Chapter 16

72 4 0
                                    

Chapter 16

I

SANG misteryosong lalaki ang humawak sa kamay ni Ivy na naging dahilan upang hindi nya mabuksan ang itim na pinto kung saan nya narinig ang nanghihilakbot na sigaw ni One.

JL: " Wag kang papasok sa loob ng silid na iyan kung ayaw mo ring maranasan ang katulad ng sinasapit ng iyong kaibigan na nasa loob."

Hindi naman maaninag ni Ivy ang mukha ng lalaking iyon.

Para namang nakahinga ng maluwag si Ivy sa nangyari. Pakiramdam nya ay nakaligtas sya mula sa isang malagim na krimen na mangyayari sa kanya.

JL: "Makinig ka! Kailangan nyo nang magmadali upang maikulong na si Victor sa lalong madaling panahon. Nagbabadya ang isang malaking kapahamakan sa oras na hindi magtagumpay si Mico. At mangyayari iyon sa oras na makipagkasundo ang isa sa inyong kasamahan kay Victor. Iyon ang magiging dahilan ng kamatayan ni Mico! Dalian nyo na! Wala nang sapat na panahon!"

Biglang umitim ang paligid ni Ivy. Tila naglalaho na ang katawan nya.

Pero bago sya naglaho ay nakita pa nyang bumukas ang itim na pinto. Iniluwa niyon ang isang nakakatakot na itim na lalaki. Puno ng dugo ang katawan nito. Kaagad nitong sinunggaban ang lalaki.

Victor: "Ang lakas naman ng loob mo upang pasukin ang aking mundo, Hector!" wika nito. Hindi naman nito napapansin si Ivy dahil sa kadilimang nakapaligid sa kanya.

JL: "Hindi na ako si Hector! Matagal ko na syang pinatay!!" itinulak nito si Victor pero mas malakas ang nilalang na ito sa kanya. Sya ang nagawang maitulak nito. Bumalya sya sa mga itim na pader.

Dumikit si JL sa pader at pagkatapos ay may lumabas na mga itim na parang zombies sa pader. Kumapit ang mga ito kay JL pero isang itim na apoy ang lumabas sa katawan niya na naging dahilan upang matupok ang mga nilalang na iyon.

Victor: "Hindi na masama, aking kapatid!!"

Tumitig ng madiin si JL kay Victor saka naman nya tinitigan si Ivy.

Unti-unting pumalibot kay Ivy ang kadiliman hanggang wala na syang makita.

Nang iminulat nya ang mga mata ay napansin nya na nasa kanyang kwarto na siya. Tila ba nagising sya mula sa isang masamang panaginip. Ang nangyaring iyo'y nagdulot sa kanya ng matinding takot kaya hindi na nya nagawa pang matulog muli.

***

Victor: "Anong problema aking kapatid? Ano ang naisipan mo at dinalaw mo ako matapos ang lahat ng ginawa mo? Natatandaan mo pa hindi ba? Ang ginawa mong pagtataksil sa amin?!"

JL: "Lahat ng kasamaang ginawa ko noon ay pinagsisihan ko! At kahit kailan ay hindi kita naging kapatid!!"

Victor: "Hector, Hector, Hector! Baliktarin man natin ang mundo ay ikaw pa rin siya! Isa kang tao pero isa ka ring diablo! Ang ginawa mong pagtataksil sa amin ay isang malaking kalapastanganan! Para saan at ginawa mo iyon? Para sa isang babaeng iniibig mo? Hah, Imortal ka na, Hector! Ikaw na ang diablo ng kadiliman! Makukuha mo ang nanaisin mo! Pero ano, ipinagpalit mo kami para sa isang babae?! Ang nagpalambot sa iyong matigas na puso?! Hahaha! Kahit anong pagbabait-baitan pa ang gawin mo, hindi ka na tatanggapin pa ng langit! Sa impiyerno pa rin ang bagsak mo!"

JL: "Wala akong pakialam kahit saan pa ako mapunta!!"

Tumira sya ng itim na apoy pero hindi man lang ito tumama kay Victor.

Victor: "Tss, Nakalimutan mo yata na ika'y nasa aking mundo. Maaaring maging katotohanan ang anumang naisin ko dito." nagbago ang hugis ng itim na apoy. Naging mukha ito ng isang de monyo. Bumalik ang apoy kay JL.

Sinunog sya ng apoy.

Victor: "Hahaha! Masakit ba na masunog ng sarili mong apoy?"

Tumayo si JL pero pagharap nya ay kalahati na ng kanyang kaanyuan ay isang Diablo.

JL: "Hindi maaari ito..."

Binalot ng kadiliman ang paligid. Unti-unting nilalamon ng dilim si JL.

Victor: "At saan mo balak pumunta?!"

Pinigilan ni Victor ang paglago ng dilim pero tuluyan nang naglaho sa gitna ng kadiliman si JL.

Victor: "Hah! Isa kang duwag, Hector!! Bumalik ka rito at dudurugin kita!!" nagngangalit na sigaw nito.

***

KINAUMAGAHAN ay nagtungo si Mico sa kanilang bakuran upang lumanghap ng sariwang hangin. Sa dami ng mga nangyayari sa buhay nya ay ninais nya muna ng isang maaliwalas na paligid.

Nagputa siya sa garden ng kanyang lola.

Naratnan niya roon ang kanyang nakababatang kapatid na si Joyce habang pumipitas ng mga bulaklak.

Tinawag nya ito.

Mico: "Joyce, anong ginagawa mo dyan?"

Nagulat naman ito kaya nabitiwan nito ang mga pinitas na bulaklak.

Joyce: "Kuya?"

Mico: "Bakit pinipitas mo nanaman ang mga bulaklak ni Lola? Sige ka, baka mapagalitan ka nanaman nya." nilapitan nya ito.

Joyce: "K-kuya, kasi, gusto ko lang bigyan ng flowers si daddy."

Nagsalubong ang kilay nya sa narinig.

Mico: "Bakit mo naman bibigyan ng bulalaklak ang taong yun?"

Joyce: "Kasi, napansin ko kasi na malungkot sya eh."

Mico: "Malungkot? At bakit sya malulungkot? Wala syang dahilan para malungkot." hinawakan nya sa magkabilang balikat ang kapatid. "Makinig ka, Joyce, masama syang tao. Wala syang pakialam sa atin. Pinabayaan nya tayo noon."

Joyce: "Kuya, hindi totoo yan! Malungkot si Daddy! Nakita ko syang iniiyakan ang picture ni mommy! Diba si mommy yung nasa picture frame sa room ko? Umiiyak sya doon habang kinakausap si Mommy at humihingi ng sorry. Umiiyak si Daddy kaya alam ko na malungkot sya kuya!"

Mico: "Ano?? Anong sinasabi mo, Joyce?" sabi nya pero biglang dumating ang kanyang ama na si Job.

Nilapitan ni Joyce ang ama at niyakap.

Mataman namang tinitigan ni Mico ang ama. Pilit nyang binasa ang walang ekspresyon nitong mukha. Pero sa isang banda, nakita nya na para ngang may lungkot na nakatago sa mga mata nito.

***

DINALAW ni Chii si Jade sa bahay nito upang kamustahin at alamin na rin ang kalagayan nito. Buhat kasi kahapon ay nalaman nya na parang wala raw sa sarili si Jade. Nagsasalita ito ng mag-isa at ang tanging bukambibig ay ang itim na lalaki na kumuha raw kay One. Mukhang na-depressed ito sa pagkawala ng nobyo.

Nasa harap pa lamang ng gate si Chii ay napansin nya na nagkakagulo ang mga kasambahay nila Jade. Sa tabi naman ay ang nanay ni Jade na walang tigil sa pag-iyak.

Tila mayroong masamang nangyari.

Diablo 2 "Ang Anino ng Hinaharap" (Repost)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon