagsak sa kanyang harapan.

Pero kaagad ring nawala ang isipin nyang iyon nang dumating ang leader ng kanilang grupo na si Chii at ang paranormal lecturer nila na si Zai. Kasalukuyang magkakasama ang lahat ng member ng SOUL Club dahil may mahalagang iaanunsiyo si Chii.

Chii: "Ok guys, dahil sa naudlot natin noon na demon investigation, itutuloy nalang natin ang dati nating gawi. Magkakaroon tayo ngk ghost hunting trip mamayang gabi."

Zai: "Inupahan ang ating grupo ng isang heredero upang alamin kung bakit may mga ligaw na espiritung naninirahan sa kanilang mansyon. Ayon sa nakalap naming impormasyon, bago itayo ang mansyon na iyon, ay usap-usapan na ang mga ligaw na kaluluwa sa lugar na yon. Ang misyon natin ay alamin kung bakit hanggang ngayon ay may mga kaluluwa pa ring hindi matahimik sa lugar na iyon."

Chii: "Bago ko nga pala makalimutan, may gusto sana akong ipakilala sa inyong lahat. Sya ang bagong miyembro ng SOUL Club."

Pagkasabi nito ay biglang pumasok ang isang napaka gandang babae sa kanilang harapan. Bumati ito at nagpakilala sa kanila.

joysan: "Hi! I'm Joysan Perez, 19 years old. You can also call me Joysan or simply, Joy. And I'm glad to meet you all."

Bigla namang natulala ang mga lalaki d'on.Waring nabighani sila sa halinang taglay ni Joysan.

Chii: "Para sa kaalaman ng lahat, si Joysan ay isang Telepath. Nagtataglay din siya ng Precognition tulad ni Mico. Magkaiba nga lang ang pamamaraan nila. Si Mico ay nakikita lamang an mangyayari sa hinaharap sa pamamagitan ng panaginip nya samantalang si Joysan ay nakikita ang hinaharap at nakaraan ng isang tao, buhay man o patay sa pamamagitan ng paghawak sa kanila o sa bagay na may kaugnayan sa kanila."

Joysan: " Yes. And according to an old sayings and beliefs, antiques or very old materials can serve as a portal between the spiri tual world and human world. Minsan, naiiwan ng isang yumaong tao ang ala-ala nya sa isang bagay na mahalaga sa kanya, naging parte ng buhay nya o may kinalaman sa kamatayan nya. Sa oras na mahawakan ko ang bagay na 'yon, nakikita ko mismo ang ala-ala nya na makakatulong upang i-explain ang mga unexplained na mga bagay." pahayag nya pero tila hindi nakinig sa kanya ang mga lalaki. Sa halip ay nakatitig lamang ito sa kanya.

Blue: "Dude, ito na 'yon!! Ang ideal girl natin! Nasa harap na natin!" pabulong na sabi nito kay Mico.

One: "Talaga namang napakaganda at napakaseksi nya."

Jade: " EHEM?!"

One: "Pero syempre, mas maganda ka pa rin sa kanya, babe. Ikaw naman, selos ka kaagad,"

Jade: "Hmmp, ewan ko sa'yo!"

Si Mico naman ay napatahimik lamang. Maging sya ay tila nabighani rin kay Joysan.

Sino ba naman ang hindi magkakagusto dito? may magandang hubog ito ng katawan na binagayan ng mala-anghel nitong mukha na halatang may lahing banyaga.

Napansin ni Mico na sa kanya nakatingin si Joysan. Pero kaagad rin nitong binawi ang tingin at humarap naman sa iba. Tila natulala si Mico sa pagkakatitig na yon ni Joysan kaya hindi nya namalayan na lumapit na pala ito sa kanila

Joysan: "Hi!" pagbati nito sa kanila.

Blue: "Hi Ms. Joysan, Blue nga pala." inilahad nito ang mga kamay. Nakipagkamay naman si Joysan sa kanya.

Joysan: "Blue, isang taong mahilig sa adventure at happy-go-lucky. Isa karing taong playboy. Marami ka nang naging girlfriend pero ni isa rito ay di mo sineryoso. Ang mga taong katulad mo ang dapat kong iwasan! Tama ba ako, Mr. Azul?"

Blue: "A-ano?"

Joysan: "Simula nang hawakan ko ang kamay mo ay nabasa ko na ang nasa iyong isipan. Isama mo pa ang pagiging isang telepath ko kaya may ilang bahagi ng pagkatao mo ang nalaman ko. Ngayon pa lang sasabihin ko na 'to sa'yo ... BASTED KA!!"

Namangha sila kay Joysan. Si Blue naman ay tila napahiya sa nangyari.

One: "Wow, hinawakan mo lang ang kamay ni Blue pero nakilala mo na ang buong pagkatao nya? Ibang klasa. By the way, One nga pala, ang photographer ng grupo. And this is Jade, my girlfriend. Welcome to the gang."

Jade: "Nice to meet you Joysan."

Joysan: "Nice to meet you too, One and Jade."

One: "A, di na ako makikipagkamay sa'yo Joysan. Baka kasi basahin mo rin ang iniisip ko e." may halong biro nya.

jade: "Bakit? Meron bang di dapat malaman sa'yo??"

One: " Ako? Wala no! Wala akong tinatago."

Joysan: "It's ok. Nababasa ko lang ang nasa isipan nyo kung hindi nyo pa alam ang tungkol sa kakayahan ko. Ngayong alam nyo na ang kaya kong gawin, naitatago na ng isipan nyo ang dapat kong malaman kaya

wala na kayong dapat na ikabahala."

Blue: "Malas naman, dapat pala ay huli na akong nagpakilala sa'yo."

Joysan: " Binalaan na talaga ako ni ms. Zai tungkol sa'yo kaya ikaw talaga ang una kong kinilala. Well, tama nga ang sinabi nya."

One: "Yun oh! Haha, sa simula pa lang ay basag na ang diskarte mo, tol!"

Humarap naman si Joysan kay Ivy.

Joysan: "You're Ivy, right?"

Ivy: "Ha? Paano mo nalaman ang pangalan ko."

Blue: "Mind reader talaga sya."

Joysan: "Not exactly. Malakas lang ang kutob ko na ikaw si Ivy. Bibihira na lamang ang mga taong may enhanced sense of hearing na katulad mo. Natutuwa akong makilala ang clairaudient ng grupo."

Ivy: "Natutuwa rin akong makilala ka."

Sumunod naman na kinilala ni Joysan ay si Mico.

Joysan: "You must be Mico, right?"

Mico: "Ha? A... o-oo, ako nga!"

Joysan: "So, ikaw pala ang Precog ng grupo. Nabalitaan ko na dahil sa'yo kaya nakaligtas ang grupo mula sa trahedyang naganap sa bayang pinuntahan nyo noon."

Mico: "Ha... uhm, parang ganun na nga. Nagkataon lang siguro ang nangyari."

Joysan: "Hindi nagkataon ang nangyari. Binigyan ka talaga ng ganyang gift para makatulong sa iba."

Tila may naalala bigla si Mico sa sinabi ni Joysan. Iyon din ang mga salitang sinabi ni Ivy sa kanya noon. Parang may pagkakapareho sila. Hindi nya namalayan na inilahad na pala ni Joysan ang mga kamay nito sa kanya.

Joysan: "It's my plesure to meet you, Mico."

Mico: "Ha..."

Blue: "Dude, babasahin nya ang nasa isip mo."

Joysan: "If you believe me, hindi ko na kayang basahin pa ang nasa isip mo. It's the law of my ability. Hindi ko na kayang basahin pa ang nasa isip ng taong nakakaalam ng kakayahan ko."

Mico: "Naniniwala naman ako sa'yo Joysan. At kahit malaman mo ang nasa isip ko ay ayos lang sa akin" inabot nya ang kamay ni Joysan upang makipagkamay.

Subalit sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, bigla na lamang may nakitang mga pangitain si Joysan nang mahawakan nya ang kamay ni Mico.

Isang nakakakilabot at nakakahindik na pangitain!

Diablo 2 "Ang Anino ng Hinaharap" (Repost)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon